21
I smoothed the sleeves of my wedding gown. Leria pinned the flower headband on my hair before fixing the veil. My smile grew wider when I saw that I am all ready for my wedding.
Ngayong araw ay magpapakasal na kami ni Greg. Limang buwan na si Noah at halatang halata na ang umbok sa tiyan ko. I am very much excited when he comes out. Kapag nanganak na ako ay sasabihin ko na kay Greg ang totoo. Sa ngayon ay sapat na sa akin na magpapakasal na kami. But then, I still have to fix the issue between Greg and my mother before I tell him that he is Noah's father. Marami pang dapat ayusin pero saka ko na iyon lilingunin. Today, I will just think about our wedding.
"Hindi ba talaga darating ang daddy mo?" tanong ni Toryang sa akin. Ngumiti lamang ako bago umiling.
"Hindi niya alam na ikakasal ako ngayon." Maikli kong sagot. My Dad will not approve of Greg, lalo pa't ito ang nagpakulong kay Mommy noon. Katulad nga ng sinabi ko, aayusin ko na lamang ang lahat pag tapos na ang kasal ko.
"That's..." Leria sighed before smiling again. Tinulungan niya akong makatayo habang si Toryang ay inabot ang aking bouquet. I took a final glance before leaving my room. Nagkalat na agad ang mga photographer para icover ang aming kasal.
Greg wanted to marry me in private. We went to his own island near Camarines para doon ikasal. The place was perfect. Walang kahit na anong media. Kami lamang ang naroon kasama ang buong banda at iyong mga taong nag organize ng kasal namin. It is like a small paradise made for the two of us.
Nakita ko ng nakatayo si Greg sa may dulo ng altar, iyong butones ng suot niyang puting shirt ay nakabukas kaya't kitang kita ang dilaw na sando niya. He was barefooted. Ang tanging suot niya ay iyong anklet na pinagawa niya para sa aming dalawa.
The wind blew my hair as the wedding song started. Bahagya ko ring inalog iyong anklet na kapartner ng suot ni Greg bago ko inayos iyong damit ko. This is it Lana. You are really marrying him.
'Love, I see forever in your eyes
I can see heaven in your smile
And when I hold you close
I don't want to let go'My eyes watered as I listened to every word that came out from the wedding singer. Nilingon ko ito at bahagya akong ngumiti doon sa binatang kumakanta. Noong ako na ang maglalakad ay halos mabuwal ako. I didn't know that someone is capable of being this happy. I feel like bursting. Maybe this is what the lead characters feel when they see their own happy ending.
Nakita kong nagpupunas ng mata si Greg habang nakatingin sa akin. I smiled at him while he dried another batch of tears. Noong makarating ako sa kanya ay agad niyang iniabot ang kamay ko. Narinig namin ang pagtikhim ng pari pero hindi pa rin nakinig si Greg. Yumuko siya at agad niyang hinalikan ang aking noo.
'Because deep in my soul I know girl
That you are the only light I see
Your love means everything to me
I promise that we'll never part
'Cause you'll always be near, here in my heart'"I love you." Bulong niya. I touched his cheeks before nodding. Inalalayan niya ako para makapunta sa tabi niya at sabay naming hinarap ang pari. He cleared his throat and looked at everyone.
"Dearly beloved, we gathered here today to witness the union of this man and this woman in holy matrimony." Panimula niya. I felt Greg squeezing my hand. I stared at him, feeling so light headed with happiness.
"According to the Greeks, humans were originally created with four arms, four legs and a head with two faces. Fearing their power, Zeus split them into two separate parts, condemning them to spend the rest of their life to search for their other halves." Bahagya siyang tumigil at ngumiti sa aming dalawa. "I am very glad that you have found yours. Cherish one another and never let go of the hand that holds you. For not all people are like the two of you who succeeded in finding their pair."
BINABASA MO ANG
Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)
BeletrieAyaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Humanap ng lalaki sa bar at magpabuntis? B. Pumunta sa orphanage at mag-ampon? C. Magmakaawa sa bestfr...