Matapos patirin habang naglalakad sa hallway si Inday Badiday, mabilis na tumakbo palayo si Pareng Yagit upang makatakas dito.
Lumiko ang bida sa kanan, kumandirit sa kaliwa, tumambling patagilid at tumalon sa bintana habang nagpapapabebe wave sa ere.
Noong nakita ito ng kanyang mga kamag-aral, agad silang nagpalakpakan at naghiyawan. Samantalang ang ibang kababaihan naman ay halos pumutok ang ovaries sa sobrang kakiligan. Lumalaki na kasing gwapo ang ating Bida nagiging heartthrob na rin tulad ni Otor.
Napadpad si Pareng Yagit sa hardin ng paaralan at doon niya nakita ang isa sa dalawang nilalang na iniluwa ng lupa na ayaw niyang makita. Si Tita Swardz na abalang nangunguha ng bulaklak ng gumamela at patagong iniipit ito sa kanyang tenga.
At...
(¬_¬): "Hoy, Tita Swardz! Anong ginagawa mo d'yan?" *cross ng arms* *taas kilay*
(<>..<>): *nagulat* *napa-OMG under his stinky breath* "Walakampake! Pabayaan mo nga ako. Walang makakapigil sa aken! Hmmp!"
(¬_¬): "Tang ina mo, may pabulabulaklak ka pang nalalaman. Ingudngod kita d'yan e. May itatanong lang ako."
(<>..<>): "Kung itatanong mo kung may boypren na si Inday Badiday, wala pa! At 'wag ka ng umasa kasi hindi ka niya type! Ammp!"
(¬_¬): "Isa ka pang haliparot e 'no? Tatanong ko lang kung ano ba ang pag-ibig? Alam mo ba 'yun ha gunggong?"
(<>..<>): "Pag-ibig?"
(¬_¬): *buntong hininga* "Oo, pag-ibig. Letse. Ano bang meron ngayon at lahat yata e bingi? Kailangan ba talagang ulit-ulitin ang tanong?"
(<>..<>): *hindi pinansin si Yagit* *tumalikod* *tumingin sa malayo* *naging emosyonal* *umiling iling* Ang pag-ibig ay isang... isang malalim na bukal kung saan dumadaloy ang sariwang tubig na papawi ng uhaw ng bawat puso. Ito ang nagbibigay lakas sa bawat isa, nagsisilbing inspirasyon, at ang nagbibigay kulay sa madilim na mundo..."
(¬_¬): ......................
(<>..<>): *tingin sa hawak na gumamela* *napangiti* Pag-ibig ang susi sa lahat ng nakakandadong pintuan. Pag-ibig ang solusyon sa lahat ng problema nino man. Sa pag-ibig walang edad, walang kasarian, walang estado ng buhay. Sa pag-ibig pantay pantay lahat walang lamangan."
(¬_¬):*kuha ng monoblock* *hampas sa likod ni Tita Swardz* *sabay takbo* "Tang ina mo! Wala akong naintindihan. Panay ka kabaklaan, Swardz!"
(<>..<>): *suka ng dugo* *nangingisay* OMG. Diz iz it. Nakikita ko na ang liwanag. Haweber handa akong mamatay para... para sa pag-ibig... Aringkingking my loves... Diz is goodbye... Shet... Ugh..." *deads*
Dedicated para kay Pareng Siga @MrAwesomeOne. WAHAHAHA
BINABASA MO ANG
ANG SALBAHENG YAGIT
RandomAng kauna-unahang emoticon/comics style story that ever existed sa balat ng Wattpad... ANG SALBAHENG YAGIT Mainlab at kiligin sa hard humor ng ating bida, sa mga #MedyoBadBoy na mga banat niyang kukurot sa inyong mga bituka, sa mga makalaglag-nunal...
