Chapter Ten

62.5K 755 41
                                    

I went rigid for a few minutes bago nag sink in sakin yung sinabi ni Alex.

"Girlfriend?" I shouted, eyes widened and jaw dropped. Shock was an understatement to describe what I felt.

Parang literal na nayanig yung mundo ko. Ok alam ko na medyo late reaction yung nangyari but can you blame me? Ikaw ba naman ang masabihan ng "Be my girlfriend" ng basta basta, hindi ka ba matutulala? And the most important of all, tumataginting na sa bibig ni Alexis nanggaling yung proposal.

Ok! There must be some kind of mistake in here. Baka naman namali lang ako ng rinig o intindi? Baka naman ang ibig nya talagang sabihin is babaeng kaibigan?

Girlfriend - a female friend, nothing more right?

Right! This is Alexis we're talking here, kaya I'm damn sure na mali lang ako ng pagka intindi.

"You're already------"

I was cut off by Alexis ng bigla nalang nitong hinawakan yung kamay ko. "Just be my fake girlfriend, sweetheart."

I went still. Parang feeling ko sinampal ako sa narinig ko. "Fake girlfriend? I see." I said softly and bitterly kasabay ng pagbawi ko sa kamay ko na hawak nito.

Oh Good God Angelica! Masyado ka kasing asyumera. Nakarinig kalang ng girlfriend kung makapag react ka wagas. You're still as pathetic as before!

Saka bakit ka ba nasasaktan? Hindi ba yung pagkakaintindi mo nga kanina is babaeng kaibigan lang? Nothing more?

Damn it! Curse him for making me feel this weak and pathetic!

I shook my head and cleared my throat. "Wala ka bang mahatak na iba?" I asked icily with my straight face.

Para dito man lang, maitayo ko yung self confidence ko na gumuho nalang basta basta.

"Sayo lang ako may tiwala sweetheart. Other woman will grab this opportunity to be with me at masyadong hassle pag naging clingy na yung babae." Naka kibit balikat lang na sabi sakin ni Alex.

Wow! As in wow! Muntikan naman na akong tangayin ng ipo-ipo sa kayabangan nitong lalake na to.

I smiled sarcastically. "I think you overrated yourself, hindi lahat ng babae magpapakamatay mapansin mo lang."

Saktong sakto naman na may narinig kaming dumadaan sa tapat ng locker room dahilan para matigil yung usapan namin ni Alex.

Damnation!!!Sa lahat ba naman ng pwedeng pag usapan yung magkapatid na Del Franco pa yung napiling topic nung dalawang babae na dumadaan!!!

"Shemay! Ang gwapo gwapo talaga ng Del Franco Brothers! I call dibs on Alex. Grabe! Gagawin ko ang lahat i-date lang nya ko kahit isang oras lang." Tumitili pa na sabi nung Girl 1.

"Sakin naman si Adien, kahit thirty minutes lang solve na ko. Mag try kaya tayong mag apply na Manager ng Basketball Team?" Nangangarap na sabi nung Girl 2.

Hanggang sa pahina na ng pahina yung mga boses nila.

I looked everywhere but him, making myself preoccupied wag lang magtama yung mga mata namin ni Alex.

Shit! Naging masama ba ako nung past life ko para isabak ako sa ganitong sitwasyon?

This is so embarrassing! Bakit kasi ngayon pa naisipan na dumaan ng dalawang malandi na babae na yon? God naman, ang dami-daming pwedeng gawing topic bakit naman sinama sama pa si Alex?

I heard Alex clear his throat. I groaned inwardly.

I have no choice but to look up at him, blushing shamelessly.

He looked at me smugly with his boyish grin. "You were saying Sweetheart?" He asked, innocently. Amusement is all over his face.

Damn him! Yabang talaga ng lalaki na to. Edi sya na ang heartthrob! Sya na ang tinitilian! Sya na ang sikat! Sya na ang gwapo! Sya na ang hinahabol! Sya na ang lahat. Ka imbyerna!

I just crossed my hands above my chest at binigyan si Alex ng sangkaterbang irap. Alex chuckled softly habang matalim pa rin akong nakatingin dito.

Ahhhhhh. He frustrates me! Sya lang talaga yung nag iisang lalaki na nakakapukaw sa lahat ng emosyon ko na matagal ko ng nilibing. Mapa bata mapa tanda, wala pa rin akong pagbabago. Kay Alexis at kay Alexis pa rin nalulusaw yung depensa ko.

Damn it!

"Bakit kasi kelangan ako pa yung mag pretend na girlfriend mo and why do you need one anyway. Too tired chasing skirts now?" Nanunuya kong tanong dito para mapagtakpan yung pagkapahiya ko.

He just laughed at me amusingly. "Sweetheart, stop your jealousy and just grant my wish. Gusto ko lang na lubayan na ako ni Carmie ng tuluyan and let just say that you're the perfect candidate for the position."

Perfect candidate? How hypocrite!

"You didn't think that way when you rejected me two years ago." Hindi ko napigilan na sabi dito. Such hypocrisy! Perfect candidate pa syang nalalaman dyan at anong problema nya kay Carmie? I didn't see any problem when Carmie shoved her tongue in his mouth a few days ago. Mukang nag e-enjoy pa nga sya ng bonggang bongga nung mga panahon na yon eh!

Regret filled Alex's eyes. "Sweetheart------"

I cut him off. "I'm just stating a fact.I 'm not asking for an explanation Alexis."

Oh shit! Wala talagang preno yung bibig ko minsan. This is so awkward! After a few minutes, I had the courage to look up at Alex.

He's staring at me with full of emotions running through his eyes. He looks so dejected.

I shake my head to clear my mind. I'm just hallucinating dahil in the first place ako ang na reject at si Alex ang nang reject. Ilusyunada much talaga yung isip ko minsan.

Magbago nalang kaya ako ng course kasi mukang mas bagay akong maging writer dahil sa creative mind ko.

I heaved a deep sigh. "Ok! I don't have a choice anyway. I'll grant your first wish." Pormal at sarcastic kong sabi kay Alex.

Genie na Genie talaga yung dating ng peg ko, kulang nalang lampara for this perfect fairy tail escapade.

Alex's eyes lit up. "Thank you sweetheart. Promise, you'll never regret this." Alex said with his broad smile ng hindi man lang pinansin yung panunuya ko.

I gave him a nonchalant shrug, and as graceful as I could muster I turned away from him.

One thing is for sure.

I'll never give him the opportunity to hurt me again!

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon