4. Him

315 22 9
                                    

Napangiti ako sa nakita.

Isang lalake. Halatang kinabahan ito dahil sa pag-sipa ko kamakailan, pero nawala iyon dahil ngumingiti na naman siya sa akin.

Pumunta na rin si Diane sa tabi ko dahil napansin niya na napangiti ako ng ura-urada.

"Hi. I'm Kian. And the both of you are?" pakilala ng lalake sa amin.

"Diane and Jane." biglang sulpot ni Diane sa pagitan namin. Pasulpot-sulpot lang tong' babaeng to. Nakaka-heart attack.

"Uh, hi Jane and Diane. Nice meeting some pretty survivors." sabi ni Kian.

"Haha. Wag mong bolahin si Diane. Baka maniwala yan."  warning ko kay Kian sabay wink kay Diane.

Tumawa ng tumawa si Diane. Kahit papaano may hawig sila ni Jaya. 

"So how come you survived those wave of zombies?" curious na tanong ni Kian.

"Tough work pre! And syempre, I used this!" sagot ko kay Kian at sabay labas ng pistol ko.

"Cool! That's a tough work for a girl. You're a rare catch Jane." sabi ni Kian. 

"That's not rare for a girl with a police dad!" english din ni Diane sa kanya. Hahaha wrong gramming ata yung sinabi niya.

"Teka nga, wala naman tayo sa states ah? Ba't english kayo ng english ha?" sabi ko sa kanilang dalawa. Sakit sa tenga ang English. Nagno-nosebleed na ako.

"Feel ko lang!" sagot ni Diane. Tong' babaeng to, kulit talaga ganoong hindi naman siya ang tinatanong ko. Kurimaw.

"So paano ka napunta dito?" tanong ni Diane kay Kian.

"Tulad din sa ninyo, I was running and hiding for my life." sagot niya.

"Eh, ano naman ang panglaban mo? Alangan naman utot?" tanong na naman ni Diane. Echosera talaga.

" I have this baby by my side." sabi ni Kian sabay pakita ng armalite niya na naka-sling lang sa likuran niya. Itinaas din niya ang slacks niya at may pistol din na naka bandage sa may lower leg niya.

"Pero may nakasama ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Meron, pero naging fecto na din siya." sabi niya sabay simangot.

Parehas lang pala kami. Nawalan din ng mahal sa buhay. Siguro naman maraming taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa bangungot na'to.

"Ako din. Pinatay ko rin ng sapilitan ang bestfriend ko dahil naging fecto narin siya. Kahit labag sa kalooban ko, kinailangang gawin para sa kapakanan niya." sabi ko kay Kian.

"Iba naman sa akin. Tumatakbo kami nun eh. Nadapa siya at naabutan na nila. Wala na akong nagawa kundi tignan lang na pinag-pyestahan siya." kwento niya sa amin sabay tingin sa may kawalan.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. 

Ako nga dito, hindi ko alam kung buhay pa ang pamilya ko.

Nakita ko lang si Diane sa may sink. Nakabalik na pala siya doon at tahimik na siyang nakatulog. Pagod nga ang kaibigan ko. Sino naman ang hindi mapapagod sa hampasan kanina ha?

"Tinulugan na ako ni Diane. Hayy. Di ko na alam kung buhay pa ba ang pamilya ko ngayon. Baka undead na sila ngayon, pero wag naman sana." tugon ko kay Kian.

"Well let's just hope for the best." tanging tugon niya.

"Englishero ka kahit kailan!" sabi ko sa kanya.

"Well, I'm fond of it." sabi ni Kian sabay wink. Aba nakakarami ka na ah!

"Ahh.. So paano ka nagkaroon ng baril?" tanong ko. Curious lang.

"Natagpuan ko ito sa loob ng kwarto ko. Di ko nga alam kung bakit napunta doon. Siguro kay dad yon. Kasi, yung bag ko lang na may laman ng damit ko ang dala ko kanina. Magre-retreat sana ang 4th year students ngayon. Pero na cancel dahil sa outbreak." paliwanag niya sa akin.

"So ano naman ang koneksiyon nun sa pagkakuha ng baril mo?" ata na tanong ko.

"Siguro inilagay dun ni dad sa bag ko. He is a military officer. Gusto niya kasing safe ako all the time, self-defense kumbaga. Kaya siguro inilagay niya yon sa bag ko, at may kasama pang ilang boxes ng ammo." sabi ni Kian.

"Ganun pala. Pasalamat ka sa Dad mo. Buhay ka pa ngayon dahil sa paninigurado niya." opinyon ko.

May itatanong pa sana si Kian ngunit, nang may yabag na naman ng mga zombies. Sumilip si Kian sa bintana.

"They just passed by, no harm." bulong ni Kian sabay talikod.

Pero may isang zombie na ipinasok niya ang kanyang kamay sa maliit na bintana.

Hinablot ko agad ang baril ko at tinira iyon. Headshot baybe.

"You have a good aim, Jane." sabi ni Kian sabay bow. Loko talaga to.

Sasabat na sana ako nang may kaluskos na naman narinig may pinto.


Revolt of the Undead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon