Chapter 7 (Special Chapter)

88 12 12
                                    

Hello guuuuuuuuuuuys :) Haha. Special chapter po ito dahil ang plano ko talaga eh puro POV to ni Anja. :)

POV to ni Jasper!!

-------------------------

Chapter 7 (Special Chapter)

Jasper's POV

TSS. Kahit hindi sabihin, alam ko kung sino ang naglabas ng picture na yun.

Badtrip.

Ano namang problema niya at ako na naman ang pinag-iinitan niya?

Pumunta ako sa lugar kung saan siya tumatambay. Sa photography room.

Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya.

Noong nakita niya ako eh ngumiti siya.

Isang ngiti ng mga taong alam kong walang gagawing mabuti.

Tsk.

Hanggang ngayon, hindi pa din siya nagbabago.

"Oh. Pareng Jasper. Gawa mo dito?"

Nilapitan ko siya at..

*BLAG!*

"Tangina mo Jasper! Bakit bgila-bigla ka nalang nanununtok? Pakyu!!" Sabay pinunasan niya ang labi niyang dumudugo.

"Gago ka Arion! Sinabi ko naman sayo na tantanan mo na ko diba? Ano bang problema mo?!!! Nakuha mo na ang gusto mo!! Wala na ang lahat sa akin!! Hanggang ngayon guguluhin mo pa din ako?! Bullcrap!"

"Ha!! May natitira pa sayo at sisiguraduhin ko na makukuha ko din yun."

"Wala akong alam sa sinasabi mo!!"

Aambahan ko pa sana siya ng isang suntok..

"DELGADO AT EVANGLISTA!!!!! ANUNG NANGYAYARI DITO??!!!!" Epal talaga ang asungot na matandang principal na to. Tss.

"Wala po Sir. Nagkakatuwaan lang kami." Sagot ni Arion.

Hindi na nagtanung pa ang matandang yun at umalis na din siya.

Tinignan ko lang si Arion dahil hindi pa din siya nakakatayo sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko.

"Nasa'yo pa si Anja." Biglang sabi niya.

Si Anja?

Gago talaga to.

Hindi ako papayag..

"Wag mo siyang idadamay dahil ako mismo ang magdadala sayo sa impyernong dapat mong kalagyan."

Tumawa siya.

"Bakit? Mahal mo na? Tss."

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako doon dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

Baka makapatay ako.

Nakakaasar.

Akala mo totoo.

Ang galing niyang magpaikot.

Sa mundong ito, wala ka ng mapagkakatiwalaan kung hindi ang sarili mo.

Napagdesisyunan kong pumunta sa garden dahil dun lang ang payapang lugar dito sa school namin..

At nandito siya.. Tapos binubunot niya yung damo na tila ang laki ng galit niya dun.

Kawawang damo -__-

Bakit ba lagi siyang sumusulpot pag badtrip ako? Tsk.

Napansin na niya ang presence ko kaya napatingin siya sa akin. Halatang nagulat siya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya.

"Anung ginagawa mo dito?!" Tanung niya.

"Galit agad? Patambay."

"Tss." Ang sungit naman yata niya ngayon?

Malapit na akong mamatay sa katahimikan.

"Anja."

Tumingin naman agad siya sa akin.

"Oh?"

"Si Arion yung naglabas ng picture."

"Ha? Bakit siya?"

"Malaki ang galit niya sa akin."

"Ah. Sa lagay mong yan may nagagalit pa pala sayo?"

Oras na siguro..

Para makilala niya ko..

Para makilala niya ang totoong ako..

Wala naman sigurong mawawala diba?

Sana..

"Anja? Sigurado ka?"

"Huh? Saan naman?"

"Na gusto mo kong makilala?"

Nagulat siya.

Hindi agad siya nakasagot.

"Oo naman." Sagot niya.

"Bakit?"

"Kasi mabait ka naman sa akin kaya gusto kitang makilala."

Ako? Mabait?

"Naniniwala ako na hindi ka katulad ng iniisip ng iba. Na hindi ka marunong magmahal? Alam ko sa sarili ko na iba ka... Wala silang karapatan na husgahan ka dahil wala silang alam sa pinagdadaanan mo."

Anja..

Ngayon ko lang napansin na..

Na iba ka pala...

Bakit ngayon ko lang napansin?

walong buwan ko na siyang katabi pero kahit kelan, hindi ko siya kinausap.

Ni hindi ko binalak na kilalanin siya.

*Riing ring riiiiiiiiiiiing*

"Ah! Lunch break na pala! May pagkain ako dito. Gusto mo share tayo?" Masaya niyang pag-aalok sa akin sabay labas ng tatlong sandwich.

Seryoso ba siya?

"Wag na. Sayo nalang yan. Tingting ka na dian oh." Pang-aasar ko.

"Nanlait pa!" Sabay irap sa akin.

Nagsimula na siyang kumain.

Pinapanuod ko nga siya eh.

"Mauubos mo ba yan?" Tanung ko sa kanya.

"Oo naman.. B-bakit?" Sagot niya habang punong-puno ang bibig niya. Hindi naman siguro siya gutom noh?

Di ko na napigilang tumawa. Nakakatawa kasi itsura niya eh.

"Anung nakakatawa?" Tanung niya.

"Ikaw. Hahaha."

Naubos na niya ang sandwich at bigla siyang tumayo..

"Saan ka pupunta?"

"Kila Jamilla. Baka hinahanap na nila ako eh."

"Ah sige."

"Nga pala Jasper. Ngayon lang kita nakitang tumawa. Bagay pala sayo. Sige byebye." Kumaway pa siya sa akin.

Pinanuod ko siyang lumakad palayo sa akin at bigla kong naisip ang sinabi ni Arion..

"Bakit? Mahal mo na? Tss."

Hindi..

Hindi ko alam..

------------------------------------------

Hayyy. Panira yung bell noh? Hahahaha! Magkukwento na sana si Jasper tungkol sa kanyang sarili. Tsktsk. Pero uyyyyy. Lumalambot na siya kay Anja. :)) Sheeeemssss. Hihihi.

- blueinkbaby

When It Rains (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon