Memory Entry 5: Inch by Inch

44 0 0
                                    

Memory Entry 5: Inch by Inch

August 2, 2014 (Saturday)

                (Charlotte's Memory)

                "Stay. Please, just stay for a while."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong estatwang nakakulong sa bisig ni Ayel. Kung normal na araw siguro baka tinawanan ko lang siya at kinurot sa tagiliran. Pero, bigla akong nilayasan ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha.

Kaya ang tanging nasabi ko nalang ay, "Okay."

Partida, hindi pa ako nautal. Salamat naman.

Mga five minutes din siguro kaming nakatayo sa ganoong posisyon. Hindi na ako gumalaw-este hindi pala ako makagalaw. Ewan ko, para akong pinanawan ng ulirat na ewan. Basta hindi ko maipaliwanag.

At saka, masarap rin sa pakiramdam na yakap ako ni Ayel.

Pero syempre never kong sasabihin sa kanya iyon. Masyado nang malaki ang ulo nya, huwag nang dagdagan pa. Baka category five hurricane ang sumalanta sa Pilipinas kapag nagkataon.

                "Uh, baka gusto mong uminom na ng gamot? Mukhang nagdedeliryo ka na naman. Namiss mo ko no?" sabi ko sa kanya. Hindi ko na kasi talaga kaya. Nangangawit na ako.

At masyado nang awkward ang paligid. Take note, shirtless sya at nakayakap sa akin. Kamusta naman kung hindi maging awkward di ba?The feel of those rippling muscles on my back. OH MY GOD, bastos ka brain! SHUT UP NGA!

Napatawa naman sya ng mahina pero hindi sya umalis sa pagkakayakap sa akin. Ang ginawa nya, isinubsob pa nya ang mukha nya sa leeg ko. "Hindi ako nagdedeliryo."

                "Sus. Maniwala. Oy, tsansing ka na tama na yan."

                "Five more minutes, please?" humigpit pa ang pagkakayakap nya sa akin. "Ganto na lang muna tayo."

Napangiti ako. Oo malakas ang loob kong ngumiti kasi alam kong hindi nya ako nakikita. Mamaya kung ano pang isipin nyan. Sana nga ganto na lang kami. Sana nga hindi na matapos ito.

Teka nga, ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Spur of the moment? Freudian slip? Leche, buti nalang hindi mind reader tong kasama ko.

                "Aba, abusado ka na ah."

                "Minsan lang namang magrequest."

                "May bayad ang mga yakap ko. Tapos na ang free trial, alis na."

                "Tss, sungit." Kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin. Akala ko pa naman...

Ah, wala wala. Nababaliw na yata ako.

Bago pa man kami sapian ng kung anong espiritu, bumalik na ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Si Ayel naman naka-upo na doon sa sofa at kumakain ng dala kong take-out. Inilapag ko sa tabi nya yung baso tapos pinatay ko na yung Xbox nya. Aksayado talaga sa kuryente tong mokong na ito.

Hininaan ko na rin pala yung aircon dahil paka pulmonya ang abutin nya. Ayaw pa rin kasing magsuot ng t-shirt. Masyadong proud sa katawan nyang may abs.

                "Hey, sorry sa nasabi ko kanina." sabi nya habang kumakain. "I didn't mean it that way."

                "Alin? Yung 'You need me too much to do that' spiel mo?"

                "Marlotte..."

                "Ayel, hindi ako ulyanin. Alam ko yung usapan natin at hindi mo kailangang ipaalala sa akin maya't-maya. Malurit ka kasi, nakakainis."

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon