Memory Entry 10: Perfectly Imperfect

36 1 0
                                    

August 9, 2014 (Saturday)

               (Charlotte’s Memory)

“A-Ayel..”

“Shh…”

“Ayel, tama na. Masakit.”

“Konti na lang…Ugh.”

“Hindi kasya. Huwag mo nang ipilit! AYEL MASAKIT. Let go.”

“Magtiis ka lang sa una lang talaga masakit yan. Kasya yan, sandali na lang.”

“AYOKO NA! Umalis ka na, hindi nga kasya!”

“Nakapasok na! Konti na lang kasi, eto na!”

“HUWAG MONG IPILIT HINDI NGA KASI KASYA!”

Kanina pa ako naiirita dito sa mokong na ‘to. Ang kulit ng ngala-ngala nya eh! Ilang beses ko nang sinabing hindi kasya, nagpupumilit pa rin syang ipasok! Tang in a lungs naman, ang hirap nyang umintindi. Sa kanya ko ipasuot yun eh nang malaman nya ang pinapagawa nya sa akin.

Halos maiyak na ako sa inis at sakit pero ayaw nya paring tumigil. Hindi ko naman sya maitulak palayo dahil ang bigat-bigat nya.

Sino ba naman kasi ang nakaisip na gawin ito? At anong pinagsasasabi nilang masarap? Pagbuhulin ko silang lahat eh! Ang sakit-sakit kaya, ang init pa dito. Parehas na kaming basa ng pawis , amoy suka na kaming dalawa.

“ANAK KA NG NANAY MO ISRAEL, AWAT NA MASAKIT SINABI!”

“HUWAG MO KONG SIGAWAN! ANG KJ MO KAHIT KAILAN.”

“HINDI AKO KJ. MAHIRAP KA LANG UMINTINDI!”

“ARAY! TANGINA, AWAT NA! ANO BA?!?”

“ANG KULIT MO KASI! DAPAT LANG SA’YO YAN!”

“OO NA! TAMA NA! ARAY! MARLOTTE TUMIGIL KA!”

Umayos sya ng pwesto. Mabuti naman dahil malapit na akong maipi sa pwesto naming dalawa. Nakahiga ako sa sahig, nakakubabaw naman sya sa akin. Walang ibang ilaw dito sa loob mayliban sa isang nakabukas na lampshade sa may sulok.

Hindi ko lang sinasabi kay Ayel pero takot talaga ako sa dilim. May phobia ako sa dilim. Claustrophobic din ako. At alam ko, ano mang sandali, magbe-breakdown ako kapag hindi pa ako nakalabas dito.

Hoy kayong mga kakulay ni Shrek ang utak, huwag kayong mag-isip ng mga out of this world na bagay. Ano ba kasing ginagawa naming dalawa? Wala. Pilit lang naming tinatanggal yung posas sa kamay namin. Yung mga balasubas kasi naming mga kaibigan, napagtripan kaming dalawa.

School fair kasi ngayon at dahil doon ay wala kaming klase. Isang buong araw lang kaming tambay. Naging parang small carnival yung buong university dahil sa dami ng booth at rides na nagkalat. And speaking of booths, andito kami sa isang bakanteng classroom. Sapilitan kaming pinosasan ni Aldrin  at ipinagtulakan dito.

Simple lang naman ang rule ng laro. Ikukulong kayo sa isang bakante at madilim na classroon for five minutes para hanapin yung susi ng posas nyo. Take note, parehong kamay namin ang may posas at magkaconnect iyon sa pamamagitan ng isang padlock. Kapag nahanap mo yung susi ng padlock, tatanggalin nila yung posas. Kapag hindi, buong araw nakaposas yung tig-isa nyong kamay sa isa’t-isa.

At dahil sa magaling itong boyfriend ko, nahanap nya yung susi na nakatago sa isang maliit na butas sa pader. Hindi ko alam kung sino yung nakaisip na doon ilagay iyon, but one thing is for sure. Papatayin ko sya.

So nahanap nga naming yung susi. Ang problema, hindi naming makuha. Una, ang taas nung pinaglalagyan nya kaya hindi naming masyadong abot. Nakita lang naman ni Ayel yun nung kumislap dahil sa reflection ng lampshade. Pangalawa, yung sinasabi kong hindi kasya at masakit (HUWAG KAYONG SHREK PLES), paa ko yun.

Forgetting to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon