Ang daming food! One month na food stock na ito!
Kukuha na sana ako ng drumstick ngunit,
Pinalo ni Sarah ang kamay ko.
Naman! Ang maldita naman ng babaeng to, nagugutom lang ang tao! Sabagay, sa kanila nman ang mga pagkaing ito, so di nalang ako kakain.
Tumalikod nalang ako at imenuwestra ang mga paa ko patungo sa sala. Pero,naramdaman kong may tumama at nabasag sa likod ko.
POTCHA! Itlog! Ang sama mo Kian!
Nakakainis naman! Kailangan ba talagang hagisan ako ng itlog? Pwede naman akong tawagin ah? Isa pa, sayang ang itlog! Makakain na sana yun!
Hindi pa ako lumingon sa kanyang direksyon at kinuyom ko ang mga kamay ko. Para saan ba nman ang itlog na yun?
Is he mocking me? Well I'll mock him too. Watch out! Kung maldito siya, mas maldita ako!
Humarap na ako sa kanya at tumungo sa may basket ng guavas. Kinuha ko ang pinakamaliit doon at hinagis sa ulo ni Kian. Akala niya siya lang ang makakagawa nun ha!
Isang malaking "ARAY!" lang ang narinig ko. Bwahahaha! Akala niya lang siguro palalampasin ko yun!
" Para san yun ha?" asik ni Kian sa face ko.
" Aba at ikaw pa ang may ganang mainis? Sino kaya ang nambato ng una ha?" balik ko naman.
Haha! Akala niya lang ha! Pero I noticed something fishy. Maldito pala itong mokong nato? Ma testing ko nga ang katarayan niya.
" Ikaw kasi, papasok ka dito tapos aalis lang ng ura-urada!" sigaw niya.
Good girl ako eh! Di ko magagawa yun.
Nga naman, sa pag-a-aso't pusa namin ni Kian, Di ko namalayang humahalakhak na ng tawa tong si Sarah!
Ayy, thanks Lord God, Praise the Lord Allelujah! Sa wakas ng eons, narinig ko nang tumawa tong si Sarah! Ang seryoso kasi ng face niya kanina eh, parang nata-TAE lang?
Hahaha! ^__^
" Para kayong mga lovers in tyangge! Palaging nag-aaway, pero kayo lang din naman ang magkakatuluyan!" sabi ni Sarah habang yumuyugyog ng grabe ang mga balikat niya.
Overs naman tong babaeng to! Wagas kung maka tawa? Parang nasa comedy bar lang?????
" Aii. Sarah, overs lang te?" biglang sulpot ni Diane. O may troy troy! Naman tong babaeng to! hihimatayin na ako sa kabaliwan ni Diane! Pasulpot-sulpot nalang ba ito?
Sobra na ha! Parang sa ICU na ang bagsak ko nito balang araw dahil sa mga baliw na mga kasama ko!
Samahan pa ni Diane na tumawa din dahil sa itsura kong parang beated egg.
Shunga na babae ay! Pasalamat sila gutom ako kundi, baka nahagisan ko na sila ng KALABAW!
Makakain nga ..
Nom, Nom, Nom.. Sarap! Grabe! French fries, fried chicken.. at iba pang mga chakang foods..
" BURRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRP". Thanks God sa blessings! aheheh.. ^______^
Si Sarah naman, lumabas na ng kusina at what so ever..... Si Diane, takaw na takaw din sa pagkain gaya ko,, habang si Kian, titig na titig sa mukha ko.. Ayells ha? May pagnanasa sa akin brad?
BINABASA MO ANG
Revolt of the Undead (Hiatus)
HorrorTakbo, tago at wag kalimutang huminga. Buhayin ang sarili. Laban sa mga zombies na kay talim na ng baba, wasak pa ang mga mukha. Mag ingat. Lumingon. O baka maging isa ka sa kanila.