Lance's POV
"Ano ba talaga problema mo Yel! Ang sakit sa ulo ha! Nakakainis! Kahapon tinalikuran niya ako. Tapos hindi mo pa ako pinapansin. Para kang missing in action alam mo ba yun. Di ba sabi mo sa'kin tutulungan mo ako. " para aking tanga dito na kinakausap ko yung litrato dito sa table ko. Yeah, picture naming dalawa ni Yeline. Para nga kaming best friends dito eh. Naka-akbay ako sa kanya tapos siya Naka- wacky.
I miss her already. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap simula nung na-ospital si Aine. She's cold like an ice. Tuwing dadaan ako, parang wala lang ako. Tapos minsan nahuhuli ko pa siyang nakatingin sa'kin at masama yung tingin kapag kasama ko si Aine. Ano ba talaga problema niya?
May klase ngayon at kasalukuyan ko siyang tinatawag. Nasa likuran ko siya kaya pasimple lang ako dito at baka mahuli ako ng teacher dito.
"Psst. " tumingin ako sa likuran habang si Yel ay nagsusulat. Aba! Hindi talaga ako pinapansin. Hindi kasi ako mapakali dito. Gusto ko na siyang kausapin.
"Yel. " pabulong kong sinabi pero sapat na yun para marinig niya. Pero walang effect, ngayon nakikinig lang siya sa teacher.
Sh!t naman! Bahala ka na nga dyan!
Tumunog yung bell.
Oh yes! Nag-time na rin. Tumayo agad ako at lumapit kay Yel.
"Yel, kausapin mo na naman ako. " nililigpit niya yung gamit niya.
"Huy!" tumingin lang siya sa'kin pero di siya sumagot.
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" sa wakas sumagot naman siya.
"Hindi kita iniiwasan, busy lang ako ngayon." kinuha niya yung bag niya tsaka nagsimulang maglakad. Bago pa siya umalis, nagsalita ulit ako.
"Kung hindi mo ako iniiwasan, punta ka sa bahay mamaya. " sabi ko at sumama ako kay Aine na kanina pa niya ako hinihintay sa labas.
~•~
Yeline's POV
"Psst. "Kanina pa 'to nangungulit si Lance. Ang ingay! Nagsulat na lang ako sa notebook. Tiis lang Yel, titigil din yan.
"Yel. " tumingin ka lang sa teacher hindi sa kanya. At last! Tumalikod na siya, mukhang nabwisit na siya. Sabi ko sa'yo titigil din yan eh.
Oh time na! Naramdaman ko na lumapit agad sa'kin si Lance at kunwari nag-aayos ako ng gamit.
"Yel, kausapin mo naman ako. " wag mo siyang kausapin Yeline.
"Huy." tumingin ako sa kanya pero di ako sumagot. Kanina ka pa ha. Lumapit si Toffer.
"Bakit mo ba ako iniiwasan? " tanong niya sa'kin. Hindi ko talaga siya matiis eh kaya sumagot ako.
"Hindi kita iniiwasan, busy lang ako ngayon. " kinuha ko yung bag ko at naglakad pero nagsalita ulit siya.
"Kung hindi mo ako iniiwasan, punta ka sa bahay mamaya." tumigil ako saglit pero naglakad ulit ako.
"Tara na, Toff. " tinawag ko si Toff na kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.
"Uyy! Magkikita sila sa bahay niya. " sinundot niya yung tagiliran ko tsaka ko siya tiningnan ng masama.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings
Teen FictionYung feeling na hanggang tingin ka lang. Yung feeling na masakit habang tinitingnan ko kayong dalawa. Yung feeling na umaasa. Yung feeling na ang hirap tanggapin. Yung feeling na sana ako na lang at hindi siya. Yung feeling na kahit ano gagawin...