Hidden # 14

38 7 0
                                    


----

"Yeline, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan? " sinenyasan ko lang si mama na okay lang ako pagkatapos  ay tumingin muli ako sa bintana habang sa labas ay sobrang lakas ng ulan. Hinawakan ko ang pisngi at naalala ko ulit ang ginawa ni Lance sa akin. Sinampal ko yung sarili ko. Wala lang yun Yeline. Friendly kiss lang yun.

"Oh kanina tulala ka tapos ngayon sinampal mo yung sarili mo. Yung totoo anak, ayos ka lang ba?" Aish!  Tanga ka! Nag thumbs up na lang ako at kunwari may kinakalikot sa phone.

Ano bang nangyayari sa'yo Yel? Wala lang yun. Wag mong gawing big deal yon.

Ngayon kasi ay bibisitahin namin si Lola Flora dahil birthday na niya next week so mukhang paggigigilan nanaman niya ko. Pero sobrang love na love ko si Lola Flora dahil siya ang nagturo samin ni Aine kung pano maging isang responsableng babae. Lagi siyang nagbibigay ng payo samin. Siguradong bonggang party nanaman to.

Pagkatapos ng isang oras ay nakarating kami sa isang resort na katabi nito ay bahay ni lola na sila rin ang may-ari nito.

"Ang aking apo ay nandito na~" salubong sa'kin ni lola pababa pa lang ako ng sasakyan. Sobrang na-miss ko si lola kahit na ilang weeks lang nakalipas.

"La hello po.  Bakit po kayo nandito sa labas? Malamig po at tsaka mahamog na po baka sipunin po kayo. " pag-alalay ko sa kanya pabalik ng bahay.

"Yeline ano ka ba di na ko bata para lagyan mo ko ng hood sa ulo. Yung utak ko lang yun okay? " I think it took me 15 seconds bago ko na-gets yung sinabi ni lola. Pagkatapos nun ay pinitik ako ni Lola sa noo.

"Para saan yun La? " hinimas ko agad yung noo ko. Ang sakit kaya nun sa may pimple pa natamaan.

"Ang slow mo kasi eh." Parang di ko yata to lola eh. Pero sanay na ko dyan. Pumasok na kami sa loob at sumalubong sa akin ang pinaka-cute kong pinsan na si Marco.

"Hi baby Marco! Sobrang cute-cute mo talaga. " pinisil ko yung pisngi niya tsaka niyakap ng mahigpit.

"Ah! Aray ate! Di na po ako baby! 8 years old na po ako. "

"Sorry, napaggigilan lang.  Mukha kang teddy bear eh! Beh, payakap nga ulit. "

Pagkatapos namin kumain ay pinag-usapan namin yung tungkol sa birthday ni La. Kaya lumabas muna ako ng bahay at naglakad papunta malapit sa dagat para magpahangin. Marami dito ang dumadalo dito sa resort ng lola ko o mas kilala na La Flora resort. Dahil dito matatagpuan ang napakalinis at kulay asul na tubig dagat pati na rin ang napakaputing buhangin. Ngunit hindi mo to makikita dahil nga gabi na.

Naramdaman ko na sobrang lamig ngayon at ang resort ay puno ng mga tao at maliwanag kaya pumunta ako sa medyo malayo para naman ay mapag-isa ako. Madilim na dito at ang tanging liwanag lamang ay ang bilog na buwan. Tumingin ako sa itaas at sobrang ganda. Kaya pala maraming nakahiga sa buhangin at nakatingin sa taas nung dumaan ako kanina. Wow! Ang daming bituin dito! Kaya naman ay humiga ako at pinagmasdan ang bituin. Bakit ngayon ko lang to napansin?

Biglang naalala ko yung ginawa ni Lance sa'kin. Hindi naman siya siguro paasa noh. Pero kung paasa siya, bakit pa ako umaasa sa taong paasa? Napakatanga ko naman. Ginagago ang sarili. Natawa ako sa sarili ko. Bakit ba kasi mahal ko siya? Ni hindi ko nga alam kung pano to nagsimula eh. Argh! Bakit pa kasi ako nag-isip ng kung ano-ano nung hinalikan niya ko kanina eh. Nasapo ko na lang yung noo ko.

"Psst." Sino yon? Dumilat ako at bumangon para tingnan kung sino yon. Pero wala na mga tao sa malayo. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa, it's already 10pm.

"Dapat nasa loob ka na ng bahay." may bumulong malapit sa tainga ko at nanginig ang katawan ko. Dahan-dahan ako tumingin sa gilid ko para tingnan  kung sino yon.

Hidden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon