Dedicated po sa mga Silent Readers. Salamat sa tahimik na pagsubaybay at paghintay sa update ng story na to.Lance's POV
Nasaan na yung babaeng yun? Kanina pa uwian, wala pa rin. Anong oras na oh? Huy Yeline asan ka na ba? Ihahatid ko pa si Aine oh. Kawawa yung tao naghihintay.
"Aine dyan ka lang ah, hahanapin ko lang si Yeline." Tumakbo agad ako para hanapin siya. Pagnahanap talaga kita, lagot ka sa'kin. sinubukan kong tumawag sa kanya pero walang sumasagot. Wala naman sa library dahil anong oras na oh, sarado na yun. Pumunta naman ako sa canteen pero walang tao dun. Pumunta ako sa field baka sakaling nandun siya. At hindi nga ako nagkakamali, nandun nga siya kasama si Jayce.
Ayos talaga tong babaeng to nagkakatuwaan pa kasama si Jayce.
"Yeline!" pagkasigaw ko parehas silang napalingon sakin. At mabilis akong pumunta sa kanila. Kinuha ko agad yung bag at hinila ko siya.
"Teka lang Lance, bitiwan mo muna ako!" hindi ko siya pinakinggan, mas lalo kong hinigpitan yung hawak ko sa kamay braso niya. Hilang-hila ko siya hanggang sa makarating kami sa parking.
"Pwede ba bitawan mo muna ako! Nasasaktan na ko eh!" binitawan ko na siya pagkatapos niya kong sigawan.
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap ha? Sabi mo ipapasa mo lang yung project mo tapos nakita pa kita nakikipaglandian kay Jayce!"
"Wow! Grabe ka magsalita Lance! Hindi ako nakikipaglandian kay Jayce okay? Nakita mo naman siguro na naglalaro lang kami."
"Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sa'yo ni Aine! Susunduin ko pa yan oh!" Tinuro ko pa si Aine na nakaupo at naghihintay samin. Buti na lang malayo kami at hindi niya kami naririnig na nagsisigawan dito.
"Sinabi ko bang maghintay kayo sa'kin ha? Di ba sabi ko kanina na hindi na ko sasabay sa inyo. Sige na ihatid mo na si Aine, pasensya na at sinayang ko oras niyo kakahintay sa'kin." kinuha niya yung bag niya sa'kin at naglakad siya palayo.
Teka, ba't nasabi ko lahat yon? Mukhang nagalit yata sakin si Yeline.
"Argh! Anong ginawa mo Lance." pinuntahan ko na lang si Aine para ihatid. Tinanong pa niya ko kung nasan si Yeline. Sinabi ko na lang na nauna na yon.
Habang nagda-drive ako, di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako galit kanina. Galit ba ko dahil sa kakahanap ko sa kanya o dahil sa nakita ko sila ni Jaycee? Siguro dahil nakita ko nanaman yung pagmumukha ni Jaycee. Lagi kong pinag-iinitan yon, tuwing nakikita ko yun nagiging masama na yung araw ko. Lagi kasi pinagyayabang ng lolo ko tungkol sa kanya, sa mga achievements niya. Kulang na lang sa puri ng lolo ko na lumuhod sa harapan niya. Para namang siya lang yung apo niya.
"Sige Lance thank you ulit sa paghatid." di ko pala namalayan na nasa condo na kami.
"Sige. Bukas ulit." nagpaalam na ko kay Aine at bago pa ko umalis, napansin kong nandon si Toff. Bakit siya nandun?
Binalewala ko na lang at nagpasyang umuwi na. Pagkarating sa bahay ay naandon si lolo, si Jaycee at si Joyce. Ba't nandito tong mga to?
"Apo, dito muna sina Jaycee at Joyce ng tatlong araw. Aalis muna ako at may pupuntahan lang." Ampu! Ano to? Bahay ampunan na pwedeng tumira dito kung sino-sino?
"Teka lang Lo?! Bakit dito si Jaycee? Pede naman dun na siya sa inyo ah? Di na yan bata para magpa-iwan pa sa iba. At kaya na yan ni Jaycee na bantayan si Joyce! Nandun rin naman mga katulong nila ah" Ang parents nila Jaycee nasa ibang bansa at si lolo yung kasama nila sa bahay nila.
"Pinaday-off ko lahat ng katulong namin dun apo at tsaka mas okay nang sama-sama kayong magpinsan. Para naman may bonding kayo." Tinawag mo pang bonding pag kasama ko sila? Lo, kung alam mo lang po kapag kasama ko silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionYung feeling na hanggang tingin ka lang. Yung feeling na masakit habang tinitingnan ko kayong dalawa. Yung feeling na umaasa. Yung feeling na ang hirap tanggapin. Yung feeling na sana ako na lang at hindi siya. Yung feeling na kahit ano gagawin...