To Lie

77.8K 2.2K 118
                                    

29


I opened my eyes when I heard Noah's sharp cries. Pinilit kong tumayo pero napangiwi lang ako noong maramdaman ko ang kirot mula sa sugat ko. And then I thought C-section is painless.

Palapit pa lang sana ako sa crib noong nakatayo si Greg roon at kinukuha na si Noah. My child immediately stopped crying. He even cooed and sighed while on the arms of his father.

Napaupo na lang ulit ako sa kama habang nakatingin lang sa kanilang dalawa. Noong natulog na ulit si Noah ay ibinaba na siya ni Greg. He glanced at me before sighing. Sumandal siya sa pader habang nakatingin lang sa akin. Eversince I went home, hindi pa niya ako nilalapitan. He is always with Noah. Hindi na rin niya ako sinubukang kausapin pa. But he is always there, nakaalalay sa akin. I don't even know what to think about his actions. Mas gusto ko pang pabayaan na lang niya kami ng anak ko.

"He'll be turning a month now. Kailan ang plano mong binyag?" he asked. Napatingin ako kay Noah na tahimik na natutulog. I haven't even thought of the baptism. Napakunot ang noo ko habang umiling.

"Kung ayos lang sayo, ako na ang mag aayos ng binyag." Aniya, halatang nag iingat sa sasabihin niya. He eyed me cautiously. Siguro ay naghihintay lang siya ng sandali na sasabog na ako. Hindi itong ganitong tahimik lamang ako.

"You don't have to do that." Sagot ko at humiga ulit. Tumalikod ako sa kanya at hinintay ang paglabas niya. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag.

Kinabukasan ay maaga rin akong nagising. Or should I say, I haven't slept at all. The nightmares keep on coming back. Kapag natutulog ako ay nararamdaman ko ulit ang talim ng kutsilyo ni Celeste sa braso ko, iyong baril niyang nakatapat sa dibdib ko. I don't know when I will be able to forget those nightmares. I don't know if I will ever forget them.

Pagkalabas ko ng kwarto ay may nakahanda ng pagkain para sa akin. I looked around the room and saw Greg by the window, holding Noah in a bundle. Pinapaarawan niya ang anak namin habang kumakanta.

Tinalikuran ko kaagad siya bago pa man niya ako makita. Kumuha ako ng karton ng gatas at hindi pinansin ang niluto niya para sa akin. Isang bagel lamang at cheese ang kinain ko. Noong pumasok silang dalawa ni Noah ay napatingin siya sa akin bago sa pagkain na hinanda niya. Nagpatuloy lamang ako sa pagnguya at hindi siya inalintana.

"Lana..."

Uminom agad ako at lumapit sa kanya. Maingat kong kinuha si Noah mula sa kanya bago ako naglakad papasok sa kwarto. I locked it before he can even enter.

Yes. That is what you deserve Greg. You don't even deserve my anger. You deserve loneliness. You deserve isolation.

Itinaas ko ang blouse ko. Noah latched onto my nipple and started sucking some milk. I touched my child's hair gently before humming a song for him. His sucking turned harder by the minute and I almost laughed at him.

"Nagutom ka ha?" masuyo kong sabi. Hinaplos kong muli ang pisngi niya bago napabuntong hininga ulit. When he is done ay inayos ko ang sarili ko. I unlocked the door and went to Greg. Nakaupo siya sa dinner table at umiinom ng kape.

"My appointment kami sa pedia ngayon. Magbibihis muna ako. Pakihawakan si Noah." Dirediretsyo kong sabi. Tumayo siya at kinuha si Noah mula sa akin.

"Pwede bang sumama?" he asked me. I wanted to say no. But he needs to be there. Mas magiging madali at mas magiging safe kung naroon siya sa tabi namin ni Noah.

With a sigh, I turned to him. "Yes." Sagot ko at pumasok na sa kwarto.

Tahimik lamang kami sa biyahe. Sa likuran kami ni Noah naupo at hindi sa tabi ng nagmamanehong si Greg. He kept on looking at us before sighing. Frustrated huh Festines? That's your damn fault.

Tying The Lover Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon