Ang Candy Shop

75.4K 2.1K 76
                                    

13


Kinakabahan ako sa kilos ni Greg. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan at mas natatakot ako dahil may inililihim na ako. Kung hindi ba naman kasi hopeless romantic si Sylvia, di sana ay mas maayos ang buhay ko. Bakit ba kasi naging si Greg pa ang donor ko?

Napabuntong hininga ako. Tinitigan ko ang cotton candy at ang chuckie sa harapan ko bago ko kinain ang mga iyon. I have an unbearable sweet tooth these past two months. Resulta yata ito ni baby.

Lihim akong napangiti. Greg loves sweet things. Mabubuhay na siya ng sampung taon na tanging matatamis lang ang kinakain. Madalas pa nga naming pag awayan noon iyong habit niyang iyan. He loves sweets so much. At mukhang magiging ganoon din ang anak naming dalawa.

Kumatok ang secretary ko bago siya pumasok sa opisina ko. Wala na akong pasyente ngayon pero mamayang gabi ay pupuntahan ko si Leria para sa isang session namin.

"Doc, may humabol pong patient." Anunsyo niya. Humabol? Chineck ko ang relos ko. May oras pa naman.

"Send him in." utos ko. Excited na tumango ang secretary ko at mabilis pa sa alas kwatrong lumabas para tawagin ang pasyente. Anong nangyari doon?

Tutok ako sa mga binabasa kong papel noong muling bumukas ang pintuan ng opisina ko. Narinig kong umupo iyong kung sino man sa sofa bago kinalkal ang mga prutas na display doon.

"Since when did you start eating apples?"

Halos mapalundag ako noong biglang nagsalita ang pasyente ko. Nanlaki ang mata ko habang si Greg ay nakaupo lamang sa sofa at may kagat kagat na apple.

"What the hell?!" what is he doing here?!

Tumawa siya. Damn. Pinadaan niya iyong daliri niya sa gulo gulo niyang buhok bago tinaas ang paa.

"Hello din? Ganyan ka ba sa mga pasyente mo? Tinatakot mo sila?"

"Greg!"

Ngumuso lang siya. Iyong hikaw niyang krus ay kumikinang mula sa liwanag ng kwarto. He looks so ruggedly handsome while having an apple stuck on his mouth. Parang litson lang. Pero isang gwapong litson.

"Your secretary told me that you're free until seven." Katwiran niya. I rolled my eyes. As if that justifies the question on why is he here. Ang sakit sa ulong kausap ni Greg minsan.

"My secretary told me I will be meeting a new patient." I said patiently. Yes Lana. Patience. Walang mangyayaring maganda kung papatulan mo ang boredom ni Greg. Might as well explain things in a very calm manner. Baka masabi pa niyang wala akong poise.

Umusog siya sa pagkakaupo bago ngumisi. I stared at him and started wondering why the hell he became a singer. Papasa siyang modelo. Sa tindig pa lang niya at mukha, pwedeng pwede na siya.

"But I paid the consultation fees. Pasyente ako nun hindi ba, doc?" parang bata niyang sabi. I bit my lip tightly and went to sat on the couch in front of him.

"Paying the consultation fees doesn't make you my patient Greg. Wala ka namang kahit na anong sakit."

He grinned. "Lunch na tayo." Anyaya niya. I opened my mouth to protest noong bigla niya akong hinila patayo. Kinuha na niya ang bag ko at inakay ako palabas ng klinika ko.

"Greg! Stop!" tawag ko sa kanya. Mahigpit lang ang kapit niya sa braso ko noong sinakay niya ako sa kotse niya. He attached the seatbelt before driving away from my clinic.

"Saan mo ako dadalhin?" tahimik kong tanong. Inayos ko ang salamin ko sa mata bago inalis ang pagkakapusod ng buhok ko.

"Ikaw? Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya pabalik. Ngumuso lang ako at tumingin sa daan. I almost jumped out on my seat when I saw a pastry shop. Napangiti ako at agad na hinarap si Greg.

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon