Habang tahimik na naglalakad parin pauwi kasabay ang bespreng si Aringkingking, lubos paring nababagabag ang ating Bida sa kanyang iniisip. Medyo nasaktan kasi ang kanyang ego nang natapos ang araw na hindi niya nalalaman ang misteryo ng pag-ibig.
Pakiramdam ni Pareng Yagit ay nabigo siya sa kanyang hangarin, na binigo niya ang Cosmos sa pagkakataong ito. Iniisip ng ating Bida na pinagkalooban nga siya ng Mayti Yunibers ng mga out-of-this-world kaalaman na daig pa ang pinagsamasamang pwersa ng lahat ng encyclopedia sa mundo ngunit ang isang bagay na kung tawagin ay love lang pala ang magdadala sa kanya sa dimensyon ng oblivion.
(¬_¬): "Hrgh! Ano ka ba talaga Pag-ibig? Bakit mo pinaglalaruan ang aking isipan? Oooh isa ka talagang malaking grey area, isang unfathomable depth na gumugulo sa aking mindset at pumupurga sa aking inner core."
Dahil hindi siya pamilyar sa ganitong klaseng kaalaman, pakiramdam tuloy ng ating Bida ay ka-level na ng utak niya ang mga utak plemang sina Inday Badiday, Tita Swardz at Shalala da Jeje Queen Eks Di. Bagay na lubos nitong ikinalulungkot sa kanyang sarili, muntik pa siyang maluha ng kaunti.
Susuko na ba ang ating Bida sa landas na tinatahak nito sa pagtuklas ng PAG-IBIG? O sadya lang talagang wala nang maisip ang Otor?
Abangan ang mga kapanapanabik na tagpo sa mga susunod na kabanata. Rak en rol! \m/
BINABASA MO ANG
ANG SALBAHENG YAGIT
DiversosAng kauna-unahang emoticon/comics style story that ever existed sa balat ng Wattpad... ANG SALBAHENG YAGIT Mainlab at kiligin sa hard humor ng ating bida, sa mga #MedyoBadBoy na mga banat niyang kukurot sa inyong mga bituka, sa mga makalaglag-nunal...
