Dahil sa kahiwagaan ng konsepto ng pag-ibig, determinadong nag-umpisang mag-imbistiga si Pareng Yagit patungkol sa bagay na ito.
Nagtanong-tanong ang ating Bida sa kanyang mga kakilala. Una niyang pinuntahan si Prins-epal. At...
(¬_¬): *biglang pumasok sa opis* *hindi kumatok* "Yo, Prins-epal! Balita?"
(ò_ó): *nagulat* *muntik nang mapatili sa nerbyos* "Anak ka ng! Hindi ka ba marunong kumatok!"
(¬_¬): "Marunong. E tropa naman tayo 'di ba kaya kebs lang."
(ò_ó): "Ano bang kailangan mong bata ka? Na-opis ka na naman ba dahil sa kasalbahihan mo ha?"
(¬_¬): "On the contrary, Pareng Eduardo, I'm here because of love. *suot ng Rayban shades* *feeling cool*
(ò_ó): "Love? Anong love?"
(¬_¬): "'Yun din ang tanong ko e." *upo sa upuan* *nagdekwatro like a boss* Ano ba ang pag-ibig, Eduardo?"
(ò_ó): *napangiti* *hawak sa dibdib* Buti naman at natanong mo 'yan, Yagit. Finally! Simula na ba ito ng pagbabagong buhay mo?"
(¬_¬): ...................
(ò_ó): *ehem* Tutal naman at naitanong mo ang bagay na 'yan. Ang pag-ibig ay isang nagusumidhing damdaming nakapaloob sa kaibuturan ng puso ng bawat tao. Ito at isang makapangyarihang pwersa na nagdudulot ng malaking pagbabago sa bawat indibidwal upang baguhin ang kanilang pananaw at kung paano nila tingnan ang mundong kanilang kinabibilangan."
(¬_¬): "So para pala siyang rehab para sa mga adik, para sa mga nalulong sa droga, ganun?"
(ò_ó): "Adik? Rehab? Anong rehab? Hindi! Isa it—"
(¬_¬): "Ewan ko sa'yo, Eduardo. Sabi ko na nga ba wala rin akong mapapala sa'yo eh. Pota. Nag-aksaya lang akong oras." *walk out*
BINABASA MO ANG
ANG SALBAHENG YAGIT
AléatoireAng kauna-unahang emoticon/comics style story that ever existed sa balat ng Wattpad... ANG SALBAHENG YAGIT Mainlab at kiligin sa hard humor ng ating bida, sa mga #MedyoBadBoy na mga banat niyang kukurot sa inyong mga bituka, sa mga makalaglag-nunal...