Chapter 11: Panira ng moment

9 1 0
                                    

Cham's Pov

Kakagising ko lang at pababa nako papuntang kusina. Linggo ngayon buti nalang talaga di ako pumasok kahapon kasi kahit papano nakapag trabaho naman ako sa karendirya nila Tiffany nung hapon, pagkatapos akong ihatid ni Melo dito sa apartment nya.

Speaking of aparment okay lang naman di kalakihan pero tama lang saming dalawa.. i mean.. may dalawang kwarto isang Cr may kusina, may garden, may salas. Laking pasasalamat ko nalang talaga kay Melo kasi nag offer sya ng ganto.

Mag aalas otso na ng matapos ako sa niluto kong Itlog, hotdog at kanin. Nahirapan kasi ko sa paghahanap ng gagamitin, buti nalang tulog pa si Melo.

"Uh? Goodmorning." Bati ni melo.

Nagulat naman ako sa biglaan nyang pagsulpot at halatang kakagising nya lang at nagulat din sa presensya ko sa kusina nya... Napatitig ako sa katawan nya.. err i mean sa kanya dahil topless sya ngayon at may nakalagay na tuwalya sa kanang balikat nya.

"Ah, e-eh. Nagluto n-nako. go-good mo-morning!" Nahihiya kong sabi dahil napansin nya ata ang paninitig ko sa kanya dahil sa bigla nyang pag ngiti.

"Hahaha. Ikaw talaga wag kanang mahiya. O sya kain na tayo." Umupo agad sya sa upuan sa harapan ko.

Naglagay ng kanin sa plato nya at sakin.. err. Nakakailang talaga. Jusko.

Umupo nalang din ako at pilit na nag iiwas ng tingin samantalang sya.. Nakain na..

Maya maya pa'y natapos na kami.. at nag insist sya na sya na daw maghuhugas ng pinagkainan namin pagkatapos nyang maligo kaya nilagay ko nalang to sa lababo at pumunta na saking kwarto para mag ayos ng pinaghigaan ko...


Nagulat ako sa biglaan nyang pagpasok dito, ng walang paalam kaya't halos mahimatay ako.

"Ah eh, sorry. Yayayain lang sana kita na sumimba mamaya? Tutal linggo naman at walang magawa."

"Ah, sge." Un nalang ang nasabe ko dhil sa pagkabigla at tuluyan na syang umalis. Hays.

Ano ba naman yan Cham. Umayos ka nga. Para kang tae e. Act normal jusko.

"Alam mo ba, madalas kami magsimba dto ng pamilya ko."

Andito kami ngayon sa park sa gilid ng simbahan. Nakain ng street food.

"Pagkatapos ng misa ganto din ginagawa namin. Nakain ng street food tapos deretso ng mall para pumasyal at kumain ng dinner." Pagtutuloy ko sa pagkkwento. Sya naman nakikinig lang habang nakain.

"Si mama at papa. Sobrang sweet non. Di mo sila makikitang nag aaway. Si papa sobrang maalaga kay Mama. Ganon din si Mama kay papa..."

"Hmm."

"Sabe ni Mama, pag daw nagka asawa ako, dapat daw katulad ni papa. Maalaga. Loyal. Kahit di maitsura basta mamahalin daw ako ng totoo. At kung dumating man daw ung araw na magpapakasal na kami, dapat daw dito sa simbahan na to..."

"Kasi dito sila kinasal ni Papa... Dito sila nagkakilala... Dito sila madalas nung nagliligawan palang sila.."

Di ko maiwasang di ngumiti ng malungkot habang nagkkwento ko. Si mama kasi, naalala ko ung mga ngiti nya habang sinasabe nya yun sakin dati.

"And guess what? Kung pano nisagot ni Mama si Papa..."

"Pano?"

"Dito din sa harap ng simabahan na to, tapos na daw misa non at mejo nawawalan na ng pag asa si Papa kay Mama kasi ikaw ba naman, dalawang taon ng nanliligaw wala pa di ng sgot. Kaya ang ginawa ni Mama nung nakita nya si Papa na nangunguna sa kanya at halos iwan na sya ay Binato nya si Papa ng Sandals nya.. hahahaha."

Di ko alam kung totoo ba ung tawang un pero alam ko sa sarili ko na half meant lang yon.

"Edi un binato nya. Kaya napalingon si Papa tapos sabe daw ni Mama "Ano lalaki? Dalawang taon kanang nag aantay, ngayon kapaba susuko? Kung kailan mahal na kita." Hahahaha ang korni nila dba?"

"Pero kung di sila nagpakakorni non, wala ka ngayon."

Paninira nya sa moment ko kaya un. Inirapan ko nalang.

To talaga tong lalaking to. Nakikitungo na nga ko ng maayos, nang aasar pa. Pero, tama sya.

Kung di naging korni sila Mama non, baka wala ako ngayon. Baka di ko kasama si Melo ngayon. Baka di ko sya nakilala... :)

1...2...3...Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang