Memory Entry 12: I Miss You

10 0 0
                                    

August 27, 2014 (Wednesday)

               (Aldey’s Memory)

Hindi alintana ni Aldey ang pagod, tuloy lang sya sa pag-pose habang abalang-abala ang mga tao sa pag-aayos ng mga kakailanganin nila. Rinig na rinig nya ng bawat click ng camera, ang bawat papuri ng baklang photographer nilang si Lilo, at ang mga impit na tili ng fans club nyang nasa isang sulok ng warehouse kung saan ginaganap ang photoshoot nila ngayon para sa bagong advertisement ng Folded & Hung.

Pero wala syang pakielam sa lahat ng iyon.

Wala roon ang isip nya, bagkus ay naglalakbay ito patungo sa isang taong ilang araw na nyang hindi nakikita. Si Charrie.

He missed her, so much. Alam nyang nagtatampo sa kanya ang dalaga kahit hindi nito sabihin. Kabisado nya si Charrie mula ulo hanggang paa. Alam nya lahat ng mga bagay na gusto nito, ang mga pagkaing paborito nitong kainin at ang mga bagay na kinaiinisan nito. Minsan nga, mas kilala pa nya ito kaysa sa sarili nya. He knows how childish she can be. He likes how sweet she is, how thoughtful. And he loves the feel of her soft, fragile body against his.

He knew his plan worked. Sapat na ang reaksyon ng dalaga bilang patunay na apektado ito. Na may nararamdaman rin ito para sa kanya. He knows that she loves that stupid boyfriend of his. But now, he’s sure that Israel is not the only guy she loves. At ang kaalamang ito ang nagbibigay sa kanya ng katiting na pag-asa.

Pag-asa na mahal rin sya ni Charlotte.

A petty assumption, sabi nga ni Joy.

Ahh, si Joy. Now that’s a feisty irritating girl. At sa malas nya, anim na araw na nyang kasama ang dalaga. Anim na araw na rin syang nagpipigil pumatay ng tao.

“Aldey, look at Joy! I need a smothering look!” sigaw ni Lilo.

Wala syang choice kundi ang sumunod. Tumingin sya sa dalagang napakapatong ang siko sa balikat nya. He is a professional model and no matter the animosity between the two of them, hindi nya makakailang magaling na model ang dalaga. So he did what he had to do. Aldey turned to Joy and imagined she was someone else. A certain doe-eyed girl with childish whims.

“Thaaaat’s eeeet! More Mon chere!”

Pinigilan nyang mapabuntong hininga. And he saw Joy trying her best not to laugh. Hindi na nya napigilang mapangiti, na sinundan naman ng pagtawa ng dalaga. At kasunod nito ang marahas na pag-click ni Lilo sa camera habang sinusubukan ng baklang photographer na ma-capture ang moment ng dalawa.

Kung matatawag mo nga ba talagang ‘moment’ iyon. For them, it was simply a brief flash of camaraderie between colleagues.

Finally natapos rin ang isang linggong photoshoot para sa bagong ad campaign ng F&H pati na rin ang ilang shoot for magazine covers. Hindi nga lang ma-gets ni Aldey kung bakit lahat ng racket nya ay kailangang kasama si Joy. Hindi naman sila parehas ng manager o kahit man lang ng modelling agency.

Inilalagay na nya ang maliit na duffle bag sa trunk ng kotse nya nang may lumanding sa tabi nitong kulay pulang overnight bag. Tinignan nya ang pinanggalingan nito.

“Please leave me alone, Alcantara,” sabi niya. “I’m not in the mood.”

She turned to him, eyebrows raised. “What? Wala naman akong sinasabi. Makikisabay lang naman ako.”

“May sarili kang kotse.”

“Bakit, sinabi ko bang wala? Hindi ba pweding masira ang kotse ko?”

 “Paano ka nakarating dito kung ganon?”

“I rode with Lilo. Kaya lang pa-New Manila na ang bruha. Sa Makati ako nakatira, alangan namang sumabay pa ako sa kanya.”

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon