Chapter 8: Performance

19 4 0
                                    

Cham's point of view.

Hindi na talaga bumalik ng tuluyan si Papa. Hays, san naman kaya yun nagpunta?

"Tulala ka nanaman." Nabigla ako sa pagtabi sakin ni Melo, inabot nya sakin ung mineral water na binili nya.

Andito nga pala kami sa Park. Nagppractice dahil bukas na ipeperform ung Project sa Music. Ang thrill lang sa Project ay kailangan babae ung sa mga instrument ang lalaki naman ang kakanta. Hindi naman kami masyadong nahirapan kasi, marunong naman akong mag gitara. Kaya gitara nalang ang gagamitin naming instrument. Yung boses lang ni Melo ang problema. -_-

"Kinakabahan lang ako para bukas." Pagsisinungaling na sagot ko.

"Ano kaba.." umakbay sya sakin.
"Magiging ayos ang performance natin. Kasing ayos ng mukha ko kaya wag kanang kabahan. Ang gwapo ko kaya."

-_-

"Oo na." Inalis ko ung pagkakaakbay nya. "Balik na tayo sa practice. Nananaching kana e." Sabe ko sabay irap sa kanya.

"Ang taray mo talaga. Daig mo pa lagi may dalaw e."

Hindi ko nalang pinansin ang pang aasar nya. Bumalik nako dun sa may carpet na nilatag namin sa may lapag.

Kinabukasan

Wala pa din si Papa. Hays! Nakakaasar ha.

"Tao po! Tao po!!!!"

Ano ba yan. Sino ba un kung makakalampag naman sa gate e.

Pagkabukas ko ng pinto. O_O si Aling Bebang ung may ari ng inuupahan naming bahay.

"Ineng may balak paba kayong maghulog ng Papa mo? Kung wala pede bang umalis na kayo, dahil tatlong buwan na kayong di nakakabayad." Sabe nya ng may galit.

Tatlong buwan? Pero wala pang isang buwan simula ng mawala si Mama. Edi ibig sabihin noon pa sila di nakakabayad?

"Nako. Pasensya na h---"

"Ayan nanaman yang pasensya pasensya na yan. Pano naman ang pamilya ko. Kami magugutom dahil sa hindi nyo pagbabayad. Bukas na bukas pag di pa kayo nagbayad umalis na kayo, kung ayaw nyong makarating pa tayo sa baranggay." Pagpuputol nya sa sinsabe ko sabay talikod sakin at alis.

Panibagong problema nanaman. Jusko. San naman ako kukuha ng pang bayad sa tatlong buwan. Wala nga si Papa. -_- limang daan palang ang ipon ko simula nang mawala si Mama dahil napunta din dun ung dati ko pang ipon pang college ko sana.

"Diyos ko po!" Ayun nalang ang nasabe ko dahil sa mga problema ko.

Kahit naman mag trabaho ako ngayon hanggang bukas dalawang daan lang ang makukuha ko, kulang pa din. 4500 ang kailangan ko.

Bago pumasok ay pumunta muna ko sa karendirya na pinagttrBahuhan ko. Babale muna ko ng oangbayad sa upa kesa naman sa kalye ako matulog.

"Nako ineng pasensya na. Hindi kita mapapabali ng ganong kalaking halaga, dahil araw araw akong namimili. Mawawalan ng puhunan ang karendirya ko pagnagkataon."

Kung minamalas nga naman ako. -_-

" Ayos lang po. Salamat." Sabe ko at tuluyan ng nagpaalam para pumasok. Baka kasi malate pa. Maubusan pa ko ng upuan.

"Oh mukhang biyernes santo nanaman yang mukha mo ah." Sabe agad sakin ni Melo pagkaupo ko sa tabi nya.

"Atsaka himala!!! Tumabi ka sakin." Sabe pa nya na parang may malaking himala talaga.

"Excuse me mister... eto nalang ang bakanteng upuan. Wag feelingero." Sabe ko sabay irap at tungo nalang sa armchair ko.

"Defensive." Sabe nya sabay tusok ng daliri nya sa tagiliran ko. Napaayos naman agad ako ng upo, dahil malakas ang kiliti ko don.

Inirapan ko sya tsaka tumingin nalang sa black board.

"May tanong ako." Seryoso nyang sabe nakatingin din sya sa black board.

"Bakit kaya black board ang tawag sa board pero green naman sya?" Napatingin agad ako sa kanya at parang baliw lang talaga kasi ang seryoso ng mukha nya. Nakakapanibago. -_- Pero bakit nga ba? :3

"Hahahahahaha. Isip ka naman." Sabe nya at patuloy pa din ang pagtawa.

Tumigil lang sya nung dumatinh na ung teacher namin sa music. Nako po! ngayon ung performance.

"Wag kang kabahan gwapo kasama mo." Bulong nya sakin. Tss. Kayabangan talaga.

Nung turn na namin di ko maiwasang kabahan.... gawa kasi ng boses nya.. baka pagtawanan kami.

Eto na..

Playing 

Sayo
By: Silent Sanctuary

Minsan oo, minsan hindi.

Napatingin ako agad kay Melo ng marinig ko boses nya.

Minsan tama minsan mali.

Pero patuloy pa rin ako sa pag sstrum ng gitara.

Bat ganon?

Umaabante, umaatras...
Kilos mong namimintas...

Ang ganda ng boses nya. Anytime makakatulog ka sa ganda.

Kung tunay nga, ang pag ibig mo..
Kaya mo bang.. isigaw,
Iparating sa mundo...

Nakatingin na sya sa mga mata ko. Hindi ko din matanggal ang pagkakatingin ko sa kanya habang nag gigitara. Buti nalang talaga, magaling ako dito. Napayuko ako ng marinig kong nagbubulungan na ung mga kaklase namin. Pero ramdam ko pa rin na nakatingin sya sakin. Nakakailang..

Tumingin saking mata..
Magtapat.. ng nadarama..

Hindi ko alam kung bat napatingin agad nung narinig ko ung lyrics na yon. Para kasing sinsabe nya sakin e. Pero.. wala naman akong feelings sa kanya ah.. -_-

Inalis ko agad ung pagkakatingin ko nung narealize ko un.

Di gusto.. ikay mawala..
Dahil handa akong ibigin ka..

Nagulat ako sa bigla nyang pagpunta sa unahan ko..

Kung maging tayo..
Sayo lang ang puso ko..

Mas kinagulat ko ung pagkindat nya at paghiyaw ng mga kaklase ko..

Kung maging tayo oh..
Sayo lang ang puso ko..

Hinigit nya ko at hinawakan ang kamay ko. At O_____O hinalikan to.

---*

A/n: feel na feel ko ung pag type ng chapter na to hahahahaha. Anyway, salamat po sa mga nagbabasa. I love you all. *mwaaaa*

Ps. Si melo and Cham ung nasa pic guys. :)

1...2...3...Where stories live. Discover now