Intro

43 5 0
                                    

Cham's point of view.

"Maaaa !!! alis na po ako." sabe ko ng nagmamadali. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga para hindi ako mawalan ng upuan. Hays! Kaya nakakainis sa public school e. Pag late, mawawalan ng upuan kundi naman mawawalan sirang armchair ang matitira sayo.


Hindi ko na inantay ang sagot ni Mama at agad na akong naglakad palabas ng eskinita samin. Bihira lang ang jeep na papunta sa school namin, at swertehan lang pag hindi puno ang nasakyan ko.


At sa awa ng Diyos, mga 10 minuto lang ako nag antay bago ako nakasakay. At kung sinuswerte nga naman talaga ako, hindi pa masyadong puno ang nasakyan ko, kasya pa ang limang tao.




Pagkaupo ko agad akong nagbayad. Ngunit biglang prumeno ang jeep, kaya't muntikan nakong masubsob sa kaharap ko. Lintek! -,-



May sasakay pala. At ang gwapo nya infairness. Maya maya lang ay umandar na ulit yon. At ang swerte ko talaga dahil ang bango at ang gwapo ng katabi ko. Pero nakakainis lang kasi kanina pa sya nagkakalikot sa bag nya at kanina pa ko naiipit dito sa pwesto ko.



Grrrrr. -,- Bat kasi ang sikip, nakakainis naman si Manong driver e. Pasakay pa ng pasakay puno na nga.


Maya maya lang ay tumigil na ang jeep andito na pala kami sa kanto papasok ng school pero.. nagmamadaling lumabas ang katabi ko at sumigaw naman bigla ang driver....



"HOY TO?! DI KAPA BAYAD?! ABA'T!!!!?"


Kaya pala ha, agad syang tumakbo ng marinig nya si Manong driver, kala nya ha.



Hinabol ko sya. At ang malas ko lang kasi di ko na sya naabutan.


Kawawa naman si Manong Driver, konti na nga lang tinutubo na bimtima ng mokong na yon ng 1..2..3.. tsk. Sayang gwapo pa man din sana, kaso ganon ang ugali.



At ka uniform ko pa talaga. Pinapahiya nya ang school namin. Malilintikan skin un pag nakita ko dito yun.



Sayang ang gwapong mukha. -,- Tsk, wala na talagang matinong lalaki sa mundo.


Pero, patay. Kaya nga pala ko maagang pumasok para sa upuan. Naku po! Tay ako neto.


Nagmamadali akong tumakbo. Dahil ayokong tumayo maghapon sa oras ng klase noh. -,-


At ang swerte ko nga naman, meron pang dalawang matinong upuan. Buti pa upuan, may matino. Kahit bilang lang sila, eh lalaki kaya? Nako. Asa pa men.



Natapos ang klase ko ng 12 ng hindi ko manlang nakikita ung lalaki. Aba ha! Pinagbayad kaya ako ni Manong Driver kanina ng pamasahe nya, kaya ko nga sya hinabol e. Sayang din ung 7 pesos noh, pamasahe ko na yun pauwi mamaya, pero dahil sa kanya maglalakad ako.




Hayssss. Pagkadating ko sa karendirya ni Aling Dori agad akong nagpalit ng damit pang trabaho. 1-5 ang trabaho ko dito pero dahil masipag ako maaga ako lagi ng 30 minutos.


Sayang kasi sa pamasahe kung uuwi pa ko galing school, tapos babalik ako dito. Malapit lang kasi sa school to. At gada gantong oras maraming costumer kaya mas minabuti kong maaga para may katulong si Aling Dory at Tiffany na anak nya.


Buti na lamang nakilala ko si Tiffany dahil sa kanya nagkaron ako ng part time job. Kahit isang daan lang ang sweldo ko gada araw dito ayos lang, malaking tulong na din para sa pang baon ko araw araw.


"Miss!" natigil ako sa pag dday dream ng tinawag ako ng bagong pasok na costumer.



Nagsusulat ako sa maliit na papel para sana ihanda ng oorderin nya ng pagkaharap ko sa kanya ay....

O_____O



"IKAWWWW?!" sigaw ko na gulat na gulat.



~

1...2...3...Where stories live. Discover now