"Baby doll. Come on, we're gonna be late. Andon na daw sila Mama at Tita Marge sa Restaurant."
Tinignan ko lang si Adien at pinagpatuloy ko yung walang pagmamadali kong kilos. May usapan sila Mommy at Tita Rose na mag di-dinner ngayon at syempre kasama kaming tatlo nila Adien. Sila Papa at Tito Ricky naman parehong nasa business trip pa.
"What's wrong with you? Ano bang nangyari sa pag uusap nyo ni Kuya at nagkakaganyan ka?" Curious na tanong sakin ni Adien habang sinisipat nitong mabuti yung mukha ko.
Padabog kong sinara yung locker ko bago ako tumalikod ng hindi tumitingin kay Adien.
Speaking of Alexis, Lintik na lalaki na yon! Hindi naman yung pag uusap namin yung kinakagalit ko eh.
Ang kapal ng muka ng Alexis na yon na gawin akong fake girlfriend tapos tumalikod lang ako ng ilang minuto may kinakalantari na syang iba at ang malupit pa yung Carmie na yon pa yung nakita kong kalandian nya!
Damn him! May nalalaman pa syang "gusto kong lubayan na ko ni Carmie ng tuluyan." I rolled my eyes. Napaka impokrito talaga!
Damn him! Damn him! Damn him!
"Baby doll." Nakakunot noo na inakbayan ako ni Adien.
Pakiramdam ko lahat ng lakas ko parang hinigop paalis sa katawan ko nung nag flashback sakin yung nangyari kanina kaya nanghihina nalang akong napasandal sa balikat ni Adien.
Flashback
"Shit! Nakalimutan ko pala yung rules sa gagawin naming pagpapanggap. Baka mamaya feeling close yung drama ni Alexis mabuti na yung sigurado." Hindi ko napigilan na bulalas, pagkatapos kong mapahinto sa paglalakad papunta sa klase ko.
Nagmamadali akong bumalik sa locker room ng basketball team kung saan ko iniwan si Alexis.
Sana hindi pa sya nakaka alis. Kasi naman kung anu-ano yung tumatakbo sa isipan ko kanina kaya hindi na ako nakapag focus sa pinaka issue.
Nakabukas ng konti yung pintuan ng locker room, ibubukas ko na sana to ng tuluyan ng may narinig akong boses ng babae sa loob kaya yung kamay ko natigil sa ere.
Curious akong sumilip sa siwang at nakita ko si Carmie na nakasampay yung mga braso sa magkabilang balikat ni Alexis.
Hindi ko na pinakinggan pa yung conversation nila at nagmamadali na akong umalis.
For the nth time, parang kinurot na naman yung puso ko pero wala pa ring makakatalo sa sakit na naramdaman ko two years ago. I guess, dapat pa akong magpasalamat kay Alexis kasi masyado nyang nilasog yung puso ko nung mga panahon na yon kaya parang kagat nalang ng langgam yung nakita ko ngayon. Yon nga lang pakiramdam ko sangkaterbang langgam yung kumakagat sa puso ko.
Kakasabi ko lang kanina na hindi ko bibigyan ng opportunity si Alex na saktan ako pero tignan mo naman ako ngayon?
The worst part is I keep falling in love with him again and again and find myself like this-weak and pathetic!
Kelangan ko na ba talagang mag search sa Google ng How to get over a guy who doesn't care about you para matigil na yung ilusyon ko?
"Baby doll?"
Naputol yung pagdadrama ko ng nagsalita si Adien. Napatingala ako dito at napakunot noo kasi yung tingin sakin ni Adien, blangko at seryoso na napaka dalang mangyari.
Bago pa ko makapagtanong nagtaka ako when Adien suddenly grabbed my waist and rested his head in the crook of my neck.
"Ade?" Nagtataka at naka kunot noo kong tawag sa pangalan nito.
Anong nangyari dito sa lalaki nato at biglang umarte ng ganito?
"Hmm." Adien murmured as he held my waist tighter.
"Come on Ade, akala ko ba male late na tayo." Nakataas yung kilay kong paalala dito habang hinahagod hagod ko yung likod nito. Baka pagod lang sa training kaya umaarte ng ganito tong si Adien.
May pagka spoiled pa naman tong lalaki nato.
"Just stay like this for a while baby doll."
Bago pa ko makasagot, may bigla nalang humila sakin mula sa pagkakayakap ni Adien.
Naguguluhan at nagtataka akong tumingin sa gilid ko. "Alex." Medyo napalakas na sabi ko sa pangalan nito.
What's wrong with him? Kung maka kunot noo parang wala ng bukas at bakit ang sama ng tingin nya kay Adien?
Have I missed something? Bakit pati si Adien masama yung tingin kay Alex?
Ade suddenly smirks at Alex habang pasimple akong kinindatan. "Always the party popper." Adien said at Alex with his arrogant tone and smirking face.
Alex looked at Adien with his straight face kaya hindi ko mahulaan kung ano yung tumatakbo sa isip nito.
Alex released my hand at hinatak nalang ako lalo papalapit sa katawan nito sa pamamagitan ng pagyakap sa bewang ko.
Hindi ko maiwasang mamula at mataranta sa ginawa ni Alexis. "Alex." Nahihiya at nanggigigil akong tumingala dito.
Saka lang inalis ni Alexis yung tingin nito kay Adien para tignan ako. "Yes, Sweetheart?"
"What are you doing?"
He raised his eyebrow and grinned at me. "What? Masama bang yakapin ko yung girlfriend ko?"
Parang tinakasan ng dugo yung mukha ko sa sinabi nito. Damn him! Wag nyang sabihin na pati kay Adien mag papanggap kami.
I heard Adien cleared his throat. "Girlfriend?" Adien asked in his dangerous tone.
I gulped hard. This is the first time na nakita ko si Adien ng sobrang seryoso. Sanay kasi ako sa playful mood ni Adien but not the serious one! Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan at mataranta. May pagka protective pa naman tong lalaki nato. Damn it! Bakit kasi kelangan pati si Adien artehan namin? Hindi naman sya si Carmie.
Ohh right. Si Carmie! How dare him na yakapin ako pagkatapos nyang yakapin yung mukang inodoro na babae na yon.
Mamaya magkaroon pa ako ng sakit ng dahil sa makiri na yon. Hindi ba pwedeng maligo muna sya ng alcohol bago nya ako hawakan? Hindi ba nya alam yung salitang "disinfection."
Naiinis kong tinulak si Alexis pero mas humigpit lang yung pagkakayakap nito sakin. Shit! What's wrong with these Del Franco Brothers? Muka ba akong unan at ang hilig nilang dalawa na yakapin ako?
"Yes. Girlfriend. She's my girl now. Any problem with that little bro?" Alex asked Ade with his smug and confident smile.
Ok. Last resort. Pwede ko bang saktan tong lalaki na to? What's with the smug and confident smile?
Nakakaloka!
Ade face lit up at nawala yung dark aura nito. "Nothing Kuya but I think si baby doll meron." Ade said with his cool posture habang amuse na nakatingin sakin.
He threw Alexis a knowing smile habang nawala naman yung ngiti sa mga labi ni Alexis at matalim ng nakatingin kay Adien.
"I better go, mauna na ako sa inyo sa Restaurant." Ade said casually pero bago pa to lumakad ng tuluyan lumingon pa ulit to saming dalawa ni Alexis.
"I think, you need to propose first Kuya. Muka kasing walang ka alam alam yung girlfriend mo na girlfriend mo na sya." Nakangisi nitong sabi kay Alex bago nito nilipat yung tingin sakin. "Don't worry baby doll, I'll save you." He winked at me.
What was that? Asan na yung over protective na best friend ko? Napatanga nalang ako habang sinusundan ng tingin si Adien na pahuni huni pang naglalakad palayo samin ni Alex.
![](https://img.wattpad.com/cover/5828249-288-k432065.jpg)
BINABASA MO ANG
DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer) (PUBLISHED) (COMPLETED)
Teen Fiction"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong tanong nito. "Yes." Napapalunok kong sagot dito. ********* I've been in love with him since forever. H...