Memory Entry 16: Use Somebody

32 2 0
                                    

June 20, 2014 (Friday)

Charlotte's Memory

"Sorry!"sabi ko sa ika-sampung taong nabangga ko ngayong araw.

Muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko, malamang tumatawag na naman si Jen o ang isa sa banda. Hinayaan ko lang ito at hindi sinagot, tiyak namang tatawag ulit ang mga iyan maya-maya. Every fifteen minutes nilang ginagawa ito for the past hour.

Naranasan nyo na bang mainis nang todo sa professor nyo na kulang na lang ay ilibing nyo sya ng buhay? Let me tell you, muntik na akong maging mamamatay tayo kanina.

Dámn that professor! Pumasok sya nang thirty minutes late at pagkatapos ay sya pa itong may ganang mag-extend ng oras para daw makabawi. Galing daw kasi siya sa isang meeting. Siya lang ba ang may appointment? At dahil sa kanya kaya ako nagmamadaling umalis ngayon.

Gaaaah! I am so late for our rehearsal. Tiyak dudugo na naman ang tenga ko mamaya dahil sa sermon ng Angels. Nagmamadaling lumiko ako nang madaaanan ko ang shortcut papuntang parking lot. Lord please, sana walang traffic ngayon. Ayoko pa pong mamatay.

Medyo maputik ang daan kaya napilitan akong magdahan-dahan. Dati kasi itong bakanteng lote sa likod ng Admin Building na ginawa nilang parang garden. Mga kaartehan ng school na ito na kahit kailan ay hindi ko maiintindihan. Sana ginawa nalang nilang extension ng Admin para mas may pakinabang pa.

Habang papalapit ako ay may naririnig akong nag-uusap. Sa tono ng pananalita nila mukhang nag-aaway sila. But dámn, I don't care! Nagmamadali akong tao kaya bahala sila sa problema nila sa buhay, may sarili rin akong problema. Pero habang palakas nang palakas ang boses nila, parang mas lalong nagiging pamilyar ang boses nila.

Ilang hakbang na lamang ako sa parking lot nang makita ko sila. At ang good news ay nakaharang sila sa dadaanan ko. And yes, tama nga ako, kilala ko sila.

"What did you just say?" madramang tanong ng babae.

Maririn syang tinignan ng kasama nya, "You heard it. Don't play dumb on me, Ava."

"I can't believe it! You can't do this to me!"

"I can and I just did."

Caught in the act sa kalandian nya si Ava Santillian. Isa sya sa mga sikat na artista ngayon ng isa sa mga leading network ng bansa. At dahil nga magaling syang artista, paniwalang-paniwala nya ang mga tao na isa syang santo sa likod ng camera. Lagi syang nakikita sa mga charity event, fund raiser activities at kung anu-ano pang kaartehan nya sa buhay. Ang hindi nila alam, Santasantita itong bruhang ito.

At isa sa pinagmamalaki nya ay ang boyfriend nyang si Israel Capistrano, ang frontman at bokalista ng Sweet Serenade. Naturingan itong 'rival band' namin dahil na rin sa madalas na iringan ng mga fans namin. Madalas rin kaming pinagtatapat kapag may music awards o kung ano mang pakulo ng management namin.

Hindi kami close ng SS pero magkakakilala kami. Ang tangi ko lang masasabi ay civil ang dalawang banda sa isa't-isa. Mahirap na maging magkaaway kami dahil magbest friends ang mga manager namin.

Speaking of manager... shít, kailangan kong makaalis dito agad dahil late na late na ako! At nakaharang sila sa dadaanan ko. Goddámnit! Bahala na nga! Umalis ako sa likod ng puno na saglit kong pinagtaguan habang nagbabakasakaling matatapos na agad ang LQ ng dalawang ito at nang makaalis na ako agad. Pero sa kaso nila, at dahil na rin sa kaartehan ni Ava, mukhang matatagalan pa ang mga ito. Doon nalang siguro ako dadaan sa may gilid at nang hindi ko na sila maabala.

Iyon nga ang ginawa ko pero leche mukhang malas yata ako ngayong araw na ito.

Habang naglalakad ako ay may biglang tumalon sa paanan ko. Naka-slip on pa naman ako ngayon kaya ramdam na ramdan ko nang biglang nabasa yung paa ko. Of all the things, bakit ito pa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon