2 - Lost Soul

170 9 2
                                    

The Query

"If you want to go back, just remember and everything will follow."

Kinusot ko ang mga mata ko at pilit kong nililinawan ang paningin ko. 

"Sino ka?" tanong ko.

Imbes na makaramdam ako ng takot, nilukob ako ng kuryusidad sa babaeng kuma-usap sa akin. Hindi ko alam kung nasaan kami, kung nasaan ako. 

Puting liwanag lamang ang yumayakap sa paligid namin kaya naman hindi ko mai-mulat ng maayos ang mga mata ko.

"It's about time to question yourself. Sino ka nga ba?"

Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin at naramdaman ko naman ang presensiya niya sa harap ko mismo. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita siya. 

Hindi! Ako 'to! 

"Sino ka?" ani ng sarili ko.


Napabalikwas ako sa alarm ng phone ko. Habol ko ang hininga ko at hinawakan ang dibdib ko. 

What was that? Ang weird ng panaginip ko. 

Isinawalang bahala ko na lamang ang naging panaginip ko at naghanda na sa pagpasok. Habang nag-aayos, muli kong inaalala ang nangyari kagabi. Medyo malabo sa akin kung paano ako nakauwi. 

Naging pala-isipan sa akin ang sinabi sa akin no'ng lalaki. Ano nga ulit ang pangalan niya? Raven? Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinabi niya sa akin. 

I only have 19 days left? May taning na ba ang buhay ko?! 

Oh God! Akala ko ba ay okay na ako mula sa naging aksidente namin noong nakaraan? Doctor ko ba si Raven? Hindi ko naman maalala na tiningnan niya ako no'n. Though, he was actually feels familiar.

At ano nga ulit ang sinabi niya?

He needs the chain back? May kinuha ba ako sa kanya? O aksidenteng nakuha? Pilit ko naman inalala kung mayroon nga pero wala talagang pumapasok sa utak ko. 

"Bring me the sorrow of light and we will all be back to our respective lives."

Anong ibig niyang sabihin na sorrow of light? 

"Huwag mo nang paabutin sa punto na pati si Dustin ay kunin ko sa'yo."

Parang may tumusok sa puso ko nang marinig kong muli iyon. Para bang isang bulong sa akin ang huling linya at pinapaalalahanan ako na gawin ko ang dapat kong gawin. 

Pero hindi ko alam? Wala akong maintindihan. Naguguluhan ako ngayon. 


Lutang akong pumasok sa classroom namin at naupo sa puwesto ko. Marami ang gumugulo sa isipan ko kaya naman ipinadyak ko ang paa ko at ginulo ang buhok ko. 

"Ang sakit sa ulo!" reklamo ko. 

"What do you mean masakit sa ulo? Do I need to bring you in the clinic?" rinig kong sambit ng katabi kong si Levi. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya. 

Umiling ako at yumuko. 

"Faith, ayos ka lang ba?" 

Inangat ko ang paningin ko at lumapit sa akin si Hope Adrienne. My other best of friends. 

Umupo muna si Hope sa upuan na nasa harap ko. "Anong nararamdaman mo?"

I sighed. "Nandito ka na pala, Hope. Bakit ka absent kahapon?"

Naging malikot ang mga mata ni Hope. "May inasikaso lang na importante."

Tumango naman ako at napatingin naman si Hope sa katabi kong si Levi. Seryoso lamang na nakatingin si Hope rito at parang balewala lang kay Levi ang matinding paninitig ng kaibigan ko.

Lost Soul (A Way Back To One's Self)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon