Hidden #17

33 4 0
                                    

YELINE

"Yel, bumili ka nga dyan sa kanto ng softdrinks. Magmemerienda na tayo." utos ni mama sa'kin. Agad akong bumaba ng hagdan at pumunta kay mama para kunin yung pera pambili.

"Anak nagdadabog ka ba sa'kin ha?" narinig ni mama yung malalakas na tunog habang pababa ako kanina.

"Hindi po ma. Badtrip lang po ako ngayon." kinuha ko yung pera at lumabas ng bahay.

Napadaan ako sa tapat ng bahay ni Lance kaya naman naalala ko ulit ang pagkainis ko.

Argh! Nakakabwisit siya! Sinabi ko naman sa kanya na hindi na ko sasabay sa kanila. Eto namang mokong ito hindi nakinig kanina kasi naman sigurado naman ako na siya lang ang kakausapin mo.  Every time that I'm with them, I feel like I'm invisible. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko silang ganyan sa harapan ko.

Hindi naman sila pero parang sila!

Yan ang pinapamukha nila sa'kin eh! The way that he looked at her. The way that he smile because he made her happy.  And in that way, naramdaman ko na parang third wheel ako. My heart aches like someone is ripping it. Laging sumisikip ang dibdib ko, araw-araw iyon lagi ang nararamdaman ko.

Hindi kasi nakinig sa akin kanina tapos siya pa may ganang magalit? Ang sakit lang kasi yung lalaking mahal mo, sinabi niya sayo na malandi? Ganyan na ba ang tingin mo sakin ha Lance? Hindi naman landi ang tawag don kundi laro. Naglalaro lang naman kami ni Jayce eh. Sa sobrang bwisit ko, kumuha ako ng ilang maliit na bato at tinapon ko ko yun sa harap ng gate nila. Wala na kong pake kung narinig nila yon or may makakita sa'kin. Basta gusto ko lang ilabas tong galit ko. Kumuha ulit ako ng bato pero this time medyo malaki na. I was about to throw but...

"Baka mapagalitan ka ng may-ari nyan." Nabitawan ko agad yung hawak kong bato.

"Ay puto ng ina mo!" napatingin agad ako kung sino yon at nanlaki ang mata ko.

"Anong ginawa mo dito?"  Then he answered me by a question also.

"Eh ikaw anong ginagawa mo?"

"Hoy! Sino yung nagbabato dito?!" nang marinig ko yung sigaw, agad kong hinila yung kamay niya at tumakbo agad ako. Nang makalayo kami ay binitawan ko agad yung kamay niya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko. Anong ginagawa mo dito?" Nagkibit-balikat siya.

"Maybe walk for a while? Ngayon ikaw naman ang sumagot, anong ginagawa mo?"

"Wala lang, inutusan lang ako ni mama." napayuko ako. Jusko naman Yeline, ano bang pumasok sa kokote mo?

"Sure ka? Inutusan ka ng mama mo na magbato sa gate ng kapitbahay mo?" Natawa agad ako sa sinabi ni Jayce.

"Hahahaha! No not that. Inutusan ako ni mama na bumili. Ay oo nga pala, wait lang may bibili lang ako." Bumalik agad ako pagkatapos bumili.

"Eh kung ganon, bakit ka nagbato kanina sa gate ng kapitbahay mo?"

"Wala naiinis kasi ako sa kanya kaya hindi ko mapigilan sarili ko. Naglabas lang ako ng sama ng loob."

"Oh I see. Pero bakit ka naman galit sa kanya?"  Tinulungan ako ni Jayce na magdala ng softdrinks at naglakad pabalik na parang walang nangyari.

"Ah yun ba? Nagsabi kasi siya ng mga masasakit na salita. Sinabi niya sakin na parang malandi ako dahil magkasama tayo kanina. Like what? Porket magkasama lang ang isang babae tsaka lalaki eh nakikipaglandi na agad yung babae ganon? Napakamalisyoso naman niya. "

Hidden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon