Memory Entry 15: Sad, Beautiful & Tragic

12 1 0
                                    

August 29, 2014 (Friday, 2:40 am)

(Charlotte's Memory)

Tama nga ang sabi nila, nakakalimot ang alak.

Hindi ko na namalayan ang oras, o kung naka-ilang baso/bote na ako ng alak. At wala rin akong pakielam. Basta ang alam ko lang, hindi ako nasasaktan. Hindi ako naguguluhan. Masaya akong tumatawa kasama ng mga kaibigan ko. Kahit ngayong gabi lang, naging normal ako. Nakalimot ako.

Maingay pa rin sa loob ng club at mukhang nasa kasagsagan pa lang ang mga tao sa kasiyahan. Hindi na ako lumipat pa ng table dahil ayaw na rin akong paalisin ng mga kasama ko. At ayoko na ring umalis. Nakakapagod rin palang makipagplastikan kahit lasing.

"O, inumin mo muna to." Kinuha ko ang inabot ni Shawn na baso.

Clear ang laman nito at walang amoy. Ininom ko yon, tubig pala ang laman ng baso. Doon ko lang narealize kung gano ako kauhaw. Mabilis kong naubos ang laman niyon.

"Thanks," ani ko sabay halik sa pisngi ng lalaking nakaakbay sa akin.

Isa pa ito sa dahilan kung bakit nagpasya akong manatili sa table na ito. Dahil alam kong tunay kong mga kaibigan ang kasama ko. Bahagya kong naalala ang banda, siguradong hinahanap na nila ako ngayon. Hula ko pa nga ay tadtad na ng texts at missed calls ang cellphone ko. Too bad, sinadya kong iwan ito sa kwarto bago ako umalis kanina.

"Umuwi ka na kaya, Char? Ang dami mo nang nainom."

Napahalakhak ako at tinapik ang kamay nyang nakaakbay sa akin. "Aym f-fayn, Shaaawn. Hindi pa ako lashing."

Kinuha ko ang isang bote ng Jack Daniels na nasa lamesa namin at nagsalin sa baso ko. Medyo umiikot na nga ang paningin ko, dahilan pa matapon ng kaunti ang alak sa lamesa. Napatawa na lang ako sa katangahan ko. Nang mapuno na ang baso ay itinaas ko ito.

"Cheers!"

Kanya-kanya namang taas ng baso at bote ang mga kasamahan ko. "Cheers!!"

Akmang iinumin ko na ang alak nang mapansin kong natahimik ang mga kasamahan ko. Nag-angat ako ng tingin, lalo na nang may maramdaman akong nakatingin sa akin.

Doon ko sya nakita, nakatayo sya sa may entrance ng private booth namin. Magulo ang buhok nya, hindi yung tipong sinadya kundi iyong frustrated sya kaya ilang beses nyang sinasabunutan ang sarili nya. Napansin ko ring medyo lukot ang suot nyang plaid polo shirt, nakabukas ang unang dalawang butones nito.

Pero ang mas nagpatindig ng balahibo ko?

Yung mga mata nya. Nagababaga ang mga ito pero habang tumatagal ay unti-unting lumalamlam ang pagtingin nya. Hindi ako sigurado pero tingin ko ay napabuntong hininga sya nang makita ako.

Hindi nya inalis ang tingin nya sa akin, at hindi rin sya lumapit, habang sinasagot ang tawag sa telepono nya. Hindi ko alam kung sino ang kausap nya, o marinig kung anong sinasabi nya, subalit bahagyang umigting ang bagang nya habang pinakikinggan ang sagot ng nasa kabilang linya.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Wala nga pala akong pakielam sa kanya ngayong gabi. Wala akong pakielam sa mundo ngayong gabi. Nandito ako para maglasing. At dahil sa pagdating nya, nabuhusan ako ng malamig na tubig sa ikalawang pagkakataon. Kaya kailangan ko ulit magpakalasing. Kailangan ko ulit makalimot.

Tahimik lang ang mga kaibigan ko. Tinignan ko sila. "O, bakit? Huwag nyong sabihing tapos na ang party. Nagsisimula pa lang ako." Itinaas ko muli ang baso ko at ngumiti. "Cheers!"

Mas lalong napalawak ang ngiti ko nang isa-isa nilang tinapik ang baso nila sa akin. Hindi ko nalamang pinansin ang makahulugang tingin nila. Isahan kong nilagok ang alak sa baso ko at muling nagsalin nang maubos ko iyon.

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon