More

80.2K 2.3K 62
                                    

12


"Ginabi ka na naman Allara." Salubong sa akin ni Daddy. Nasa may gate pa lamang ako ay iyon na agad ang paratang niya. Inayos ko lamang ang salamin ko at pasimpleng tiningnan ang aking likuran. Hindi naman siguro napansin ni Daddy si Greg hindi ba?

"Dad, marami akong ginagawa sa council. Malapit na ang Foundation Day." Sabi ko na lamang. Pinaalis na ni Daddy ang kanyang mga bodyguards bago sumunod sa akin.

"Text your Mom everytime you will be home late Lana. Nag aalala iyon."

"You worry too much Mayor." Natatawa kong sabi. Lumapit lamang si Daddy sa akin at ginulo ang aking buhok.

Totoong marami akong ginawa ngayon sa Council. Pero ginabi ako dahil sa lumabas pa kami ni Greg para kumain. Nagmeryenda lang naman kami, pero natagalan ang aming kwentuhan kaya inabot ako ng ganitong oras.

"Oh. A letter from Stanford and Carnellia University arrived today." He informed. I stopped on my tracks and looked at my father.


"Seriously?"

Tumango siya. "Oo. They are in your room. Tingnan mo pagkatapos ng dinner natin." Aniya. I adjusted my glasses before smiling. God, Stanford and Carnellia? Wow.

"I am very proud of you Allara." Simpleng sabi ni Daddy. Inayos niya rin ang aking salamin bago hinalikan ang aking noo. Niyakap ko lamang siya ng mahigpit.

I did not wait for dinner. Agad akong pumunta sa aking kwarto para makita ang mga sulat sa akin. I read both the letter from Stanford and Carnellia University. They are both letters of application recognizing my outstanding performance in curricular, extracurricular and co-curricular activities in school.

Bigla kong naibaba ang mga sulat sa akin noong marealize ko ang ibig sabihin noon. Accepting a scholarship grant abroad means that I will have to go out of the country. Maiiwanan ko rito si Greg. My body went numb with the thought of leaving him.

But them my family expects me to study in one of these schools. I cannot disappoint them.

Hindi ko alam kung kailan ko maipapakilala si Greg sa mga magulang ko. Nasa Singapore pa si Mama para sa isang deal. Busy naman si Daddy sa pagiging Mayor niya. Isa pa, magagalit silang dalawa kapag nalaman nilang may boyfriend na ako sa ganitong edad pa lamang

Ilang araw na magmula noong sinagot ko si Greg at naging kaming dalawa. And eversince that day, I felt really happy. Nakikita ko na nga ang sarili kong ikinakasal at bumubuo ng pamilya kasama siya. Damn, pamilya agad. Sixteen pa lang naman ako.

But I know this is true love. This love is everlasting. Sigurado akong kami ni Greg ang magkikita sa dulo.

----------------------------------------------

Ilang beses ko pang hinaplos ang tiyan habang parang tangang napapangiti na lamang. Is my child a boy or a girl? Excited na akong makita siya.

Tinitigan ko muli ang litrato ni Greg at sinusubukang paghaluin ang mga mukha naming dalawa. I guess the child will look exactly like me. I'm sure of that. Dapat lahat ng bata ay nagmamana sa mga nanay dahil kami ang mas naghihirap. We get pregnant, we give birth, we raise the child as well. Walang kahit na anong sakit na nararamdaman ang mga lalaki kaya dapat ako ang kamukha.

Lumapit ako sa bintana at pinanood ko si Stanley at Shawn na naglalaro sa garden nila. Iniaangat siya ni Stanley sa ere pagkatapos ay sasaluhin niya ring muli. Paano na lang kung mabitawan niya ang bata?

Nakita kong lumabas iyong misis ni Stanley at agad na binawal ang asawa sa ginagawang pagbato sa anak. Tumawa lamang si Stan at agad na niyakap ang beywang noong asawa niya.

I bit my lip. Love. Ang saya ng pamilya nila. Bahagya kong hinaplos ang tiyan kong impis pa rin hanggang ngayon. I promise we will be happy too baby. Kahit tayong dalawa lang ni Mama ay magiging masaya pa rin. I will be your everything. You won't have to ask for more.

I prepared for work today. I am not a breakfast person but I have a little mouse with me now. Kumain na lamang ako at agad na ring lumabas ng bahay. Hindi ko na dinala ang susi ng aking sasakyan dahil coding ako ngayon. I will maybe take a cab. Kaso nasa dulo pa ng village ang terminal ng mga taxi. Sabagay, I should exercise now.

I took my bag and closed the door when I heard someone whistling. Agad kong tiningnan kung sino iyon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita si Greg sa may gate ako.

"What are you doing here?" I asked. He smiled at me before leaning against the gate more.

"Goodmorning too." Aniya. Binuksan ko lamang ang gate ko at tumabi siya ng kaunti.

"Off to work?"

"Yup." Maikli kong sabi. I am not in the mood to talk. Pinagpapawisan ako ng malagkit habang katabi ko siya. I feel as if I am lying now. I am bearing his child and yet he doesn't have any idea that I do. Paano na lamang kapag nalaman niya? All hell will break the earth loose.

Tumaas lamang ang kilay niya. He put his hands inside his pocket while looking at me. Naglakad siya ng patalikod habang pinapasadahan na naman ng daliri niya ang kanyang buhok. That is a habit of Greg. He loves to play with his hair. I hope my child will not be like that. Masyadong pang vain na habit.

"Can I go with you?" he suddenly said. Napatigil ako sa paglalakad at gulat siyang tiningnan.

"Why? W-what?" parang tanga kong tanong. Ngumisi siya lalo bago nagkibit balikat.

"Wala lang. Nakakabore sa bahay eh. We don't have any sched for today so I am free." He answered. I walked past him and did not answer. Damn, bakit ba kasi siya sunod ng sunod? Can't he just be someplace where I can't see him? That will be better. Pakiramdam ko talaga ay nagkakaroon ako ng kasalanan every moment that I am with him. I feel like lying.

"Please? Lana? For old times' sake?" he said with matching puppy eyes. Bigla siyang yumuko kaya napahinto ako sa paglalakad. My forehead bumped on his nose and he grinned immediately. Hinawakan niya ang aking leeg at halos hindi agad ako makagalaw sa ginawa niya.

"G-greg!"

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Nagwawala na iyon sa hawla nito dahil sa kaunting distansya sa pagitan naming dalawa ni Greg. I can feel my palms sweating and my blood draining. Yumuko pa siya lalo kaya mas naglapit ang mukha naming dalawa.

"PDA!"

Mabilis ko siyang itinulak noong narinig namin ang sigaw ni Stanley. Tumatawa tawa pa ito habang nakatingin sa aming dalawa.

"Damn you Stan!" sigaw ni Greg pabalik. Tumawa lamang lalo si Stanley.

"Ang bagal mong pumorma G! Ipasok mo na agad kasi sa kwarto!" sagot ni Stan. Napayuko na lamang ako sa usapan nilang dalawa. Natigil lamang ang batuhan nila noong lumapit ang asawa ni Stanley at sinapok ito. Ngumiti na lamang ako at naglakad na agad.

"Yung bibig mo..." sabi ni Victoria. She smiled apologetically before pulling Stan's ears.

"Aray! Yang ko masakit!" protesta noong si Stanley. Tiningnan ko ang dalawa na naghihilaan ng tenga sa garden nila. Hindi ko na lamang sila pinansin pa at naglakad ng mas mabilis.

"Allara!" habol ni Greg sa akin. Hinawakan niya ang aking braso para humarap sa kanya.

"What?" I snapped. Kinagat niya ang labi niya bago lumapit agad sa akin.he rested his arms on my shoulders and pulled me closer to him.

"What the hell?!" sigaw ko. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag.

"Yeah. What the hell." He muttered. I felt his lips on my hair before he dragged me. We walked together until the cab's terminal.

Pinagbuksan niya ako noong taxi bago siya tumabi sa akin. Noong nasa loob na kami ay hinanap niya ang aking palad at hinawakan agad iyon.

"Greg naman---"

Tinitigan niya ako. "Just let me. I deserve this. I waited for ten years just to be with you again so let me hold you." Putol niya sa protesta ko. Napaawang ang bibig ko habang siya ay nangingiti lamang sa tabi ko.

Pumikit siya at sumandal sa taxi. "Damn. I want more."

Agad akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. What more Greg Festines? What more?

--------------------

*pen<310

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon