2. Diane

370 23 13
                                    

Jane's POV

Ako'y kasalukuyang nagtatago sa isang maliit na kwarto. Wala akong kasama diyo pero bigla nalang akong nakarinig ng dabog.

Linibot ko ang aking paningin at natanaw ang isang lumang cabinet.

Yumuyugyog ang mga pintuan nito. Parang may tao ata, or worse baka merong zombie na na stranded sa loob!

Lumapit ako na may dalang alinlangan.

Kinuha ko ang baril sa bag, just in case. In the count of three, bubuksan ko tong pinto.. 1......2.....

3!!!!!!!!!!............

Bumukas ang ito at iniluwa ang isang babae. Itunutok ko sa kanya ang baril. Baka kasi nakagat na ito.

Lumapit ako. Umiiyak siya.

"Miss? Okay lang kayo? "sabi ko. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha nito. Natatabunan kasi ito ng buhok niya.

"Ang dami nila, akala ko katapusan ko na." bulong ng babae habang patuloy siya sa pag-iyak.

"Tahan na. Magkakasama na tayo sa pag su-survive. Hindi ka na nag-iisa." Iyan lang ang nasabi ko.

Hindi naman kasi ako magaling sa pagcocomfort. Pero kahit papaano, tumigil naman siya sa pag-iyak.

"Talaga? Magkakasama na tayo?" tanong niya.

"Oo, kaya tahan ka na. Baka marinig pa nila tayo, lagot!" sabi ko.

Ngiti nalang ang ibinalik niya sa akin. Kahit papaano gumaan ang feeling ko na may nakita akong kasama.

"Ako si Jane. Ikaw?" pagpapakilala ko sa kanya.

"Diane, Diane ang pangalan ko. Nice to meet you Jane." maikling sagot niya.

Makikipagkamay na sana ako ng bigla kong naalala si Jaya.

Sana masaya't payapa ang kanyang kalagayan, kung nasaan man siya ngayon.

Dahil sa alaala na iyon, di ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.

"Jane? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Diane.

"Ha? ahh.. ehh.. Naalala ko lang ang bestfriend ko." maikling sagot ko.

"Ganun ba, anong nangyari sa kanya gayung nagpa-iyak sayo?" concerned na tanong niya.

"Pinatay ko siya dahil kailangan. Nakagat kasi siya ng zombie at sabi niyang iligpit ko daw siya kasi magiging isa siya sa kanila kung hindi ko gagawin iyon." sagot ko na lalong nagpaiyak sa akin.

Hindi ko akalaing mawawala siya ng ganun ganun nalang.

"Wag ka nang mag-alala Jane. Kung nasaan man siya ngayon, masaya siya dahil nakikita niyang buhay ka pa. Idedicate mo sa kanya ang buhay mo kaya dapat alagaan mo ang iyong sarili . Smile ka na, papanget ka niyan eh." sabi ni Diane at yinakap niya ako.

Nawalan man ako ng Jaya, kahit papaano'y may Diane naman akong nakilala. Laking pasalamat ko na sa sitwasyong ito mayroon akong kaibigan.

"Salamat Diane ha. Napadrama tuloy ako sa harap mo." sabi ko sabay tawa. Tumawa na lang din si ito at kumalas na sa pagkayakap sa akin.

"Okay lang yun. Hmmm, so paano ka pala napadpad dito sa kinaroroonan ko?" tanong niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at nagsimulang mag kwento.


Revolt of the Undead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon