Chapter 5 : Problems..

157 1 0
                                    

DANE's POV 

Aish! Bakit pa ba kasi ako pumayag sa na mag-sleep over sa bahay nung babaeng masungit na yun e!! Bwisit!

Di pa ako makatulog.. Maya-maya bumukas yung pinto ng CR lumabas yung brutal na babae..

Humiga na din siya ng kama niya. Tsk! Dapat kasi sa kama na lang niya ako matulog! =___________=

Maya-maya...

"*sniff* ........*huk*"   T-teka? May umiiyak? Tiningnan ko yung tatlo, di naman sila. Wag mong sabihin yung babaeng brutal ang umiiyak? Tsss. 

Bakit naman siya umiiyak? Aish!

Diko nalang siya pinansin, maya maya tumahimik na siya. Kaya natulog nako..

Next Morning...

"Mwah mwah mwah mwah..." Parang may humahalik sa pisngi ko?

-.O

O.-

OoO 

"Yuck!" bigla akong napaupo e kasi ba naman si Josh hinahalikan yung pisngi ko..

"Hhhmmmmm. Honey bat nawala ka... Hmmmm" Kadiri talaga tong lalaking to! Pinunasan ko yung pisngi ko na puno ng laway..

 Ang aga ko palang nagising, 6am palang e 7am pa pasok namin. 

Tumingin ako sa paligid wala yung babaeng brutal.. San kaya pumunta yun? Tsk! Pake ko ba?

Lumabas ako ng room...

May nadinig akong nabagsak sa photography room nung babaeng brutal, kaya tiningnan ko.. Unti-unti kong binuksan yung pinto... Nakita ko yung babaeng brutal na pinupulot yung nahulog na frame  at nabasag..

"Aish! Kainis ka talaga Bryan!" Parang kinakausap niya yung frame. Baliw na ata to e. Pero may nakita akong tumulo. W-wait?! Is she crying again? Tss. Iyakin pala to e pero ang lakas ng loob banatan ang tao.

*sreeak* 

Biglang tumunog ang pinto, kaya napatingin siya sakin at dali-daling nag-punas ng luha niya..

"Oh Dane! Gising ka na pala! Gising na din ba yung tatlo?" Tanong niya sakin ng naka-ngiti pero halatang pilit. Kasi yung mata niya malungkot.

"A--ee. Di pa." Sagot ko nalang.

"Oh sige! Maiwan muna kita, prepare lang ako ng breakfast para satin." Sabi niya. Wow! Ang bait niya.. Pero siguro dahil sa nakita ko siyang umiyak kaya siya mabait sakin..

Palabas na siya ng pinto.

"Ah..... Zoe!" Habol ko.

"Mmm?" Nilingon niya ko.

"Ahm.... aaaah pwede ba kitang tulungan magprepare ng breakfast?" Tanong ko.

"Ah sige. ^^" Sagot niya,

Habang pababa kami ang tahimik. Walang umimik. Tiningnan ko siya. Ang ganda pala niya no? Wa-what? Aish! Nevermind. =________________=

Marrying my WORST ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon