Monday na at makikita ko nanaman kayo magkasama. Ang hirap palang magtago ng feelings di ba? Mahirap pero susubukan kong kayanin to.
Pumasok na ko sa classroom at nakikita ko ngayon na may iba't-ibang klase ng estudyante. May weird, may clown, may matalino, may maganda at gwapo. At marami pang iba, pero syempre hindi mawawala ang loveteam at isa na sila nun. May spark daw kasi sabi ng ibang kong kaklasmate. Sana nakuryente yung isa.
Umupo na ko sa aking upuan at malapit sa pinto kaya makikita ko dito kung sino ang papasok. Maya-maya lang at nakita kong pumasok si Lance Carmelo . Ang lalaking mahal ko noong third year high pa lang. Actually, noong bata pa ko may gusto na ko sa kanya pero happy crush lang naman. Magkaibigan kaming tatlo simula nung lumipat sila ng bahay sa tabi namin. Ngayon Grade 11 na kami. Gwapo siya at matalino, matangos at singkit ang kanyang mata. Maputi, 5'6 ang height, at basketball player.
Bigla siyang ngumiti sakin kaya naman ngumiti rin ako. Nawala agad yung ngiti ko nung may babaeng sumunod sa kanya. Ang babae naman na minamahal niya. Si Aine Stenfield. Isa siyang half-American pero pinanganak siya dito sa Pilipinas. Siya lang naman ang babaeng mahal ng mahal ko.
Hayy, eto nanaman ang puso ko sira na. Masikip din yung nararamdaman ko ngayon. Hanggang tingin na lang talaga ako nayon.
"Aminin mo na kasi na gusto mo siya, kasi pagpatago ka nagdadamdam, patago ka din nasasaktan." Nagulat ako na biglang may nagsalita sa tabi ko si Toffer Cruz. Sabihin na natin na isa siyang kaibigan na mahilig humugot.
"Alam mo, tumahimik ka na lang kaya dyan." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanila na bandang gilid sila.
"Wag mong ipilit ang sarili mo na balang araw ay mahalin ka niya, dahil unang-una hindi naman ikaw si Aine at sa huli ikaw rin naman ang masasaktan."
"Ano pa nga ba ang dapat kong gawin para hindi ako masaktan?"
"Simple lang naman, mahalin mo muna ang mga taong nagmamahal sayo. Kapag nandyan sila parang wala lang sayo pero pagnawala na, tsaka mo sila hahanapin. Tulad ko, baka sa pagiging tanga mo na sa kanya hindi mo na ko papansinin o di kaya kalimutan mo na ko. "
"Ikaw talaga ang OA mo Toff. Alam mo naman na hindi kita makakalimutan. Ikaw ang best of bestfriends ko noh." Hinug ko agad siya para hindi agad magtampo. Last year lang kami naging mag bestfriends.
"Hay nako beh, eto nanaman ako humuhugot dahil sa pagiging tanga mo eh. Madami pa namang hottie boys dyan. Pakopya naman ng assignment
" tumingin muna ako sa kanya ng masama tsaka binigay ko yung notebook ko."Ayan tayo eh, sa pakopya. Basta ibahin mo yung words ha para hindi halata."
----
"Argghh, ang hirap nitong math problem na to." Yumuko na lang ako, nakakastress tong math na to ano ba yan.
"Ang pag-ibig ay parang math problem, kung di mo kayang makuha titigan mo na lang." bulong ni Toffer.
"Please lang beh, tama na muna yang hugot mo. Seryoso na ko dito oh! Turuan mo na lang ako dito. " Kaloka tong si Toffer eh.
"K. Edi turuan." Habang tinuturuan ako ni Toffer, nawala ako sa focus dahil nasa harapan ko silang dalawa. Tinuturuan ni Aine si Lance tapos si Lance nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionYung feeling na hanggang tingin ka lang. Yung feeling na masakit habang tinitingnan ko kayong dalawa. Yung feeling na umaasa. Yung feeling na ang hirap tanggapin. Yung feeling na sana ako na lang at hindi siya. Yung feeling na kahit ano gagawin...