Chapter Six

71.1K 818 55
                                    


"You're such a slut." Tumatawang biro ko kay Adien habang hinahampas hampas ko pa yung balikat nito. "Kelan ka ba magtitino."

Kasalukuyan kami ngayon na nasa sasakyan ni Alex papasok sa University habang nagkwe-kwento si Adien tungkol sa mga babae nito. Sumabay nato samin para daw tipid sa gasolina.

"Obedient is the right term baby doll dahil sila ang naghahain sa harap ko, tinutuka ko lang." He's smiling from ear to ear na para bang sobrang proud pa sya sa mga pinag gagagawa nya.

I rolled my eyes in disbelief. "Man whore."

"Is this how you're going to treat your savior?" He asked, grinning like a fool.

My face heats up dahil naalala ko na naman yung muntikan ng mangyari kanina. I punched his shoulder. Tama ba naman kasing sabihin yon, eh andito lang din si Alex. Damn this crazy guy! Nanggigigil kong pinisil yung dalawa nitong pisngi ng hindi pa to tumigil sa pang inis nitong tawa.

"Hey, stop baby doll! Not my perfect face." Nakasimangot na sabi nito habang hinihimas himas yung sarili nitong pisngi. "Hindi mo ba alam na maraming iiyak kapag nasira tong perfection na to."

"Ang kapal mo-----------" Naputol yung sasabihin ko sana dito ng basta nalang tinakpan ni Adien yung bibig ko. Naiinis na pinaghahampas hampas ko yung balikat nito habang walang tigil to sa kakatawa.

"Will both of you stop it." Seryosong utos samin ni Alex dahilan para matigil ako sa paghampas kay Adien. What's wrong with this guy? Daig pa may dalaw.

"You need to get laid bro. Kulang kalang sa babae kaya nagiging bugnutin ka na." Nakangisi lang na sabi ni Adien dito, not affected in the slightest sa pagiging grumpy ni Alex.

Kulang sa babae? Eh nung isang araw lang may babaeng mukang inodoro kaya na kahalikan si Alex! Iyon ba ang kulang sa babae? Baka nasobrahan sa babae, pwede pa!

"Hindi naman nagkaka cycle yung mga nagpapa sex change pero bakit ikaw may mga senyales. It must be the hormones."

Napatingin ako sa dalawang magkapatid na napatanga lang sa sinabi ko.

Yeah, I know. I'm so weird and random. But what can I do? I'm cute this way!

After a few seconds, Adien started laughing hysterically while Alex was shaking his head with an amuse smile playing on his lips.

"Sex change? Really baby doll?" Adien pinched my cheek. "Umandar na naman yung pagka weirdo mo."

Tumingin to sa labas ng sasakyan at saka ko lang din napansin na nasa Campus na pala kami. "See you later baby doll." Adien patted my head. "Bro." Nakatango lang na paalam nito kay Alex.

Lalabas na din sana ako ng hinatak ako ni Alex pabalik sa pagkakaupo ko. He looked at me using his serious face. "Sex change, Sweetheart?" He raised his eyebrow in teasing manner.

"What? Ang grumpy mo kaya. It's not my fault if you have those signs and symptoms."

"Want me to prove to you how manly I can be?" He asked as he peered at my face, a glint of amusement visible in his eyes.

I swallowed hard. "No?"

Oh Good God Angelica! Really? Dapat talaga patanong pa?

He traced my lips with his finger in gentle way. "Next time you question my virility again, hindi lang yung mga daliri ko ang lalapat sa mga labi mo Sweetheart." He whispered as he looked at my face seductively?

Darn! Tawagin ko kaya syang bakla ngayon. Ano kayang gagawin nya? I shook my head to clear my thoughts and gulped hard. "I'll keep that in mind." I said softly.

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon