Eto yung parang introduction ng mga main characters kaya talagang medyo mahaba. Ayun lamang. Enjoy reading^^
---------------------------------
Chapter 1
"Ano ba naman yan Anja! Hahahahaha! High school ka na pero lampa ka pa din! Hahaha!" Isa yan sa mga kaklase ko, si Julie. Binubully kasi ako dito pero ayos lang sakin. Hindi ko nalang pinapansin dahil wala din naman akong magagawa. Pati simpleng pang-aasar lang naman ang mga ginagawa nila kaya keri ko na.
Pinagtatawanan nila ako at kinukutya. Weird daw ako dahil ang haba ng buhok ko. Mukha daw akong si Sadako. Idagdag pa ang full bangs ko.
Haynako. Pero sabi ko nga, hindi ko nalang pinapansin. Tumayo nalang ako mula sa pagkakadapa ko at dali-daling pumunta sa classroom namin.
Kahit naman ganito ako eh may mga kaibigan pa din naman ako dito sa school. si Jamilla at Patrick. Tinulungan nila ako dati sa tropa ni Julie kaya naging mga kaibigan ko na din sila mula noon.
"HOY!!"
"Ay kalabaw!!!" Anubayan. Binatukan pa ko. =____= Pagtingin ko si Patrick lang pala.
"Ang gwapo ko naman para maging kalabaw."
"Haynako. May lahing aircon ka talaga. Ang hangin! Whoooo!!" Umarte pa ko na parang nilalamig.
"Ouch. Nakakahurt ka naman Anja."
"Wag ka ngang umarte dian. Para kang bading! Hahaha!"
"Sinong bading?!" Ooppss. Biglang dumating si Jamilla. "Uy?! Ano?! Sinong bading? Pansinin niyo naman akong dalawa."
"Ah. Si Patricia este si Patrick pala." Sagot ko habang pinipigil ko ang pagtawa ko.
"Hoy Anja!! Hindi ako bading!" Ehehe. Namumula na sa galit si Patrick. Ang kyot. Este nakakata-kyot.
"Patrick!! Tumahimik ka na nga dian. ang ingay ingay mo eh may ichichika pa ko dito kay Anja. Shooooo layas!" Saway ni Jamilla.
Bigla namang umalis ang kumag na yun.
Eh tiklop pala tong si Patrick kay Jamilla eh. Hahaha.
"Anjaaaaaaaa beybs." Biglang baling sa akin ni Jamilla. Nakupow patay tayo dian. Mukhang nobela na naman ang sasabihin.
"Ano naman ang ichichika mo?" Tanung ko.
"JS Prom na next month,"
"And so?"
"Anung and so?! Wala pa tayong date! Huhuhu."
"Parang yan lang Jamilla? Ang OA mo naman!!!"
"Eh anung gagawin ko? last year wala din akong date eh. Di ka kasi umattend!!"
"Ahehe. Sorry naman!! Alam mo naman na nagkaron ng emergency sa bahay namin. Tsaka may isang buwan pa naman. Makakahanap ka pa ng date."
"Ehhh. Gusto ko si Jasper."
"Si Jasper?" Eh diba siya yung tahimik at parang may sariling mundo?"
"Anukaba!! eh sikat kaya yun at gwapo. kahit ganun yun eh marami pa ding nagkakandarapa dun." Sabagay. Kaklase namin si Jasper at tama ang pagkakadescribe ni Jamilla. Gwapo naman siya. Matalino. Mayaman. Pero ayun nga, sadyang tahimik siya at parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid niya. Ewan ko ba dun. Pero may mga kaibigan naman siya.
Kaibigan nga niya yung mga nambubully sakin eh. Pero di naman siya nakikisali at lalong hindi din naman niya pinipigilan yung pang-aasar sakin. Sabagay. Sino naman nga ba ako para ipagtanggol niya? Hindi nga yata ako nun kilala eh. Hehe. Walong buwan na kaming magkaklase pero ganito pa din.
Biglang nagring yung bell. Buti naman at magsisimula na ang klase. Dumating na ang teacher namin at nagsimulang magdiscuss.
Kaso biglang bumukas ang pinto and guess what?
"Late ka na naman, Mr. Jasper Delgado."
Hindi niya pinansin yung teacher namin at umupo nalang siya sa tabi ko. Yes, Magkatabi kami. Akalain niyo yun? Tinititigan ko siya at saulo ko na din ang mga routines niya kapag nagkaklase kami.
"Tss. Wag mo nga akong titigan dian. Weirdo." Tapos tumungo siya sa armchair niya at natulog nalang buong period.
----------------------------
Baguhan ako sa pagsusulat kaya please, sa readers, sana magcomment kayo para malaman ko ang saloobin niyo tungkol sa gawa ko. ^^
- blueinkbaby
BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Roman pour AdolescentsIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)