Nagsimula na ko mag-panic. What to do? What to do? Otteoke?! Mayghaadd!!! Nawawala yung sinave ko na file para sa report namin mamaya. Ayokong simulan ko ulit yung ginawa namin. Magagalit mga ka-group mates ko nyan. Siguradong ako ang sisisihin nila pag bumagsak kami. It's already lunch time and thirty minutes na lang ay next subject na Research. Mangiyak-ngiyak na ko habang hinahanap ko yung report namin.
Luckily, no one is here in the classroom except me. Sila Toffer naman ay bumili sila ng pagkain. I put my laptop on the armchair next to me and I started to cry.
"Yema, what's wrong? " tumingala ako at nakita ko si Toffer na may hawak na pagkain. Lalo akong umiyak.
"Y-yung report kasi... n-natin... nawala ko. "Nilagay ni Toffer yung pagkain niya at pinatahan niya ko.
"Shhh.. Yems naman. Tahan na I'm sure na nandyan lang yan. Okay?" kinuha niya yung panyo niya at sinimulan niyang punasan yung mga luha ko. I'm very touched. He's really a caring person. That's why I like him I mean her so much.
"What's going on? "may nagsalita sa gilid naman. I knew that voice. Medyo tumigil na ko sa pag-iyak. At kinuha ko ulit yung laptop ko at nagsimula ulit ako maghanap.
"Hindi kasi mahanap ni Yeline yung report namin sa laptop niya kaya hinsi na niya alam kung anong gagawin niya. " siniko ko agad si Toff. Alam naman niya na galit ako sa kanya eh.
"Maybe I can help? " wika ni Lance but I didn't mind him patuloy lang ako nakatuon sa laptop. I glared at Toffer to not mind him but pasaway to eh.
"Sige na Yema. May taong tutulong na sa'yo oh. Alam mo naman na marunong si Lance sa computer thingy di ba? " I just rolled my eyes. I can't believe it. Akala ko ba kakampihan ako nito?
"Thanks but no. "
"Oh come on Yema. You don't have much time left. Wag mo munang itaas yang galit mo. " I stopped what I'm doing.
"Okay fine. "I said it sarcastically and tumayo na ko nang hindi ako nakatingin sa kanya
"Eto oh. Alam kong hindi ka pa nakakain. " Lance gave me a plate with my favorite food. Adobong. Manok. Hindi ko tuloy mapigilan na magutom. Nakita ko na dalawa ang dala niyang paper plate. I'm sure na binili niya ito sa canteen.
Naramdaman ko nang kinurot ako ni Toffer sa tagiliran at tiningnan ako ng masama.
"Thanks. " tinanggap ko naman pero nakatingin ako sa kabilang direksyon.
Mabilis ang oras at uwian na namin ngayon. Thanks to him dahil kung hindi ay mapapagalitan talaga kami ng teacher namin.
Iniligpit ko ang mga gamit ko at yung iba ay nilagay ko sa locker. Pagkasara ko ng pinto ay agad lumapit si Toffer sa'kin.
"Yel, sumali ka na kasi. Nakalista ka na kaya dun. " I sighed. Hay naku, kelan ba titigil to sa pangungulit.
"Gurl, bakit ba ang kulit mo ha. Ang sabi ko ayokong sumali sa ganyan. Ikaw na lang kaya sumali parang ikaw naman may gusto nun hindi ako. "
"Eh dali na Yema pleasee!!! Sayang naman yung ganda mo oh. " Nagulat tuloy ako dahil hinaplos niya ko sa mukha at sumigaw siya bigla.
"Pak na pak oh! Konting make-up lang to gurl, ala Liza Soberano ka na! Ako ng bahala sa lahat bes, sumali ka lang. "
May lumapit samin na isang babae. Si Bea pala, ang Vice presi ng SC.
"Yeline, punta ka na sa Dance Studio. Ikaw na lang ang hinihintay namin. " pagkatapos ay umalis si Bea.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? " Okay no choice ako kundi sumali dyan sa Ms. Intrams. Lumapad bigla ang ngiti neto, hindi lang basta ngiti. Ngiting aso ang tawag dyan.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionYung feeling na hanggang tingin ka lang. Yung feeling na masakit habang tinitingnan ko kayong dalawa. Yung feeling na umaasa. Yung feeling na ang hirap tanggapin. Yung feeling na sana ako na lang at hindi siya. Yung feeling na kahit ano gagawin...