Chapter 2: Mama

32 5 1
                                    

Cham's point of view.

Pagkadating na pagkadating ko sa hospital dumeretso agad ako sa emergency room, at tama nga ako andon si Papa. Nakaupo sa may gilid ng pinto at nakayuko.... naiyak.

Dahil sa nadatnan ko di ko mapigilang di maiyak. Ano bang nangyare? Ano ung sinasabe ni Papa na inatake si Mama? May tinatago ba silang sikreto sakin? May sakit ba si Mama? Kailan pa? Bakit di manlang sila nagsasabe? Ang dami kong tanong... Pero hindi ko manlang maibuka ang bibig ko... Nakatayo lang ako dito malapit sa pintuan at naiiyak na din.

Napatingin ulit ako kay Papa, at nakatingin na rin sya sakin habang may mga tumutulong luha sa mga mata nya... Hindi ko napigilan ang sarili ko, napayakap ako sa kanya.

"Pa? a-an-anon-g nang-yy-yari?" humahagulgol na sabe ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang kutob ko lang ngayon, may malubhang sakit si Mama, at ngayon ko lang nalaman. Gusto kong magalit sa kanila kasi di manlang sila nagsabe pero hindi ito ung tamang oras. At saka, kailangan ko munang siguraduhin na tama ang naiisip ko.

"Anak, yung mama mo..." hindi nya natuloy ang sinasabe nya kasi humahagulgol na rin sya. Mas lalo tuloy akong nanghihina kasi feeling ko may nangyaring masama kay Mama, hindi magkakaganito si Papa kung wala. Kilala ko si Papa, masiyahin sya at matapang, pero ngayon... mukha syang bata na nawawala dahil sa pag iyak nya.

"Pa ano?!!! Sabihin mo, anong nangyari?" sabe ko pero tumuloy lang sya sa pag iyak.

"Papa sagutin moko anong nangyare?!!!!" sabe ko habang niyuyugyog yung balikat nya... umiling lang sya. Umiling habang patuloy pa ring naiyak.

"Papa, sabihin mo sakin. Okay lang si Mama? Pagod lang sya diba? Ano papa?!!!" sigaw ko habang naiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Niyakap ako bigla ni Papa at...

"Wala na mama mo anak. Iniwan na nya tayo." sabe nya at hinigpitan ang pagyakap sakin.

Natigil ako sa pag iyak sa narinig ko, natulala ako. Hindi... Hindi pede... Hindi to totoo, kumalas ako sa yakap ni Papa.

"Papa, hindi to totoo dba? Pa naman, alam kong joker ka pero wag naman ganyang joke." sabe ko pero umiling lang sya na umiiyak pa din.

"Hindi pa, hindi pa tayo iniiwan ni Mama. Papa!!! buhay pa sya... hindi pede...." sabe ko at umiyak na din. Niyakap na ulit ako ni Papa.

"Anak, wala na. Wala na mama mo. Anak iniwan na nya tayo..." sabe nya habang nakayakap pa din ng mahigpit.

Hindi, hindi to totoo. Nanaginip lang ako... Binabangungot lang ako..

Kinurot ko ang pisngi ko pero gising na gising ako... Hindi, hindi to pedeng mangyare...

"Papa, bangungot lang to dba? Bangungot lang. di pa tayo iiwan ni Mama, sasabitan nya pa ko medalya sa graduation dba? Aayusan nya pa ko sa graduation. Papasyal pa tayo sa graduation e. Tapos isusurprise kapa namin sa kaarawan mo. Kaya hindi.. Hindi totoo yan..." hindi pa rin ako makapaniwala...

"Tama na anak, niloloko mo lang sarili mo." sabe nya at naramdaman  kong di na sya naiyak...

"Pero bakit pa? Bakit? Kailan pa sya may sakit? Bakit nyo nilihim sakin to? Bakit?!!!!" pero bago pa sya sumagot, tumakbo na ako palabas ng hospital.

Hindi ko matanggap na naglihim sila ng ganon.....

Hindi ko matanggap na iniwan na kami ni Mama....

Hindi ko matanggap na wala manlang akong kaalam alam....

Lakad takbo lang ang ginawa ko... Hindi ko alam kung san ako pupunta.. Bahala, basta ang mahalaga gusto kong mapag isa at ayoko munang makita sila....

Sa paglakad at pagtakbo ko, di ko namalayan na nandito na ko malapit sa karendirya na pinagttrabahuhan ko... Tumigil ako sa gilid ng kalsada at umupo..

Para akong baliw kasi gabi na andito pa rin ako. Nagtitinginan na sakin ung mga tao na naglalakad at ung mga kalalabas at papasok palang sa karendirya na Aling Dory. Wala akong paki basta ang gusto ko lang umiyak. Umiyak ng umiyak.

Pano nila nagawa sakin to? Pano nila natiis na paglihiman ako?

1...2...3...Where stories live. Discover now