Chapter 7: Nasan kana?

24 4 0
                                    

Cham's point of view.

Pagkagising ko nagulat ako dahil... nasan ako? wala ako sa kwarto ko. Goosssh! Napatingin ako sa ilalim ng kumot ko. May damit pa ko. Thanks God. Teka? Ano bang nangyari? Ang alam ko lang sakal sakal ako ni papa nang biglang may pumigil sa kanya, natulala nalang ulit ako ng maalala ko yon..

"Oh gising kana pala." Nagulat ako sa biglang pagpasok ni.. Melo? Wtf.

"Hoy anong ginagawa mo dito ha?" Pagtataray ko sa kanya.

"Excuse me miss. Pero sa pagkakaalam ko aking apartment to, in short aking kwarto to." Sabay smirk nya pagkasabe nya. Mantalang ako napanganga nalang sa gulat. O____O

"Diba kasama kita kagabe. Hinatid pa nga kita. Kaso nakalimutan kong sabihin sayo na tayo ung partner sa Project natin sa Music, wala ka nung araw na sinabe un ni Ma'am at sa fri na ipeperform un. Kahapon ko lang naalala. Tapos un pinuntahan kita para sabihin un tapos sakal sakal ka nung papa un ang nadatnan ko hinigit ko agad papa mo saktong pagkahimatay mo. Kaya dinala na kita dito kasi wala namang balak ang papa mo na asikasuhin ka. Pinagtatabuyan kapa nga e. I mean tayo, sa bahay nyo." Mahabang paliwanag nya na kina tulala ko nanaman. Ano bang nagyayari sa papa ko? All of a sudden bigla nalang syang nagkaganon hays! :/

"Salamat." Yun nalang ang nasabe ko. Pano nalang kung wala si Melo? Ano nalang kayang nangyari sakin.

"Walang anuman. Sabe ko naman sayo kaibigan mo tong gwapong to e." Pagmamayabang nanaman nya.

"Tss." Tumayo na ko pero ugh. Nahihilo ako. Kaya napaupo lang ulit ako sa kama nya. -,-

"Pahinga ka muna jan. Ano kaba..." Naiinis na sabe nya.

"Magkaibigan tayo, ang magkaibigan nagtutulungan." Pagtutuloy nya.

"Sa bahay nalang ako magpapahinga mas komportable ako don." Pinilit kong makatayo peroo...

Nahulog ako, pero nasalo nya ko kaya di ako nasaktan.

"Yan na nga ba sinasabe ko e. Ang tigas kasi ng ulo mo. Mapano kapa mamaya jan. Sagutin pa kita..Tsaka, anong di ka komportable?" Sabe nya habang buhat pa din ako sabay hiniga ulit sa kama nya.

Ngumiti sya ng parang may naisip na kabaliwan. -_-

"Siguro... may... gustokanasakinoh?" Mabilis nyang sabe.

"ANO?! Ang kapal din naman talaga ng mukha mo e noh?" Gulat na gulat na sabe ko.

"Correction, makapal na gwapo." Pagyayabang nanaman nya.

"Tigilan mo nga ko sa kayabangan mo, lalong nasama pakiramdam ko e."

"Sorry pala. Wala kasi akong pera e. Di tuloy kita madala sa hospital..." seryoso nyang sabe.

"Di kapa naman siguro mamamatay dba?" Sabe nya sabay tawa ng malakas.

Baliw talaga. -_-

Ang bigat ng mata ko. Parang gustong pumikit.

"Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot tsaka matulog ulit. Kukuha lang ako ng pagkain." Sabe nya sabay labas ng kwarto.

Srsly? May toyo ba yon? Seryoso tapos biglang tatawa tapos seryoso ulit. -_- Bipolar.

Maya maya lang ay dumating na agad sya ng may dalang pagkain at gamot. Kumain lang ako kahit gusto ko na talagang matulog habang sya naman may sinusulat sa study table nya.

"Mag isa kalang ba dito?" Pagtatanong ko pagkatapos kong uminom ng gamot.

"Oo." Matipid nyang sagot.

"Bat ka nangungupahan mukha ka namang mayaman? Tsaka nasan ang mga magulang mo? May kapatid kaba?" Pagtatanong ko ng tuloy tuloy.

"Ang kulit mo pala pag may sakit ka. Haha. Sana pala lagi kanalng may sakit para lagi kang makulit at hindi nagsusungit." Pang aasar nya.

"Ang sama ha." Sagot ko at binigyan sya ng masamang tingin.

"Easy baby, magpahinga kana. Huhugasan ko lang tong pinagkainan mo." Sabe nya sabay kuha ng pinagkainan ko at labas ng kwarto nya.


Tss. -_- kaya ayokong magkasakit e. Ano ba naman kasing nangyayari sa katawan ko. -_____-

Humiga nalang ulit ako at Zzzz.

Nagising lang ako dahil ang init sobra. Pawis na pawis na pala kp, epekto siguro nung gamot na ininom ko kanina.

"Oh ano? Pinagpawisan kanaba?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa upuan na nakatabi sa kama na hinihigaan ko. Si melo pala.

"Oo e. Maya maya magiging ayos nako." Sabe ko sabay alis ng kumot at tayo.

"Oh san ka pupunta? Baka mapano ka nanaman." Paranoid na sabe nya sakin.

"Oa pati pag ihi ba naman." Sabe ko sabay irap.

"Hays. Sana lagi kanalang may sakit." Sabe nya sabay balik sa pagkakaupo.

Pagkatapos kong mag cr ay nag ayos nako at nagpaalam para umuwi. Kahapon pa ko ng gabi andito, kailangan ko ng umuwi. Baka kung ano ng nangyari kay papa. -____-

"Salamat ha." Sabe ko at sumakay na ng tuluyan sa tricycle na inarkila nya.

Wala daw pera pero sya naman ung umarkila at nagbayad. -_- tss.


Pagdating ko sa bahay. O____O

Nagulat ako dahil wala ng laman ang bahay namin. Napatakbo agad ako sa kwarto ko, andon pa ang mga gamit ko.

Pagdating ko naman sa kwarto nila mama at papa. Wala ng gamit. Sa kusina wala din. Nasan na? Papa nasan kana? Mang iiwan kana din ba talaga ng tuluyan?

1...2...3...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang