"What do you think Nixon will like?" Mahinang tanong ko kay Alexis habang nakatingin ako sa set of wristwatch na nasa harap namin.
"Girls?"
Napatingin ako dito sa pagkabigla.Tinaasan ko ng kilay si Alexis na akala mo kung sinong inosente kung makatingin sakin.
"What?" Maang maangan pang tanong nito.
"Really Alex? Girls?" I shook my head.
"Hey, It's Nixon." He shrugged his shoulders dismissively.
Oh well. When he said it that way, he's right, it's Nixon ~the playboy and womanizer. Malamang talaga ang unang papasok sa isip nito babae. Napailing nalang ako. Boys can be so stupid sometimes.
"Come on sweetheart, just pick anything you like. He will love it. Addict si Nixon sa wristwatch." Nakangiti na turo nito sa mga relo na nasa harap namin habang pumupulupot yung isa nitong kamay sa bewang ko.
Binalik ko nalang yung tingin ko sa estante na nasa harap namin para hindi makita ni Alex yung pamumula ng pisngi ko. Kanina ko pa napapansin na kung hindi nakaakbay, nakahawak si Alexis sa bewang ko na para bang doon lang dapat mag stay yung mga kamay nito.
Nagkibit balikat nalang ako at tinitigan isa isa yung relos na nasa estante.
"I want this one." Tinuro ko kay Alexis yung wristwatch na nasa dulo. "But it's so expensive, kulang yung budget ko." Nakalabi akong tumingin dito. "Ano pa ba yung gusto ni Nix aside from wristwatch?"
Kung naguguluhan kayo kung bakit ako kay Alexis nagtatanong eh ako yung pinsan? Simple lang ang sagot dyan. Mas close si Alex kay Nix kesa sakin dahil na rin siguro sa gender, age and preference. Sabi nga nila birds of the same feather flock together. They're both playboy and girl magnet. Natatandaan ko pa nga dati, tawag ko sakanila The Three Musketeers. Si Alex, Adien and Nixon. Pare-pareho kasi silang takaw pansin tapos kung maka gwardya pa sakin daig ko pa prinsesa sa pagka OA.
"I can pay for it, regalo nalang nating dalawa kay Nixon." Pukaw ni Alexis sa iniisip ko.
"What?" Naguguluhan akong tumingin dito.
Bago pa ko makapag protesta, tinawag na ni Alexis yung sales lady at tinuro yung wristwatch na gusto ko.
Naiinis na hinintay ko nalang si Alexis sa labas habang nagbabayad siya sa cash register.
Kainis talagang lalaki nato! Basta basta nalang nagde-desisyon ng hindi hinihintay yung sasabihin ko.
"Come on, sweetheart." Nakangiti na sabi nito pagkalapit na pagkalapit nito sa kinatatayuan ko.
Naiinis na inirapan ko lang to.
He grabbed my arm and peered at my face. "Are you angry? Why?"
Nagtanong pa talaga! "I can buy my own gift for Nix. Bakit kelangan na mag decide ka para sating dalawa?"
"Oh. Iyon lang ba." He waved his hand casually na para bang hindi naman big deal yung ginawa nya na mas lalo kong kinainis.
Before I snap at him inakbayan na nya ko. "Everyone will know that you're my girl kaya ok lang na isa nalang yung gift natin. Join force naman yung nangyari, your choice, my money. Simple as that. Kaya sweetheart wag kana magalit." Masuyong sabi ni Alex pagkatapos halikan yung noo ko ng paulit ulit.
Napabuntong hininga nalang ako habang nararamdaman ko yung pamumula ng pisngi ko. Pano ba naman ako patuloy na magagalit kay Alexis kung ganito yung ginagawang arte ng lalaki nato. Daig pa ngumata ng sandamukal na asukal sa pagka sweet.
"Fine. Pero next time, don't do that again." I said and jabbed my pointed finger against his chest.
"Promise." He squeezed my shoulder one more time bago ako nito pinakawalan.
"Sweetheart wait." Hinawakan ni Alex yung kamay ko para pigilan ako sa paglalakad. "Can we buy something for Trixie?" Nakangiting turo nito sa Toy Store na nasa harap namin.
Trixie is my cousin who's only five years old. I looked up at Alexis. "You really like her huh, Mr. Prince Charming?" I said with a grin and nudged him with my elbow.
Prince Charming kasi yung tawag ni Trixie kay Alexis so I often tease him about it.
He gave me a lopsided smile. "No need to be jealous, sweetheart. You're still my number one girl." He said amusingly and kissed my cheek na kinapula ko ng sobra.
I rolled my eyes, still blushing furiously. "Ewan." Nakairap ko lang na sabi dito habang nauna na akong naglakad papasok sa Toy Store na nasa harap namin.
Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Alex sa tabi ko habang mahigpit nitong pinipisil yung kamay ko. Napailing nalang ako sa playful mood ni Alexis. Nagsisinungaling lang yata sakin si Adien ng sinabi nya na bugnutin si Alex nitong nakaraang araw dahil wala akong makita miski katiting na trace sa pagiging grumpy ni Alex na katulad ng sinasabi ni Ade kanina.
Pupunta na sana kami sa Disney Section ng mapadaan kami ni Alex sa Stuff Toys Display at makita ko yung staff toy na kamukha ni Ryoma Echizen. Nanlaki yung mga mata ko sa tuwa at kinuha ko agad sa estante si Ryoma. "Alex, look." Nakangiti akong tumingala dito. "It's Ryoma." Winagayway ko sa kanya yung mini version ni Ryoma. "He's so cute." Nakangiti na sabi ko habang tinititigan ko si Ryoma.
Narinig ko yung mahina nitong pagtawa, naramdaman ko na mas lumapit pa to sakin, yung tipong naka glue na sya sa gilid ko habang mahigpit pa rin nitong hawak yung isa kong kamay. "Para kang bata."
"Hey! I'm mature enough." Umirap ako dito habang ngumisi lang to sakin kaya natatawa kong siniko yung gilid nito.
Natatawa din nitong kinuha si Ryoma sa kamay ko. "Yeah, so mature for someone who loves anime so much." He said with a grin and poked me with it.
I gasped, pretending to look offended. "Hey anime rocks."
He just laughed at me while shaking his head. I laughed with him but stopped abruptly when I noticed that we're catching so much attention.
He's so beautiful lalo na pag ganito yung aura nya. I really love his smile.
"Are you embarrassed?" He asked amusingly ng palihim ko tong siniko at pasimple akong tumingin sa paligid namin.
"Takaw pansin kasi yung tawa mo. Kakahiya." Natatawa kong tukso dito.
"We both know that's not true. Hindi yung tawa ko yung dahilan kaya nila ko napapansin. Masanay kana Sweetheart, you're my girl now. Isa to sa laging mangyayari dahil nagkaroon ka ng gwapong boyfriend." Nakangisi na sabi nito.
"Kapal." Natatawa kong tinampal yung dibdib nito.
Natatawa nitong kinuha yung kamay ko na nasa dibdib nito kaya dalawang kamay ko na yung hawak ni Alexis.
He rest his forehead against mine. Nawala yung ngiti sa mga labi ko habang seryoso at kinakabahan akong tumitig sa mukha nito.
Nakita ko na nawala din yung ngiti sa mga labi ni Alexis habang buong suyo nitong tinititigan yung mukha ko.
Cupid! How can you be so mean? Hindi ba pwedeng panain mo naman yung puso ni Alex at wag naman yung puso ko palagi, kaya nagkakalasug lasog yung puso ko eh.
Feeling ko literal na natigil yung paghinga ko ng nilagay ni Alex yung mukha nito sa balikat ko habang mahigpit pa rin nitong hawak yung dalawa kong kamay.
"I missed you sweetheart." He whispered in my ear as he squeezed my hand tighter.
Napabuntong hininga nalang ako. "Same here." Pabulong at masuyo kong sagot dito habang dahan dahan nya akong nilalayo sa kanya.
Mixed emotions.
Iyon yung nakikita kong naglalaro sa mga mata nito at sigurado akong nagre-reflect din yon sa mga mata ko.
We kind of stood there staring at each other. There's no use in denying it. Tama nga yung kasabihan na First love never dies.

BINABASA MO ANG
DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer) (PUBLISHED) (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong tanong nito. "Yes." Napapalunok kong sagot dito. ********* I've been in love with him since forever. H...