Chapter 10: effort

8 1 0
                                    

Cham's point of view.

Hindi ako pumayag sa sinabe nya. Lalaki sya babae ako nalang ang iisipin ng iba pag nakituloy ako sa kanya. Tapos iisa lang pala sya don.

Uwian na at panigurado ako na wala nakong ibang mahihingian ng tulong dahil iisa lamang naman ang kaibigan ko, at si Tiffany yon.

Kinabukasan ay tuluyan na nga akong pinaalis ni aling bebang kaya't hindi ako nakapasok. Nagulat na lamang ako ng makita ko si Melo na papunta dito sa kinauupuan ko sa park.

Hindi ako makatingin sa mata nya dahil ayokong makita ang pagkaawa nya sakin. Yumingin na lamang ako sa aking paa. Pano nako neto?

"Sabe ko naman sayo, sakin kanalang muna." Pang bungad nya na sabe sakin.

Hindi ko kayang pansinin sya nahihiya talaga ako.

"Uy sakin ka muna. Wag kanang mahiya." Pangungulit nya ulit.

"Bahala ka, kakainin ka dito ng multo. Tsaka madaming nagala ditong mga pusa pag gabi. Nako. Nakakatakot."

"Pede ba? Lalaki ka, babae ako ano nalang iisipin ng iba? Tsaka p-p-usa? Mas malaki pa don."

"So ayun pala inaalala mo, wala naman tayong gagawing masama ah. Tsaka dalawa kwarto sa apartment ko. Sguro.... may gusto ka sakin noh?" May pang aasar sa tono ng boses nya nung sinabe nya ung last part.

"Ang kapal din naman talaga ng mukha mo e noh?" Pagtataray ko.

"Sus may gusto kalang talaga sakin." Sabe nya pa sabay tusok sa tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ko sa kalandian mo."

"Pag di ka sakin tumira ibig sabhin may gusto ka talaga sakin.... At.. ipagkakalat ko yon." Seryoso ang boses nya ng sinabe nya yon kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Okay lang." Hindi ko alam bat ayon ang lumabas sa bibig ko.

"Uy totoo hahahaha!" Pang aasar pa nya.

Di ko nalang sya pinansin pero patuloy pa rin sya sa pangungulit sakin na dun muna sa kanya kase nakakalungkot daw mag isa, para naman daw may makasama sya tsaka para daw may makahati sya sa upa.

Kung pumayag kaya ako? Kasi no choice na e. Tsaka hindi naman ako mgging pabigat marunong naman ako sa gawaing bahay. Makikihati din naman ako sa mga bayarin sa bahay.

"Sge na nga." Un nalang ang nasabe ko dahil di ko maiwasan na hindi mahiya sa kanya.

"Yes!"

"Bakit ka nga pala andito class hour pa ah?" Pag iiba ko sa topic.

"Naalala kasi kita, na paaalisin ka ngayon kaya yon. Nag cutting nalang ako. Actually kanina pa kita hinahanap at napapagod nako kaya naisipan ko na magpahinga muna dito buti nalang talaga napagod ako." Pagpapaliwanag nya sakin.


"Ahh." Un nalang ang nasagot ko sa kanya dahil sa init na naramdaman ko sa aking mukha.

1...2...3...Donde viven las historias. Descúbrelo ahora