Success

75.8K 2.2K 78
                                    

11



Nakaupo lamang ako sa kama habang hinihintay ang resulta ng AI. Hindi ko mapigilan ang kabahan. I hope it was successful. Kapag nabuntis na ako ay magkakaroon na ako ng pamilya. Siguro rin ay titigilan na ako ni Greg kapag nalaman niyang buntis ako. Hindi na siguro niya gugustuhin gawin ang paghihiganti niya.

Ilang beses ko pang kinagat kagat ang daliri ko ng biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok si Sylvia na tutok sa kanyang chart. Dumiretsyo ako ng upo at hinintay ang sasabihin niya.

Oh, I hope that I am pregnant. I really do.

Sylvia smiled at me. Ibinaba niya ang chart niya at lumapit sa akin.

"What's the result?" kinakabahan kong sabi. Inayos niya ang puting puti niyang coat bago umupo sa may paanan ko.

"The Artificial Insemination is successful. The sperm was able to meet your egg." Maligayang maligaya niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa narinig. I felt my face splitting because of a smile.

"You mean, I am..."

Tumango siya. "Yes. Congratulations Lana, you're pregnant."

Hindi ko napigilan ang mapatili sa kumpirmasyon niya. Niyakap ko ang doktora kong kaibigan sa sobrang saya. Tumayo pa ako mula sa aking kama at magtatatalon pa sana kung hindi lamang ako pinigilan ni Sylvia.

"Ano ba naman Allara. Buntis ka na. Mag ingat ka nga." Galit niyang sabi. Tumawa lamang ako at niyakap siyang muli.

"Thank you." Buong puso kong sabi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. Sylvia smiled at me bago niya hinawakan ang aking balikat.

"No need to thank me Lana." Sabi niya. Tumigil siya at bahagyang kumunot ang noo. "About your donor---"

"I don't want to know him." Sansala ko. Tumango siya.

"I know. Hindi ko naman siya ipapakilala sayo, personally. Actually..." Sylvia bit her lips while talking. Bigla siyang yumuko at umupo muli sa kama.

"Anong problema?"

She sighed. "You know that men undergo AFR exams to certify that they are clean of sexually transmitted diseases right? Well..."

Nagsimula na akong maguluhan sa paputol putol na salita ni Sylvia sa akin. Tinitigan ko siya ng matalim at biglaan na lamang siyang nagmura.

"I visited my cousin. He's a doctor too, you know that right? Kasalukuyan siyang may tinetest noon. The guy was, just like you said, six feet tall, and he looks smart, tapos ang ganda talaga ng boses kapag nagsasalita. I thought he will be the perfect man to father your child so I asked my cousin kung ano ang trabaho nung lalaki, and he told me that the guy is a singer. I asked my cousin for that guy's sperm cells, for you. So that he can be your donor."

Sinapok ko na si Sylvia dahil sa hindi niya pa ako dinidiretsyo. "Sabihin mo na nga."

Pinunasan niya ang kanyang mukha. "Alam kong ayaw mong malaman kung sino ang donor mo pero..."

Umikot na ang aking mata. "Sylvia!"

Tiningnan niya ako. Iyong mata niya ay humihingi na ng tawad. "You do know AEGGIS right? Hindi ko kasi kilala.I'm sorry."

"What about them?" kinakabahan ko ng tanong. Lumunok siya at iniabot ang aking kamay.

"Your donor is their vocalist."

Ano daw? Matagal akong hindi nakagalaw sa narinig ko. Sinong bokalista? Iyong baguhan?

"Sino doon?" kinakabahan kong tanong. The vocalist is tall too. And the other day I heard him muttering about Quantum Physics habang nagbibilang ng langgam sa pader. He is smart, maybe even smarter than me.

But he's weird. Mukhang mas mahal pa noong baguhan ang skateboard niya kaysa sa Kahit na sino sa paligid niya.

"Si G." mahina niyang sabi. Huminga ako ng malalim dahil sa biglaang pag taas ng galit ko.

"Parehong G ang vocalists ng AEGGIS Sylvia. I need you to be specific---"

"It's Greg." Bulong niya. Alam kong bumuka ang bibig ko pero walang kahit na anong salita na lumabas mula sa bibig ko. Paanong si Greg? He can't be the father of my child.

"I did a research about him before doing the AI. I learned that you went to the same school back in high school. I thought that it is really romantic if you will meet again after ten years. Idagdag mo pang nalaman kong magkapit bahay lang pala kayo. I mean, what is that? Parang destined talaga kayong dalawa hindi ba?!" mabilis niyang pagsasalita. Napasapo ako sa aking ulo at hindi pa rin makasagot.

"I don't want you to think that the world is incapable of loving Lana. This is your chance for something great. You can fall in love now." Masuyo niyang sabi. Napapikit na lamang ako sa narinig.

Nanghina ako. Ano na lamang ang gagawin ko ngayon? Damn. Ginawa ko itong desisyon na ito para maging simple lamang ang lahat. Umiiwas ako sa ganitong komplikasyon pero ito pa rin pala ang kahihinatnan ko.

"Lana... I want you to be happy."

Tinalikuran ko si Sylvia. "I can be happy without a man Sylvia. Greg surely cannot make me happy."

"I think your mistaking happiness from comfort." Sagot niya sa akin. Hinarap ko siya at nakita ko ang seryosong mukha ni Sylvia na nakatingin sa akin.

"Come on Lana. This maybe is the 21st century, but opportunities for happiness, for love, is not yet historic. Nasa harapan mo na, bakit iniiwasan mo pa rin? Kahit hindi ko ginawa ang nagawa ko, fate will still create a way for the two of you to meet. Trust me." Mahaba niyang sabi. Napabuga na lamang ako ng hangin. Kinuha ko ang rob ako at mabilis iyong sinuot.

"Lana naman." Sumusuko na niyang sabi. Hinawakan ko ang aking sinapupunan at napapikit ng mariin.

"Wala kang pagsasabihan na si Greg ang ama ng dinadala ko Sylvia." Matigas kong sabi. Wala dapat makaalam ng tungkol sa anak ko. I should keep this as a secret.

Ignorance is a bliss. You cannot be harmed by something that is unknown. Kailangan ko lamang itago ng maigi itong sikreto na ito para maging ligtas ako at ang anak ko sa paghihiganti ni Greg.

Maybe Sylvia is right. Siguro nga ay pinaglalaruan ako ng tadhana. Siguro nga ay nakasulat na sa palad ko ang masaktan ng paulit ulit sa kamay ni Greg. But I won't let him hurt my child too. Hinding hindi ko na siya papapasukin sa buhay ko dahil baka may saktan na naman siya sa pamilya ko.

"I will ask my lawyer to prepare a confidentiality agreement Sylvia. Please sign that. And please, huwag mo ng pakialam ang buhay ko. My life is not a TV series. It won't end happily with Greg." Utos ko sa kanya. Nanatili lamang si Sylvia na nakatingin sa akin. Noong tinitigan ko siya ay tumango lamang siya.

"Am I understood?" paghingi ko ng kumpirmasyon. Kinagat ni Sylvia ang kanyang labi bago tumango.

"He's a great guy Lana. I think he is perfect for you." Madiin niyang sabi. Napahilamos ako bago umiling.

"No." sagot ko. Tiningnan niya ako ng diretsyo bago kumunot ang noo.

"No? How can you say that?"

Nag iwas ako ng tingin at napapikit na lamang. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa aking roba vago mapait na ngumiti. Hindi na ako sumagot sa tanong na iyon. Basta ang alam ko, ang tanging habol lamang sa akin ni Greg ay paghihiganti. Iyon lamang.

How can I say that? Simple lamang.

He hates my mother. Kaya hindi posible para sa aming dalawa ang sinasabi ni Sylvia. We can never be together.

----------------------------

*pen<310



Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon