3. the Undead

302 21 9
                                    

Nag-shift na kami ni Diane, at turn ko nang mamahinga. Pumikit na ako at nakatulog din naman agad. Dulot siguro iyon ng matinding pagod.

"Nandito ako Jane!" sigaw ni Jaya sa akin.

 

"Asan? Hindi kita nakikita Jaya." sabat ko naman.

 

"Nandito ako!" tawag na naman niya sa akin.

 

Nagpaikot-ikot ako sa paghahanap kay Jaya ngunit wala akong nakita.

 

Pero may narinig akong ungol. Hindi ungol ng tao, kundi ungol ng isang hayop.

 

Paglingon ko, nakita ko si Jaya. Pero hindi na siya ang Jaya na kinilala ko noon. Isa na siyang zombie, isang halimaw.

 

Puti lahat ang mata niya't, may butas ang kanyang noo. Malayong-malayo sa kinilala kong kaibigan noon.

 

Ngumiti siya sa akin at lumabas sa bibig niya ang maraming dugo.

 

"Eto na ako Jane. Kanina mo pa ako hinahanap diba? Nandito na ako. Magkakasama na tayo ulit!" sabi niya sa akin.

 

"Hindi yan ikaw! Impossible! Hindi ikaw ang Jaya na nakilala ko noon! Isa kang halimaw!" bulyaw ko sa kanya.

 

"Ako eto Jane! Ang bestfriend mo! Pinabayaan mo lang ako kaya naging isa na ako sa kanila!" sigaw niya.

 

"Hindi! Sinubukan kitang iligtas ngunit huli na!" sagot ko naman.

 

"Hindi Jane! Wala kang ginawa! Kaya ngayon ikaw naman ang gagawin kong halimaw para magsasama na tayo!" sabi ni Jaya sabay takbo sa direksyon ko.
Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!

x x x

Bigla akong napa-balikwas sa kinasasandalan ko! Gumising ako, so ibig sabihin, it was all a dream.

Isang bangungot. Isang napakasamang bangungot. Buti nga lang panaginip lang iyon.

"Okay ka lang Jane?" bungad ni Diane sa akin.

"Okay lang . Nagkaroon lang ako nang masamang panaginip." sagot ko naman.

"Sige Jane, matulog ka na ulit, hindi ka pa kasi nakapag pahinga ng mabuti. Iilang minuto ka pang nakatulog." concerned na advice ni Diane.

"Sige, okay lang na hindi na ako makatulog uli. Baka bangungutin na naman ako at mapasigaw ulit." sagot ko kay Diane.

"Sige, ikaw ang bahala. Ano naman kasi ang napanaginipan mo?" tanong niya sa Akin.

"Si Jaya. Sinisisi niya ako sa pagkamatay niya. At muntik niya sana akong kagatin, ngunit nakagising ako." kwento ko sa kay Diane.

"Wag kang mag-alala Jane. Malayo naman ang panaginip sa realidad. Hindi ka naman masisisi sa nangyari kay Jaya. Kapalaran niya yun kaya walang dapat managot sa kanyang pagkawala." sabi ni Diane sabay hagod sa likod ko. 

Revolt of the Undead (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon