8. Redeemed

274 19 5
                                    

Tumabi ako kina Kian at Diane. Nakasandal lang ang mga ito sa tagiliran ng walls ng helicopter.

Pagod na pagod ang mga mukha nila. Kakaawa naman. Haggard ko na din.

Nakatingin lang si Diane sa may kawalan. She looks exhausted and beat.

Exhausted naman talaga ang lahat ng tao dahil sa crisis nato both physicaly ang emotionally.

So ika 3rd day pa nga to nang apocalypse, ang dami nang nangyari! Di ko na ma recall ang lahat na nangyari. Mga pagtago-tago namin, mga rakrakan.

Haiisst! Pero through all of that, heto parin kami ngayon. Alive and kicking. Thanks to that guy over there.

We owe him our lives. Kung wala siya, malamang! Maliit ang chance namin na makapag-survive galing sa engkwentro namin kanina.

"Hello po, ano ang name niyo?" tanong ko.

"I'm Dean, and that's Sarah. We're siblings." sagot ni Dean.

Tumango lang ako sabay ngumiti. 

Ngayon ko pa napansin tong' si Sarah. Haha! Parang camouflage lang kasi siya sa kinauupuan niya.

Parang nagbe-blend lang ang kulay ng damit niya sa seat cover.

Buti at pinakilala siya ni Dean sa akin, kung wala, malamang baka naupuan ko na siya.

Pero ang tahimik niya, daig pa niya ang pipi! Di kaya panis na ang laway niya?

"Ako si Diane at si Jane ito, tapos si Kian naman yun." biglang pakilala ni Diane. Tong babaeng to! Bigla-bigla nalang ang entrance.

" Nice to meet you three. Buti nalang nakita namin kayo, kasi you seem to be in big trouble back there." sabi ni Dean sabay baling sa akin, ta's nag smirk, then balik agad sa daan sa himpapawid.

"Oo nga. Salamat Dean at Sarah ha. We owe you our lives. Kung wala kayo malamang naka-chamba na ang mga undead ngayon." sulpot na naman na sagot ni Kian.

Grabe! Pasulpot-sulpot na ba ang mga tao ngayon?

"It's no big deal guys. Besides we always save lives each day. Kaya nga kami nag cho-chopper kasi we're searching for fellow survivors within proximity." sabi ni Dean.

Bait talaga! Bihira nalanh ang mga taong kagaya niya sa panahon ngayon.

Kasi yung iba, they go against each other just to survive. Kasi nagiging demand na ang food at human necessities. Kaya yung iba pinapatay nila ang kanilanh mga kasama at makikipag-patayan sa kapwa makakuha lang ng bagay magiging essential sa kanilang survival.

Hulog talaga nang langit sina Dean at Sarah! 

"Thank you talaga Deanarah! We owe you our lives. Kaya in return, we will behave. Likot-likot kasi namin, feeling ko nga lumilindol natong helicopter sa kakulitan namin." sabi ni Diane sa kanila. Deanarah nalang daw, kasi shortcut ng Dean at Sarah. Taas daw kasi eh. Ang mulit talaga ni Diane.

"Hoy! Wag mo nga kaming isama! Ikaw lang naman ang makulit at madaldal!" sabat ni Kian. Alangan naman, idadamay ba naman kami sa kakulitan niya? Shunga talaga tong bestfriend ko.

Wait. Bestfriend? Jaya, may isang bestfriend ako, kagaya din siya sayo. Makulit at madaldal. Wag kang mag alala, hinding-hindi ka mawawala sa puso ko.

Wala ka man sa tabi ko, nandito ka naman sa puso ko.

Si Kian din, parte narin ng buhay ko. He has been a big help simula nung nakasama namin siya. He's witty, handsome, wise, hot... Ha? Hot?? Ala eh, san nanggaling yun?

Nakakalaswa ng utak si Kian! hPero talaga parteng-parte na silang dalawa sa buhay ko. Kung wala tong dalawang to, sus! Malamang, sobra pa ako sa baliw ngayon!

Nagusap-usap din kami ni Dean. Kung paano namin nalagpasan ang lahat,  kung paano ko nawala si Jaya. Kung paano kaming nagtagpong tatlo, at tsaka madami pang iba.

Hindi rin naman tumitingin sa Dean sa akin habang nagsasalita siya dahil baka naman makabangga kami ng wakwak dito sa langir. Madakip pa kami ng sky police officers. Hoho

Binaling ko ang aking tingin kay Diane at Kian, natutulog na ang dalawa. Si Diane nakangiti habang nakatulog, si Kian naman nakabukas ang bibig. Grabe ang we-weird nitong mga kasama ko. 

Pero pag wala tong dalawa, mental na ang bago kong bahay ngayon.

Naalala ko tuloy sila mama at papa pati narin si Jenna, ang bunso kong kapatid. Buhay pa kaya sa? Sa tingin ko naman magsu-survive sila, si Tatay pa!

Kakayanin nila yun. Di bale nalang. I will pray for them.

Tiningnan ko si Sarah. Grabe na talaga. Naka-mute ba ang voice neto? Ayaw magsalita ah?

Amoy imburnal na siguro ang laway nito. Napangisi ako sa aking naisip.

Nakasandal ako ngayon sa likod ng upuan ni Kian, bale ito ang posisyon namin:

Dean       ....      Sarah             

--------                 ---------         ]

Ako                                        ]

Diane                  Kian

---------------------------------------

"So, asan tayo magla-landing?" out of curiosity na tanong ko.

" Sa bahay ko. Marami din kayong makakasama dun. Mga fellow survivors. At safe din ang place ko dun. Electric jolted ang gates. Tapos 25 feet tall ang mga walls , then may electric jolted bars din on sa taas. So there's nothing to worry. Libre pagkain, libre lahat basta, isang bagay lang ang tandaan niyo. Don't lose hope." sabi ni Dean tapos saglit na bumaling sa akin.

Napangisi nalang ako at dumukwang sa glass ng helicopter.

Kay bait nga. Naramdaman ko ding papalapit na kami sa safe house na sinasabi niya.

Revolt of the Undead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon