Hello! Ang tagal kong nawala! Mehehehehe. Halos kakatapos lang ng prelims ko eh. At OMG, alam niyo bang nagbroadcast ako kahapon? Hihi. Wala lang, share lang! =))
Nga pala, Another special chapter^^ POV ni Anja at Jasper. :)
Enjoy reading <3
------------------------------
Chapter 10 (Special Chapter #2)
Anja's POV
THIS IS THE DAY.
Ang aga kong nagising dahil kinakabahan ako. Pero hindi ako sigurado sa dahilan. Dahil ba first time kong pupunta sa prom? Or dahil promdate ko si Jasper?
Pwede both? Grabe lang. Kagabi ko pa iniisip yan. Ayan tuloy. Ang eyebags ko, maleta na. Patay na mamaya.
Bumaba na ako at nagsimulang maghanda para ako'y makakain na ng almusal. Nagluto ako ng pancake.
Maya-maya din eh naubos ko na ang iniluto ko kaya nagsimula na akong magligpit.
*DING DONG*
Dali-dali akong pumunta sa may pintuan at alam kong eto na ang pinakahihintay kong bisita.
"OMG ATE ANJAAAAAA!! NAMISS KITA! HOW ARE YOU?! HAYNAKO YOU NEED A MAKEOVER! HOW COME PARA KA NG SI SADAKO? EWW LANG TEH HA!! DALA KO NA PALA ANG GOWN MO AND AKO NA ANG BAHALA SA MAKEUP MO!! I'M SO LOVING THIS! NGANGA SILANG LAHAT MAMAYA SA GAGAWIN KO SAYO!!"
Yeah right. Pinsan ko yan, si Alyssa. Fashionista yan, halata naman. Siya ang tinawagan ko para sa event na to dahil alam kong siya lang ang makakatulong sa akin.
"Ate upo ka dito! Gugupitan kita!" Sinunod ko naman siya at habang nararamdaman ko ang gunting sa buhok ko eh napapapikit nalang ako. Nakakahinayang kasi. Ang tagal kong pinahaba ang buhok ko tapos gugupitin lang.
After 30 minutes..
Yung buhok ko na hanggang bewang eh hanggang balikt nalang ngayon. Yung full bangs ko, side bangs na ngayon.
Hindi na ako matatawag na weirdo sa itsura ko ngayon.
"Naku Ate. Ang ganda mo talaga! Hindi ka na kelangang lagyan ng make up dahil natural na ang ganda mo."
"Tigilan mo nga ako Alyssa. Dakilang mambobola ka talaga."
Tumawa nalang siya at nagpeace sign pa ang bruha.
Pagkagupit niya sa buhok ko eh nagprepare ako ng early lunch para sa aming dalawa at nang masimulan na ang gagawin sa akin.
"Ate! Ang galing mo talagang magluto! Sarap eh, dabest!"
Nakakatuwa talaga ang pinsan kong ito. Galing mambola!
"Teh, you go ligo na bilis! It's already 1PM!"
whut? Ang bilis naman ng oras! Tumingin ako sa orasan and boom! Oo nga. 1PM na. -__-
"Oo na! Wait lang ha?! Chill!"
Umakyat na ako sa taas para makaligo nang maayusan na ako pagkatapos ko.
*bzzt bzzt*
1 New Message
From: Unknown Number
I'll pick you up later. 4PM.
- Jasper
Ohhh. Paano niya nalaman number ko? That's weird.
Hayaan na nga lang..
Naligo na ako tapos inayusan na at maya-maya lang eh...
BINABASA MO ANG
When It Rains (ON-HOLD)
Teen FictionIsang pagmamahalan sa isang hindi inaasahang sitwasyon. :)