Neighbors

81.3K 2.5K 60
                                    

8


"Sinabi ko ng huwag ka ng pumupunta dito Allara." Mahinahong sabi ni Mama. Ngumiti lamang ako at inihain sa kanya ang mga pagkain na pinadala ni Daddy.


"Mama naman.. ilang linggo na akong nakakauwi pero hindi ko pa kayo napupuntahan, huwag niyo naman akong pagbawalan na bumisita sa inyo." Anas ko. Ngumuso lamang si Mama at nilagyan ng pagkain ang aking plato.


"Tatakbo raw ang Papa mo ngayong eleksyon? Allara, sabihan mo siya na---"


"Tatakbo siya para sayo Ma. He wants to establish more firm connections para mapatunayan na wala kang sala. Dad thinks na magagawa lang niya iyon kapag mas mataas na ang posisyon na hawak niya. Susubukan niya ang senado." Paliwanag ko. Tinitigan ko si Mama na nakatulala lamang sa ulam sa kanyang harapan.


"Mas delikado ang senado Allara. Your father has enemies kahit na noong mayor pa lamang siya. Paano pa ngayon?" tanong niya. Yumuko lamang ako.


"Isa pa, marami ang testigo sa kaso ko Lana. And you know that I am guilty—"


"Na set up ka Ma." Mas madiin ang boses ko pero hindi iyon pinansin ni Mama.


"Dapat ay mas nag ingat ako sa pamimili ng mga tauhan. Kung sanang ginawa ko ng maayos ang aking trabaho ay hindi sana nangyari ang insidente na iyon." Aniya. Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay. Pinisil ko iyon bago siya nginitian.


I am a disappointment. Hindi na ako karapat dapat na tawaging anak nila Mama at Daddy. Kung hindi sana ako naging tanga ay sana wala sa kulungan ang ina ko.


"Makakalaya ka rin Ma. I will help Dad." Pangako ko dito. Ngumiti lamang si Mama at pinisil ang aking kamay.


-----------------

"I'm fine." Paninigurado ko kay Greg. Hindi ako nito pinansin at patuloy lamang siya sa paggagamot sa sugat sa aking pisngi.


Girls who hate me because I was graced by Greg's attention pulled another prank on me. Nilagyan nila ng langis ang hagdan kung saan ako bumababa kaya nadulas ako. Noong nalaman ni Greg iyon ay talagang nagalit siya ng husto.


"Greg." Tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya sa aking pisngi at pinilit siyang tumingin sa akin.


"How can you be fine? Nahulog ka sa hagdan."


"I'm fine. Sugat lang sa pisngi ang natamo ko. Wala ng kahit na anong masakit sa akin." mas malumanay kong sabi. Ngumuso lamang siya at naglagay ng panibagong betadine sa bulak.


"Paano kung sa susunod ay mas malala ang mangyari sayo? Dapat talaga ay palagi tayong magkasamang dalawa." Nakabusangot pa rin niyang sangbi. Tumawa lamang ako at pinagdikit ang noo naming dalawa.


"Wag ka na ngang mag alala. Greg, I am fine, really. Sugat lang naman ito. Maghihilom din."

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon