Memory Entry 1: Mess We've Made

189 3 1
                                    

Sa  aking mga readers, please don't hate me. Please tell me kung Havey or Waley. Salamat!

Memory Entry 1: Mess We've Made

                Hindi ko alam kung papaano magsisimula. Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong sumapi sa akin para kunin ang laptop ko at simulang isulat ang kwento namin. Siguro para na rin may mabalikan ako kung sakaling maulit muli yung nangyari sa amin dati. Para kapag nagreformat ulit yung utak ko, at least naka-save sa isang hard drive ang mga bagay na dapat kong maalala.

                Pero sigurado naman ako, kapag nangyari iyon, babalik at babalik pa rin ako sa kanya. Ganun naman iyon, di ba? Kung kayo talaga, sa piling lang ng isa't-isa ang ending nyo. Kasehodang magka-amnesia kayo o mag-ala Romeo and Juliet sa dami ng obstacle course na pagdaraanan nyo, keri lang yan! Basta ang mahalaga, hindi kayo susuko. Mahalin nyo lang ang isa't-isa, kakayanin nyo yan.

--XX--

June 27, 2015 (Saturday)

                (Charlotte's Memory)

Naupo ako sa damuhan, niyakap ang mga tuhod ko at pinagmsadan ang full moon sa kalangitan. Ang liwanag ng buwan ngayong gabi pero magkagayon man, hindi pa rin iyon sapat para tuluyang mabalot ng liwanag ang buong paligid. Mag-isa lang kasi siyang nagbabantay ngayong gabi. Napakalinis ng kalangitan, walang mga bituin.

Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon. It seems like alam ng katawan ko sa tuwing nasa malapit sya.

I'd been so strong for so long,

I could handle everything.

Now that you've gone through that door,

I can't see anything.

Ooooooh

I swallow my pride

Ooooooooh

Nothing's the same.

                "Alam mo, bilib ako sa buwan." Sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa kalangitan. "Kasi kahit mag-isa sya dun sa langit, nagagawa pa rin nya yung trabaho nya. Malungkot mag-isa pero hindi sya nagrereklamo at patuloy lang syang nagbibigay liwanag sa atin."

                "Hindi naman sya mag-isa. Nandyan naman ang mga bituin para samahan sya."

                Saglit akong tumingin sa kanya at ngumiti ng marahan bago ako bumalik sa panunuod sa buwan. "Naalala ko noong bata ako may kinuwento sa akin si daddy tungkol sa araw, buwan at mga bituin. Para syang alamat. Sabi ni daddy, napakaganda raw ni Buwan noong nabubuhay pa ito sa lupa. Marami raw siyang tagahanga saka mga kaibigan kasi ang bait-bait nya.

                "Si Araw naman, sya yung masasabi mong dream guy ng mga kababaihan. Mabait, gwapo, talented at matapang. Lahat-lahat na ng magagandang katangian nasa kanya. Katulad ni Buwan, ang daming masugit na tagahanga ni Araw. Kung liberated nga lang daw ang mga babae noon baka pila-pila na sila sa pangliligaw sa kanya. Pero alam mo? Lahat ng atensyon ng kababaihan balewala kay Araw kasi para sa kanya, isang babae lang ang mahalaga. Si Luna."

                "Si Buwan?"

                Umiling ako. "Hindi. Panganay na kapatid ni Buwan si Luna." I sighed. "Mahal na mahal nina Luna at Araw ang isa't-isa. Alam iyon ng buong baryo nila at sa katunayan nga ay nag-iintay na sila kung kailan ikakasal ang dalawa.

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon