Chapter 1: Sya nga.

43 4 3
                                    

Cham's point of view.

"IKAWWWW?!!!!" sigaw ko na gulat na

gulat. Buti nalang kakaalis lang ng mga costumer at mejo konti nalang ang nakain, 2 pm na kasi e. Mamayang 4 na ulit dadami yon.

Tumingin lang sya sakin ng nagtataka tapos parang naalala na nya ko kaya, tatakbo sana sya kaso...

"Heh hep hep! At san ka pupunta aber ha?"



"Naiihi ako, pede ba miss. Ano bang pinagsasabe mo? Ganyan nyo ba itrato costumer nyo dito? Sinisigawan?" Aba't ako pa pinagmumukhang masama betong ugok na to a.


"Anong 'anong pinagsasabe ko' ang sinasabe mo jan? Hoy Mister Feelingero para lang sabihin ko sayo ako yung nagbayad ng pamasahe mo sa jeep kasi nga nag 1..2..---- Mmmmmm!!!" bigla nyang tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa likod ng karendirya ni Aling Dory, buti naman. Akala ko wala syang hiya e.

"Pede ba miss? Babayadan nalang kita sa susunod. Wala kong pera ngayon, nakalimutan ko wallet ko sa apartment, sa susunod nalang kita babayadan." tapos bigla syang magiging mabait kasi wala pala syang pang bayad.

"At pano naman ako makasisigurado na magbabayad ka talaga? At anong nakalimutan, e bakit may balak kapang  umorder ng pagkain ha? Ganyan ba nakalimutan?" pagtataray ko ulit.

"Ahhhh, siguro balak mo nanaman takasan un kung sakali no?!!!" pagtutuloy ko. Tsk, hindi sya makasalita ngayon, masyadong guilty.

"Look ms, bago lang ako dito. At gutom nako kanina pa ko naglalakad at hindi ko alam pabalik sa apartment ko, ang alam ko lang papunta dun sa school. At pangako babayadan kita. Kahit sumama kapa sa apartment ko dodoblehin ko bayad ko. Pakainin mo lang ako." pangungunsensya naman nya sakin. Tss, mukha naman syang mapagkakatiwalaan perooo.

"Ano ka sinuswerte?" Sabe ko sabay taas ng kilay at talikod sa kanya. Makabalik nalang ng trabaho nasasayang oras ko sa mga panloloko nya.

Bago pa ko makahakbang hinawakan nya yung kaliwang braso ko. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ms. eto oh, calling card ko, hindi ako masamang tao, kaya ko lang nakalimutan ung wallet ko gawa ng pagmamadali ko, transferee ako kaya ioorient ako kanina  kaya hindi ako pedeng ma late." pagpapaliwanag nya nanaman. tss, kung di lang nakakaawa mukha nya e. Pinabayaan ko na sya.

"Oo na oo na, basta bayadan mo ko bukas ha? Hindi ako nagttrabaho para lang manlibre ng manlibre." sabe ko sabay talikod sa kanya.

Dinalhan ko lang sya ng afford ng pera ko, good thing hindi sya nagreklamo.

5pm na at pauwi nako pero nagulat ako ng makita ko sa gilid ng karendirya si Mr feelingero. Aba't bat andito pa yan? Kanina pa sya umalis ah?

"Anjan kana pala? ah ehh, pede bang makisabay ako? Hehe." sabe nya ng parang nahihiya pa. psh, -,-


"Sana hindi mo nalang ako inantay, 5 na oh. Kanina kapa jan." sabe ko sa kanya sabay irap at lakad.




"Ahm, walang meaning pag aantay ko ms. wala lang talaga kong kilala dito na mahihiraman ng pamasahe." pagpapaliwanag nya.

edi ako na feelingera. -_-




"Edi sana nagsabe ka na kanina, hindi ung pa antay anatay kapa jan baka isipin nila jowa kita. tss" sabe ko sabay lakad ng mabilis.




"Okay lang yon, swerte ka pag nagkataon-----hehe" sinamaan ko nanaman sya ng tingin.

"Joke lang, pero kasi kahit humingi ako di ko alam sakayan pauwi." pagtutuloy nya.


"edi sana nga nagsabe ka para naturo ko agad sayo."


buti nalang at may natira pang 50 sa sweldo ko ngayon. tsk! ang dami kasi netong nakain kanina e. pati pera ko naubos. tss.

"Hoy tutuusin ko utang mo, bayadan mo bukad ha. Hindi na uso libre ngayon." sabe ko pagkasakay namin ng jeep.

"Oo na, kahit doblehin ko pa bayad sayo." mayabang nanaman na sabe nya. Tss,


Malapit na sya sa kanto ng sinakyan nya kanina. kaya..


"Alam mo ba kung pano pabalik ng apartment mo?" pagtatanong ko. aba baka mamaya ipara ko sya tapos di pa rin nya alam tapos maligaw sya konsenysya ko pa. tsaka baka di nya pa mabayadan utang nya sakin pag nagkataon.




"oo, wag kang masyadong concern baka mainlove ako sayo nyan." sabe nya sabay kindat at ngiti. errrrr.



O,O parang ang cute nya.



"Sa tabi nalang ho." sabe nya kay manong driver at bumaba sya.



at Ako? Eto tulaley pa din.


Feelingero talaga.



Maya maya lang ay pumara na din ako, pagdating ko sa bahay walang tao. Nsan kaya si Mama At papa? -,-

Pagpunta ko sa kwarto nila para magmano sana, pero may nakita ko kaprasong papel na halatang minadaling punitin at sulatan.

'nak si papa mo 2, nandito kami ngayon sa hospital ng mama mo inatake nanamn sya. ingat ka papnta d2'

O________O m-mama?

1...2...3...Where stories live. Discover now