Chalter 4: First kiss.

34 4 0
                                    


Cham's point of view.

Napatingin ako sa taas ng puno na pinanggalingan ng boses na yon.

"Waaaaaaaahh--------"

O_______O

Nagulat ako sa nakita ko kaya napasigaw ako at....

Nahulog sya sa pwesto ko at nahalikan nya ko.. O____O

Tinulak ko sya bigla dahil nakakailang ang pwesto namin.

"Aray!!" sigaw nya dahil napalakas ata ung pagtulak ko.


"Sorry. I didn't mean to kiss you. Nagulat lang talaga ko." Pagpapaliwanag nya.

Hindi ako sumagot nahihiya kasi ako. First kiss ko. Di ko alam kung matutuwa ba ko, o maiinis dahil sya pa talaga. Pero, dahil sa katahimikan naalala ko nanaman si Mama. Naiiyak nanaman ako. Sana merong gamot na kapag ininom, makakalimutan mo yung taong gusto mong kalimutan. Kahit panandalian lang. :3


"Alam mo, ang pagsasarili ng problema parang pag dumi lang yan. Hanggat hindi mo nilalabas, lalo kalang nahihirapan." Pagbabasag nya sa katahimikan. Nakatabi na sya sakin, napatingin naman ako agad sa kanya at napngiti, hindi ko nga din alam kung bakit ako napangiti e.


"Yun ngumiti ka din sa wakas. Grabihan ha. Nung first na pagkikita natin ang sungit mo e, actually hanggang ngayon naman. Hahaha!" Sabe nya habang natawa pa ng mapang asar. Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya natahimik at nag gesture pa na parang zinizipper ung bibig nya.


Ang childish lang pero ang cute. Napangiti ako at agad na tumingin sa ibang direksyon. Nahihiya kasi ako na ewan e. -____-

Sya ung nag 1..2..3.. nakilala ko nung monday. Arghh, naalala ko nanaman. -,-

"Melo nga pala, di nako nakapg pakilala non e. Buti nalang nakita ulit kita." Sabe nya at inabot sakin ang kamay nya para makipag shakehands.


"Cham." Tipid na sagot ko at nakipag kamay.




"Alam mo imbis na mag emo ka jan, samahan mo nalang akong libutin ang school na to. Wala pa kasi ung mag totour sakin e. Absent pa daw." Pagpapaliwanag nya. Hindi na ako nakasagot kasi hinila na agad nya ako.



-_____- usong magtanong kung pumayag ako. :3



"Alam mo ba, nakakapanibago dito sa school nyo. Mainit kasi, tapos pag late nagkakaubusan ng upuan. Tapos, okay lang kahit hindi mag uniform. Ang cool nga e." Pagkkwento nya. Nakikinig lang ako.



"Tapos alam mo ba, nung pumasok ako nung tuesday pumasok ako dun sa #room na nakalagay dun sa form ko, tapos mali pala ung napasukan ko. Pang 1st year palang room yon." Pagtutuloy nya. Natawa naman ako.



"Tse. Wag mo kong tawanan. Bago lang ako dito kaya natural lang yon. Ang weird lang kasi napagtripan lang pala ko nung mga 1st year na babae. Gusto daw kasi nila kong maging classmate, ang gwapo ko diba?" Sabe nya sabay kindat.




Eto nanaman ang pagkafeelingero nya. -,-


"Pansin ko lang, bat hindi ka naimik dyan? Napipi kanaba? Tsaka, anong year kana ba?" Pagtatanong nya. Tss

"3rd year." Tipid ko ulit na sagot.


"Parehas pala tayo e. Anong room # mo? Sana naging classmate nalang kita para naman may nabbwiset ako." Pang aasar nya.


"Ang malas ko pagnagkataon." Pabulong na sabe ko.


"Hoy narinig ko yon. Swerte mo kaya non, bukod sa gwapo ako, gwapo pa ko. O dba?" Pagyayabang nanaman nya.




"Alam pagiging mahangin nakakasama yan." Pangbabara ko.


"Pero anong room # mo nga?" Pagtatanong nya nanaman.



"101." Tipid ko ulit na sagot.




"Tadhana nga naman, meant to be tayo!"



-,-




"Walang forever tigilan mo ko sa mga tadhana tadhana na yan. Dalian nalang natin sa paglilibot dahil baka may dumating ng teacher." Sabe ko sabay lakad ng mabilis.




Tinour ko lang sya sa buong school namin. Sa canteen, library, building ng 1st year-4th year at sa faculty room ng mga teacher.



Masarap syang kasama. Madaldal, makulit may pagkamayabang at childish. Pero salamat sa kanya, kasi kahit pandalian. Nakalimutan ko problema ko.

1...2...3...Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora