Hidden #6

75 16 0
                                    


Bumitaw agad ako nung niyakap ko siya.  Pinalo ko yung braso niya.

"Aray!  Masakit yun ha!"

"Ikaw kasi eh, ang feeler mo! " I said.

"Hahahaha!! Ako?! Feeler? Baka ikaw! Ikaw yung yumakap sa'kin eh.  Siguro may gusto ka sa'kin noh. Yiee!! " sinusundot ni Jaycee yung tagiliran ko.  Pinalo ko yung kamay niya. Sheet naman!  Kinikilig ako eh!

"Uyy namumula siya! " tama siya.  Mukhang lahat na yata ng dugo ko nasa pisngi ko na. Nakakahiya talaga!! Sa sobrang hiya ko, yumuko na lang ako.

"C'mon Yeline. I'm just joking. Tara sabay na tayo maglakad. " he hild my hand and start walking. Hindi ko maiwasan na ngumiti. His hands. Hindi ako maghuhugas ng kamay buong gabi haha joke lang.

Tahimik kaming naglalakad while holding my hand, joke ulit kanina pa niya yun binitawan noh. So awkward naman. Hindi naman kasi kami ganung ka-close.

"Uh Yeline, bakit ka nga pala naglalakad di ba may service ka naman? "

"Well meron naman kaso lang kasi maingay yung mga ka-service ko eh kaya naglakad na lang ako." He nodded. May nadaanan kami na streetfoods. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.

"Ah Jaycee, kumakain ka ba ng street foods? " tanong ko.

"Hindi. Ikaw? " mga rk nga naman.

"Syempre naman oo.  Tara kain tayo siguradong magugustuhan mo." hinila ko si Jaycee papunta sa barbeque-an.

"Madumi ang street foods di ba? Tingnan mo oh. "bulong niya sa'kin.

"Kaya nga iniihaw di ba? At tsaka hindi naman masama kung minsan lang." pumili ako ng gusto ko. At kumuha din ako para kay Jaycee tsaka binigay sa tindera.

"Ano yan? Tsaka yan? Barbeque at hotdog lang ang alam ko dito. " turo niya dun sa may grill.

"Ano tawag dito sa parang worm na yan? Tapos yung isa maitim na sponge?" natawa ako sa sinasabi niya.

"Ito ba? Bulate yan." nagulat siya nung sinabi ko na bulate hahaha.

"Hahaha joke lang naman. Isaw yan. Bituka yan ng manok. Tikman mo. " kinuha ko yung luto na isaw tsaka binigay ko sa kanya. Parang ayaw niyang tanggapin kasi parang nandidiri siya. Ang kulit lang hahaha.

"Try it. " kumuha ako ng isa pang isaw tapos kinain ko at tinikman niya. Mukhang ayaw niya pa rin.

"Eto oh, tikman mo with sawsawan. " binigyan ko siya ng maliit na bowl na may plastic tsaka nilagyan ng matamis na may konting suka. Sinawsaw niya tapos kumain ulit. Nasarapan siya sa isaw. Pagkatapos binigyan ko pa siya ng betamax.

"Tama na. Busog na ko. " ang dami na rin namin nakaing street foods. Binayaran ko si ate tapos bumili naman ng tubig tsaka naglakad ulit kami.

"Grabe. Ang sarap pala ng street foods lalo na yung betamax. Kain ulit tayo nun. Bukas sabay ulit tayo maglakad pauwi ha. " para siyang bata na first time kumain ng kendi. Yung itsura niya sobrang exaggerated habang ine-explain niya eh.

Yieee!! Kinikilig ako. Kasabay ko na pauwi yung crush ko. Ang swerte ko naman. Sinong hindi kikiligin na kasama mo crush mo noh.

Hidden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon