Hingal na pumasok si Pareng Yagit sa kantina ng paaralan. Inikot nito ang kanyang tingin at nakita niya agad ang bespren na si Pareng Aringkingking na abalang sumisipsip ng orange-flavored zesto sa kanyang kinauupuan.
Agad na tumungo doon ang ating Bida at...
//o-o\\: "Tol, saan ka ba galing? Antagal mong nawala ah." *sipsip sa zesto*
(¬_¬): "Wala. May nai-research lang ako. Pengeng sandwich. Naiwanan ko baon ko e."
Tahimik na kumakain ang mga Bida ng walang anu-ano'y may pumasok sa kantina- si Shalala. Sa kanyang pag-entrada halos natigilan ang lahat, napatulala. Bukod kasi sa mala-Jolina Magdangal niyang bling-bling sa kanyang buhok e nakapostura at mukha din itong sopistikada at elegante sa kanyang kasuotan. High society lang ang peg.
Dumiretsyo ito sa tindera at um-order ng kakainin. At...
('・ω・'): "ELlow pHoewzxcs. Is4 n64 pHoeng s4nDwicH Wi+h H4m aNd cHe3Z3. Sz4pHat NA pHoewzcxs 'yUn. tH4nK y0u pHoewzzxcsz. El oh el. Eks di. H4shT4g, G3ngSt3H F0r Lif3z z3r0 eIgHt."
Sa kabilang lamesa...
//o-o\\: *iling iling* "Light travels faster than sound. This is why some people appear bright until you hear them speak."
(¬_¬): "Jejemon amputa. May baril ka ba d'yan, brad? Peram. Babarilin ko lang ang bungo neto."
BINABASA MO ANG
ANG SALBAHENG YAGIT
RandomAng kauna-unahang emoticon/comics style story that ever existed sa balat ng Wattpad... ANG SALBAHENG YAGIT Mainlab at kiligin sa hard humor ng ating bida, sa mga #MedyoBadBoy na mga banat niyang kukurot sa inyong mga bituka, sa mga makalaglag-nunal...
