The Only Thing Pareng Yagit Didn't Know

1K 96 94
                                        

 

Nasa loob na ng silid-aralan ang mga Bida. Dahil sa “lab at pers sayt thingy” na nararanasan ni Pareng Aringkingking sa mga oras na ito, nahiwagaan si Pareng Yagit sa konsepto ng pag-ibig.

Dahil sa hiwaga, napunta ang Bida sa malalim na pag-iisip…

 

(¬_¬):Pag-ibig… pag-ibig… Ano ba ang konsepto ng pag-ibig? Ano ang siyensya sa likod ng makapangyarihang enerhiya na ito na tila nagpapabago sa sa mga liyon upang maging tupa? Isang unfathomable phenomena na malakas ang epekto sa bawat nilalang ng Cosmos. Nagsisilbing magnetic force na kapag tumama, pati ang daloy ng mga planeta ay nagbabago. Pati ang mga nananahimik na bituin sa kalangitan ay ninanais na sungkitin, pati ang buwan ay kakausapin dahil lang sa pag-ibig na ito. Ano ang pag-ibig? Bakit umiibig? Paano umibig? Hrmmm. Alam ko ang lahat sa kalawakan ngunit ang bagay na ito… isang misteryo. Pag-ibig ooh isa kang malaking gray area. Ano ang bagay na ito? Nakakapurga. Letse.

 

//o-o\\: “Love is a splendid thing. Hay…”

 

(¬_¬):Tang ina. Ano nga ang Lab??? Tss. Nakakainis.

 

 

 

 

 

ANG SALBAHENG YAGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon