Thankyou @Mayee2227 .
At dahil binookmark niya ang story ko..
Sa kanya ko ide-dedicate ang chapter na to! *sabog confetti*
Yung first na magcocomment sa chapter na to idededicate ko sa kanya yung chptr10!!! Paki vote na din! <3
Ok. Enjoooooooooooooooy! :*
DANE's POV
Papunta ako ngayon sa bar.
Ewan ko ba kung bakit ako inaya nila Tom.
Ang nakakapag-taka pa jan e. Sabay-sabay na nag-aya yung tatlong ugok.
Ano na naman kaya problema ng mga yun? Kadalasan kasi kapag nag-aaya yan may mga problema yan. Baka mga broken ang kupal.
Pagka-park ko ng kotse ko, pumasok na ko sa bar. Kilala naman kami ng may-ari nito e. at may VIP pass kami.
Ang ingay sa loob..... Ay hinde tahimik, bar nga e! Tss...
Pumunta ako dun sa laging pwesto namin at nakita ko naman yung tatlo..
Mukhang madami ng nainom yung tatlo.
"Oy dane! *huk* bat ngayon ka *huk* lang??" -Terrence
"Ano bang problema niyo at nagsi-ayaan kayo uminom At tsaka bakit ganyan mga pagmumukha niyo? Mukhang binugbog kayo ng isang gang ahh?" E kasi naman puro galos at pasa yung pagmumukha nila.
"Wala kaming problema *huk*. Saya nga namin e. *huk*" -terrence
"Ewan ko sa inyo. Hoy Tom! Anong nangyari?!" Si Tom mukhang nasa katinuan pa, e yung dalawa wala na bangag na. =___________=
"Nakipagsuntukan kami." Tipid niyang sagot sabay inom sa isang bote ng beer.
"Kanino kayo nakipag-suntukan?" Nakipag-suntukan? E minsan lang naman to nakikipag-suntukan at madalas akong kasama kapag nakikipag-suntukan tong mga to.
"Dun sa ulol na shteve *huk*" Sabat ni josh. Steve? Yung prof sa school?
"Yun ba yung prof sa school?" Tanong ko.
"Oo, *huk* yung g*gong prof na yun! *huk*" -Terrence
"E bakit naman kayo nakipag-suntukan?" tanong ko, sabay kuha ng isang bote ng beer.
"Apaka yabang *huk* nung hayop na yun e!!!" Sigaw ni josh
"Tsss.... Bahala nga kayo!" Ininom ko na lang yung beer kesa mabwisit ako sa dalawang g*gong yan.
"Tom, ano ba talaga yung dahilan kung bakit kayo nakipag-suntukan?" Si Tom na lang yung tinanong ko, matino pang kausap. -_-
"Dahil kay Zoe." Sab----- DAHIL LANG KAY ZOE?????
"Para naman kayong mga tanga! Nagpapaka-gago kayo sa iisang babae!" Aish...
"Bakit di ka ba nagpaka-gago kay Elisse?" Sabi niya ng kalmado.
"Tss..." Di na lang ako ulit umimik.
---------------------------------------------End of DANE's POV
ZOE's POV
Time check. 8:03pm
Gusto ko muna lumabas, medyo nabobore na ako dito sa condo. -_-
Lumabas ako at pumunta sa harap ng elevator.
*ting*
O___O
