A/N: Wag kayong mahiya mag-comment! Ang unang magcomment sa chapter na to sa kanya ko ide-dedicate yung next chapter. Deal?
Hohohohoho. Vote din kayo. Enjoooooooooooy! :*
ZOE's POV
Gabi na nung maka-alis kami ni Steve sa Mall..
May sumilaw sakin na light ng isang car. Kaya wala ako masyadong makita. Nung nawala yung silaw ko, nakita ko nasa maling lane ako kaya may kasalubong akong truck kaya nagulat ako at tinurn right ko yung manubela para makapunta sa right lane kaso nakita ko babangga ako sa isang puti ng ilaw kaya....
*screeeeeeaaaaaaaaaaaaaaaaaak*
Kaya brinake ko agad yung kotse para di bumangga. Kaso huli na..
And everything went black.....
*tok tok tok* *tok tok tok*
-.O
O___O
Minulat ko yung mata kasi may kumakatok... Nakasubsob yung mukha ko sa manubela
Asan ba ko? Nasa car pa pala ako! May nararamdaman akong tumutulo sa mukha ko..
Nung kinapa ko at tiningnan ko, dugo pala....
DU-DUGO???!!! O____O
Tiningnan ko yung mga kumakatok? Mga di ko kilala. Kaya lumabas akong car para tanungin kung bakit?
"Bakit ho?" Tanong ko dun sa isang matandang babae.
"Iha ayos ka lang ba?" Tanong sakin nung babae. halatang nagpapanic siya.
"Opo. Ayos lang po ako."
"Iha! Tulungan mo yung lalaking nabangga sa isang puno dun!" May nabangga pang iba?
Kaya tumakbo ako dun sa may kotseng nabangga.
Te-teka kay steve ata tong kotseng to ah!!
Kaya binilisan ko yung takbo ko..
Pagkadating ko dun sa may kotse, nagulat ako sa nakita ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko at nanlaki nalang ang mga mata ko.
Kaya dali dali kong binuksan yung pinto. Kasi si steve nga yung nabangga. Puro dugo yung mukha niya..
Tinapik tapik ko yung pisngi niya.
"STEVE! GUMISING KA STEVE! STEVE!! TULONG!! TULUNGAN NIYO PO KAMI!!!" Napatingin naman sakin yung mga tao dun kaya tinulungan nila agad ako..
Nilagay nila si steve sa kotse ko at pinaharurot ko yung kotse ko papuntang sa pinaka malapit na hospital. Kahit nabangga din ang kotse ko.
At the hospital...
"Ma'am hanggang dito lang po kayo, bawal po kayo pumasok sa ER." Sabi sakin nung nurse.
Di na lang ako sumagot at sumandal nalang ako sa pader at napaupo na lang sa sahig. Sinubsob ko na lang yung ulo ko sa tuhod ko at umiyak na lang ako dun...
Sana maging okay lang si Steve..
Pumunta ako sa chapel ng hospital at nagdasal ako dun ng taimtim...
Pagkatapos kong magdasal dinial ko yung # ni Tom. Kelangan ko kasi ng karamay ngayon tsaka siya naman kasi yung pinaka malapit kong kaibigan..
Dialing Tom...
---------------------------------------End of ZOE's POV
TOM's POV
Incoming call from Zoe.....