Chapter Two

99.7K 1K 32
                                    

"Thanks for the lift." Nagmamadali kong paalam kay Alex kasabay ng pagbukas at paglabas ko sa kotse nito.

"Anytime, sweetheart." He saluted me playfully and winked at me.

After giving Alex a restraint smile nagmamadali na akong tumalikod para pumasok sa bahay namin. Umakyat agad ako sa kwarto ko, pabagsak akong nahiga sa kama ko at hinayaan ko yung sarili kong balikan yung first heartache ko kay Alex.

"Nasaan na yung Kuya mo?" I immediately asked Adien like a giddy girl pagpasok na pagpasok ko palang sa bahay nila.

Adien raised his eyebrow and shook his head. "Ako ba ang pinunta mo dito o si Kuya?" Nakangisi na tanong nito sa akin.

Automatic namang tumaas yung kaliwa kong kilay. "Syempre yung Kuya mo." Straightforward kong sagot dito.

Gusto kong makita si Alex kaya nga ako pumunta sa kanila.

First year high school na ko, nasa junior year naman si Adien at nasa senior Year si Alexis. Nakakainis nga dahil sandali ko lang makakasama si Alex sa school pero ok lang yan may College pa naman at sisiguraduhin ko na makaka pasok ako sa University na papasukan ni Alex. Ganon ako ka inlove kay Alexis o ka obsess dito.

Adien pinched my cheek in playful manner. "Hindi ka man lang nagsinungaling." Natatawa na sagot nito.

"Ganon talaga ang magaganda hindi marunong magsinungaling." Tumatawang sabi ko dito kasabay ng pagtampal ko sa kamay ni Adien.

"Mukang nagkakasayahan kayo ahh."

Biglang bumilis yung heartbeat ko at nalulon ko yung dila ko nang makita ko si Alexis na papalapit samin.

I sighed with dreamy expression. Ang gwapo talaga ng Alexis ko.

"Hello Sweetheart." Alex said and ruffled my hair.

Hindi ko mapigilang mapanguso ng ginulo ni Alex yung buhok ko. Ano ako bata? Kakainis naman tong si Alex, nagka menstruation na kaya ako, saka nasa high school na ko tapos kung ituring nya ko para pa rin akong nasa primary school.

Kainis!

Hindi ganyan ang dapat mong gawin sa future bride mo Alex. Haii Angelica, lakas mo talagang mag ilusyon. Piping salungat ko nalang sa nagda-drama kong puso.

"Bakit nakanguso ka? Problem pumpkin?" Concern na tanong sakin ni Alex kasabay ng paglapit ng mukha nito sa mukha ko.

Oh God! Help me! Hindi ako makahinga ng maayos. Dapat pala nag bubble gum ako.

Ok lang yan Angelica nag toothbrush ka naman bago pumunta dito, hindi ba? Nagpabango ka pa nga.

"Gutom lang yang si Angelica Kuya. Maiwan ko muna kayo, kukuha lang akong cake sa kitchen." Nakangiting apila ni Adien.

Thank God, Bessie.

I released a breath I hadn't realized I'd been holding. Muntik na akong ma suffocate don.

Tinignan ko si Adien na kumindat pa sakin bago tumalikod para pumuntang kitchen.

Alam na alam talaga ni Adien yung epekto ng Kuya niya sakin.

"Come on, sweetheart. Punta tayo sa pool habang hinihintay natin si Adien." Nakangiting aya nito sakin kasabay ng paghatak nito sa kamay ko.

I can feel myself blushing habang nagpa ubaya nalang ako sa paghatak ni Alex. Sarap ng feeling. Grabe! Sana matagalan si Adien o kaya sana maglakad lakad nalang kami ni Alexis sa buong bahay nila na magkahawak kamay.

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon