6. Infection

295 17 9
                                    

Nagising ako sa katok ng pinto. Si Diane tulog pa rin si Kian, sumisilip sa may bintana.

"Those are people outside, should I let them in?" tanong ni Kian.

"Wait baka infected sila?" maikli kong tugon.

" We'll just see about that." sabat ni Kian.

Kinasa muna niya ang baril at pagkatapos binuksan niya ang pinto.

Bumungad sa paningin ko, may dalawang babae. About our age lang din ata. Mukhang pagod na pagod sila at duguan ang mga uniform nila.

"Pasok kayo, dali!" sabi ko baka may zombie na naman na susulpoy any minute.

Hindi nagsalita ang dalawa at umupo lang sa may sahig. Pagod nga ata sila.

"What are your names?" tanong ko.

"Classmates ko yan." biglang sagot ni Diane.

Gising na pala ang loka.

"Si Rica at Gale yan. Si Rica yang nakaputi at si Gale yang naka-grey." sabi na naman ni Diane.

They seem to be exhausted hardcore.

"Paano kayo napunta rito? How did you know na may tao dito?" biglang sabi ni Kian.

Walang sagot. Nakakabinging katahimikan lang. After seconds, nagsalita ang isa sa kanila. Si Gale.

" Nakita namin kayo kanina. Hinahabol ng mga zomb..." sabi nung Gale pero hindi ito natuloy dahil bigla nalang itong umiyak.

Tinabihan ko na lang siya at hinagod-hagod ang likod niya. Ngunit nagtaka ako. Tahimik na tahimik lang si Rica habang umiiyak si Gale. Hindi man lang niya ito ico-comfort?

Something's wrong. Something is really wrong.

Tumigil sa pag-iyak ang babae at itinaas ang ulo sa amin.

" Si Rica... nakagat siya!" sigaw ni Gale na awtomatikong nagpatayo sa akin at lumayo sa kanila.

Itinutok ni Kian ang baril niya kay Rica. Ngunit motionless lang ito at nakayuko parin. 

Lalong umiyak si Gale. Tinabihan siya ni Diane at pinapatahan.

" Diane, Gale stay at my back. Diane, kaano-ano silang dalawa?"  firm na utos ni Kian.

" Best friends." sabi ni Diane. Napaluha ako.

Ngunit si Diane lang ang kumilos, pero si Gale, nandun parin siya at tinatabihan si Rica. Pero umurong na ang pag-iiyak niya. Napagod na siguro. Yakap-yakap niya parin si Rica.

"I said stay away!" sabi ni Kian sabay hila kay Gale papalayo.

Pero agad binunot ni Rica si Gale na nakayakap pa sa kanya at kinagat-kagat ang kamay nito.

Pale na pale ang mukha ni Rica. Puti lahat ang mata nito at duguan ang baba.

Umiiyak sa sakit si Gale at nag stru-struggle na maalis ang kamay sa pagkakagat ni Rica.

Kinuha ni Diane ang baril niya at tinira kay Rica.

Sa leeg ito natamaan. Tumigil ito sa pagkakagat kay Gale at itinaas niya ang kanyang mukha at ngumiti kay Diane.

Pinunasan ni Rica ang dugo sa bibig at nagsimulang lumapit kay Diane. 

Binaril ni Diane sa ulo at lagpak si Rica sa sahig.

"No! Hindi!" sigaw ni Gale habang umiiyak at dumudugo ang kamay niyang nakagat ng kaibigan.

" Sabi ko kanina na stay away! Tingnan mo ang nangyari Gale!" galit na asik ni Kian.

Pero bigla nalang tumahimik sa pag-iyak si Gale.

Zombie na ito. Alam na alam ko. Kumakalat na ang inpeksiyon sa katawan niya. 

Dali-daling kinuha ni Diane ang mga ampules. Ngayon pa? Huli na. Di na matatablan ng medicine yang kagat ni Gale.

The best thing to do is to kill her.

In a blink of an eye, Gale was shot to death. By Kian.

Pero hindi ko na kaya, dalawang tao sa isang araw? Di ko kaya to.

Siguradong sigurado na hindi na naman ako makatulog ngayong gabi.

Dilat na dilat ang mga mata ko sa pagkamatay nila. Yung ang magha-haunt sa akin kada gabi.

Bigla akong napaluhod. Nanlambot ang mga tuhod ko. Na ramdaman ko nalang na nasalo ako ni Kian at tuluyan na akong nahimatay.

**

 Nagising ako dahil may malamig na nakapatong sa noo ko.

Wala na pala kami sa storage room. Sa hula ko, mukhang nandito kami sa clinic. Paano kaya kami nakarating dito? May rakrakan na namang naganap?

Sinubukan kong tumayo. Pero nahihilo ako at bumalik nalang sa pagkakahiga.

Nakita ko si Diane na nakahiga sa kabilang kama, tahimik na natutulog. Ngumiti ako sa thought na ligtas siya. Pero saan si Kian?

Dinako ko ang paningin sa paligid. Nandun siya nakaupo sa may gilid katabi ng medicine cabinet. May hawak siyang picture. Sino kaya yun? Girlfriend niya?

Nag-think ako ng diversion para mapansin ni Kian na naka gising na ako.

"Kian!" tawag ko sa kanya.

Agad itong tumayo at lumapit sa akin. Nagwork ang diversion ko! Eh, sino naman ang hindi lalapit pag tatawagin ang pangalan? Bingi lang diba? Pechay ka Jane. 

" Okay kana Jane? Do you still feel dizzy?" tanong ni Kian.

" Oo okay na ako. Uhm, paano nga pala tayo napunta dito? Ang hirap kaya makipaglaban ng zombies if may dala kayong natutulog na tao este, walang malay na tao?!" tanong at biro ko sa kanya.

" May door doon sa storage room eh, tapos hagdanan. bumaba kami at natagpuan na shortcut pala yun patungong ground floor. So eto tayo ngayon sa groundfloor sa may clinic." sabi niya na gumulat sa akin.

Nasa groundfloor kami? PATAY na PATAY! Mas maraming zombies dito dahil madali lang puntahan!

Napansin ni Kian na namutla ako. He caressed my face at touched my forehead.

" Kian naman. Sa ground floor pa talaga? Mas marami tayong makakasangga na walekrs dito!" sabi ko.

He just smiled. That melting smile. Ang ganda ng mga mata niya. Kulay brown at mababasa mo talaga kung ano ang dinadamdam niya. And he looked sad.

Binatukan ko ang sarili at bumaling kay Kian.

"Wag kang mag-alala, kaya naman natin sila." sabi niya na may assurance.

"Ikaw kaya mo! Eh kami ni Diane? Babae kami! Di namin kaya ang tough work! Nakita mo ngang madali lang kaming ma lowbat!" bulong ko sa kanya.

" Di na ako mag-aalala. You're the toughest pair of girls I've met." sabi niya.

Bola lang to. Sure. Sure na sure. Pero eto lang talaga ang bola na naniwala ako.

" So, sino yung nasa picture na tinitignan mo kanina?" tanong ko.

Akma na sana siyang sasagot nang narinig naming umiyak si Diane. 

(To be continued...)

Revolt of the Undead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon